kagagaling ko lang din sa survey last week. umikot kami sa mga villages sa eastern region ng kaharian. grabe mahigit 1000km na naman tinakbo namin sa 2 araw lang. buti na lang masigasig si faisal, ang non-english speaking ko na arabong kasama. hay naku nangawit na naman ang kamay ko sa kaka sign language. sosyal ba? arabo ang driver? feeling hari o prinsipe ba? isa sa mga so-called "acsociate engineers" namin sa ofice yun. mga bugok na hiskul lang yata ang natapos tapos pinasok sa kumpanya namin. nakakatitig sa pc at kesami maghapon at pinupurga ang sarili sa kaka laklak ng tsaa maghapon. pero ayos din sya masaya kasama kasi tawa ng tawa si loko kahit di ko alam anong pinagsasabi nya minsan... as usual nabato na naman ako sa kakapakinig sa mga tunog arabo na mga awitin. pero ano ka? may dalang tapes si faisal na english, ung nga lang remix ng "you're my heart you're my soul" at "self control"... nalungkot at disappointed lang ako kasi putol yung "brother louie"!
ang saya ng byahe namin... ang dami kong nakitang kababalaghan sa kaharian... ibang-iba sa probinsya namin sa negros, kahit walng tubo at kwartang pinipiko at pinapala, ibang klase talaga...grabe ang yaman!!! papunta pa lang kami doon marami na kaming nakitang mga ipo-ipo, small hurricanes ba, para mga tangang pasosyal dyan. ung isang nga nadaan kami habang patawid ito ng main highway. kala ko nga liliparin kami pero di naman pala, nayanig lang ang 4x4 naming sasakyan. paiba-iba na naman ang klima ngaun, summer kasi. di ko alam kung patapos na o tatagal pa. ganyan lang dito sa saudi, pag nag iba na ang panahon, pasaway ang climate. laging may sand storm, iinit... lalamig ng bahagya, tapos iinit na naman. parang bading paiba-iba ang takbo ng isip!
ok ung experience na un para sa akin. dun ko na realize kung gaano ka primitive pa rin ang kultura dito kahit sa taglay nilang yaman. pero ano ka? minsan akala mo lang na wala ng tao sa lib-lib na lugar sa gitna ng desyerto, magugulat ka na lang bigla sa mga makikita mo. dun mo makikita ang munting mga kaharian na napapalibutan ng mga camel, tupa at mga kambing. grabe, libong camel siguro ang nakita ko sa dalawang araw lang na pagiikot. (clouds with matching musical scoring ng paino)...naalala ko tuloy ung first time kong nakakita ng camel dito sa saudi. nakatali un sa likod ng sasakyan, ibebenta yata. talagang namangha ako noon sa aking nakita. face to face with a camel, for the first time... amazing! parang smart!.. ang ganda ng mata nya, ang laki... ang ganda ng pilik-mata, ang haba... kaso sa kakatitig nya sa akin, parang bigla akong na-conscious kasi para nya na akong hinuhubanran at sing-sing at kaliwang medyas lang ang tinira! kakahiya, buti sanakung may medyas ding tinira sa kanang paa, ok lang... (balik sa kwento)...ispin nyo na lang, putcha sa gitna ng desyerto makikita mo ung latest models ng mga sasakyan at mga cellphones ng mga village people na di nga magamit-gamit kasi walang signal. may mini hospital, post office, paaralan, munisipyo at ung dating rural telephone systems. at syempre, may kuryente, lahat ng bahay naka a/c lalo na ang brgy hall carpeted na, may mga widescreen tv pa as in 29" pataas. may ganyan ba sa states???!!!
ang bawat village ay may tinatawag na amir o parang barangay captain siguro un sa pinas. ung iba may royalty din daw ang mga un, may royal blood ika nga. royal blood din naman ako ah, royal tru-orange yata ang iniinom ko. sa village, syempre di mawawala ang brgy. hall. kaya bilang panauhing pandangal, asikaso ka ng todo sa tanggapan. yun nga lang walang lafang puro tsaa lang! pero ang di ko makalimutan sa byaheng yun ay nung pinapasok kami sa tanggapan ng amir sa isang village at tinagayan ng alalay nya ng arabic coffee sabay abot ng isang palangganang dates... ang sarap ng dates, hinog at bagong pitas sa puno. ok lang din ung kape. pagktapos ng kape, kinuha ng alalay ung mga ginamit naming tea cups at nilublob lang dun sa isang plangana ng tubig, inalog ng konti at binalik sa tray ready to use. tapos kuha na naman ng maliliit na baso para sa tsaa, naka dalawang shot lang ako kasi may lakad pa at di ako umiinom sa trabaho.naks! akala ko tapos na at medyo kumukulo na tyan ko sa halo-halong inumin. buti sana kung gin-pomelo yun ayos lang.... tagay pa pre!!! di pa ako lasing! let's paint the red town!!!!
tapos ayun na, bumalik ang alalay na may bitbit na dalawang pitsel. kala ko tubig, gatas pala! bagong piga sa dede... yummy in theory, pero i prefer sucking it from the main source. hehehehe... ayun na nga tinagayan ako bigla ng dalawang baso, tig iisa galing sa dalawang pitsel. ung unang baso masarap sya, alam ko na galing sa baka un kasi natuto na rin ako na uminom dito ng fresh milk eh. pero ung pangalawng baso, iba ang lasa nung una kong lagok. di ko na sanauubusin kaso tumataas ang kilay ng amir. ayoko naman mapugatan ng ulo dahil lang sa di pag-inum nga gatas... nakakahiya kya nun?! mas nakakahiya kesa nasaksak sa videokehan habang umuungol sa "my way"... wala akong nagawa kundi ubusin ang ung pangalawang baso ng gatas. nasa panghuling lagok na ako ng sinabi nyang..."halip jamal". agad ng react ang utak ko at hinukay ang kapiranggot kong alam sa arabic. "halip"-- milk yun sigurado ako. "jamal"? teka...tiktiktitktittktitktititk..tseng!!! PUTCHA!!! camel yun ah!!!!!!!! waaaahhhhhhhhhhh!!!!
tang ina, gatas nga camel kaya pala malansa!!! kaso wala na, ubos ko na ang tagay at may begote na ako ng gatas ng camel sa taas ng bibig. dinaan ko na lang sa ngiti, pakyut at maxx menthol kendi. tapos nag sindi na naman ang bwisit na alalay ng mga barks ng kahoy yata ang tinggin ko. nilagay sa parang pot na korona. akala ko para sa lamok. anay at ipis. di pala... pabango ng mga village peeps! sa amin kasi pag nag ganyan si lola, either maraming lamok at brownout o di kaya may tuko sa kesame. tapos pinaikot ung korona binigay una sa amir, nilanghap niya ito at pinausok sa buong katawan. ganun din ung anak nya, dinampot at pinausok sa damit pati ulo sabay pasok sa tulakbong nila... tipid!!! may tinitira ka na, may pabango pa! parang sila'y nasa isang kahindikhindik na ritual, inaantay ko nga baka may biglang ipasok na iaalay na birheng babaeng naka damit puti, hihiwain sa dibdib at kukunin ang puso. wala naman palang ganun... pinaikot nila ang korana pati kay faisal... akala ko makakaligtas na ako. di ko inakala na iaabot ng amir sa akin. ako naman, sa takot ngang mapugutan, kinuha ko na rin at nagpausok sa leeg at t-shirt ko. tang na loob, di ko mawari kung naging mas mabango ba ako o nawala ng tuluyan ang taglay kong sex appeal. di bale ng nasapawan ang givenchy blue ko na perfume, ok naman ung experience na un. kaka ibang level... kakaibang pangayayari, ang maimbitahan sa royal court at maging ka-rubbing elbows ang mga saudi village people... sige pre, parang bailey's lang yan...tagay pa!!! marami pang camel doon... shalamat pre pero hik! tama na muna.. lasheng ka na ehhh...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento