yudapuga! ang ganda ng pasok ng buwan ng septembre. pasko na daw sa pinas.. tanghali na ako nagising. as usual... ligo, sipilyo, bihis, suklay, kindat sa salamin ala “dats my boy!” tapos lipad! medyo mabilis ang pagmamaneho ko para makarating sa opisina bago mag alas 8. nyeta, isang stoplight na lang sana mula sa opisina ng biglang....”gggggrrrrrroooommmmm”. putcha! ayaw umabante na ng kotse. nangamoy ang gulong, ayaw umikot. huminto. tumigil ang mundo ko. tumigil din ang lahat ng kotseng nakabuntot sa likuran ko. mabuti sana kung nasa service road ako pero hindi. nasa major intersection mismo at sa ilalim pa ng poste ng stoplight. rush hour. pinilit kong inabante ang kotse pero ayaw talaga. ayaw ko sanang bumaba ng sasakyan kaso baka banggain ang kotse ng mga humaharurot na mga arabo. ayokong umuwi sa pinas na nakakahon.
dali-dali akong bumaba at kinuha ang early warning device sa likod ng kotse. tunog hitech ano? pulang triangle lang yun. nilagay ko ito sa kalsada mga ilang metro mula sa puwet ng kotse sabay tawag sa mga superfriends. natagalan pa bago dumating ang kakilala kong taxi driver. mainit. maraming tao. maraming sasakyan. pati yung bangladesh na naka-bisekleta ay tumitingin lang sa akin, ngumiti at umiiling. mga ilang minuto pa dumating din ang taxi may dalang tow truck. hinila at isinakay ang kotse ko sa truck. kawawa. gusto kong maiyak pero O.A. na yun. dinala namin ang kotse sa talyer at iniwan para ipachekup. tanghali na ako nakarating sa opisina. bwesit!
ganyan lang talaga ang buhay. puro sugal. gaya na lang ng pagbili ng sasakyan sa hindi mo kakilala o pagbili mo ng mga tuta sa sta. cruz maynila. bumili kasi kami dun ng umuwi ako nung nakaraang buwan. dalawa ang napili namin. girl at boy. si pretty at si lucky. wala na si lucky. namatay ilang linggo pagkatapos tinurukan ni dok ng anti-peste at anti-bulate para daw lumakas. malamang ngayon pinagpipiyetshan na ng mga bulate yun. kawawang aso. di man lang nagkamalisya pumanaw na. sayang...
minsan sa buhay maraming dumadating na mga pagkakataon. mga bagay na pagpipilian. pano kung ganito? kung ganyan? ito ba o yun na lang? siya ba o iba na lang? kung ano man ang mapili mo dapat kaya mong itong panindigan at handa ka ring harapin ang kahihinatnan ng napili mo. dapat walang pagsisisi. sabi nila basta daw masaya ka ok lang. ngayon yun. pano bukas?
mahirap malagay sa alanganin. mahirap tumirik sa intersection. kelangan may ”presence of mind” ika nga. tumigil ka man,walang pakialam ang mundo sa iyo. tuloy pa rin ang ikot nito. wag dapat mataranta. humingi ng tulong kung knakailangan. gawin ang sa tingin mo ay tama. iwasang ipilit ang alam mong imposibleng mangyari at walang patutunguhan. pero minsan, gaya ng sabong, nananalo ang dehado. minsan naman ang pinakamasarap na bunga ay yung nasa dulo ng sanga. delikadong kunin pero sulit naman ang paghihirap.
nalilito na ako sa pinagsasabi ko. parang nahilo ako sa puntong nais kong ipaliwanag. pero parang ganun na rin yun. mahirap ipaliwanag.
Lunes. a-tres ng septembre
maaga akong pumasok kanina. di karaniwan sa isang tulad kong aswang. ikikikikikik... buti naman at nagawan ng paraan na maayos ang kotse ko. bumigay daw ang return spring ng preno kaya di na bumitiw nung kumagat ito. ok rin naman pala pumasok ng maaga sa trabaho, may oras mag-internet. may nabasa tuloy akong isang article na may pamagat na ”Don’t Save if for the Funeral” mula sa Philippine Star. ipinaliwanag ng tagapanulat dito ang kahalagaan ng ”ngayon”. ”
You do not save the best for last; you save the best for now. If your best is not now then your life is not exactly fulfilling isn’t it? You never know when your best would be but you can always make today the best it could be.”
naisip ko tuloy palitan ang kotse ko. sabi nga ng kaibigan ko, bakit kailangan pag-aksayahan ng oras ang isang bagay na walang patutunguhan. sayang lang daw ang oras. tama nga naman siya... sayang nga. nais kong maging masaya. gusto ko ng bagong kotse pero praktikal akong tao. isa pa napamahal na sa akin ang kotse ko. kahit hindi ito masyadong nasa kondisyun mahal na mahal ko yun. wala namang perpketo dito sa mundo diba?
lalo lang yata nagulo ang utak ko. mabuti pa iba na lang pagusapan natin. miss ‘sang round pa nga....
hayyy buhay!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento