Lunes, Mayo 18, 2015
Tuwing umuulan at walang kapiling...
alhamdullah! maniwala kayo sa hindi, ilang araw ng malakas ang buhos ng ulan dito sa kaharian lalo na dito sa riyadh. mag-iisang linggo ng bumabaha ang lansangan ng riyadh kasi nga hindi naisip ng mga henyong arabo na maglagay ng drainage sa buong city proper. kung sabagay di naman talga cguro applicable na maglagay kasi nga di naman uso ulan dito db? until now... siguro part na to ng epekto ng global warming. weird na masyado ang climate ng mundo. dapat nga sa antartica ngayon magyeyelo na ang ibang bahagi doon pero hindi pa rin. sa ibang bansa naman sobra ang snow at blizzard at yung iba naman sumobra sa init. dapat ngang bigyan na ng pansin tong ngyayari sa ating kapaligiran. tao rin ang may kagagawan nito kaya tama lang na tayo ang gumawa ng mga paraan para maiwasan tuluyang masira ang ating kalikasan.
ulan.. sige pa... ulan!!! bwahahaha!!! ang sarap talaga basta umuulan. ang dami ko tuloy naiisip gawin kapag ganito ang panahon. una sa lahat syempre lumamon. ewan ko ba basta ang sarap talaga kumain kapag malamig ang panahon... siguro nga kasi mabilis pala ang metabolism natin kapag taglamig. kahit pulso mo’y bumibilis din ang takbo. kelangan kasi ng katawan mgproduce ng extra heat para ma-maintain ang natural body temperature. in return mas maraming fuel ang kailangan, kaya ayon lamon! hahaha talagang hinanapan ba ng scientific explanation ang paglamon?! pero isipin mong mabuti ang lasa ng tuyo... hiniwang kamatis at sibuyas... sukang maanghang... at sinangag na kanin... mmmmm. naglalaway na ako sa kakaisip pa lang. tapos ang susunod nun, tulog na. yes! hmmm sarap matulog. well u can inject pa any fat-burning activity between lamon and tulog. nasa tao yun kung ano ang trip mo. syempre top of the list pa rin yung... alam nyo na. hehehehe. hay naku, ansarap gawin nun bago matulog. pampainit ng dugo... pampabilis ng tibok ng puso. kahit ilang rounds basta kaya...”you know... i was relaxing and waiting por her to come... i did not expek to pinis da fight in da erli rounds.. you know it’s not a problem por me i jas dont want my bird to luk small inside da ring, u know.”
naku, ang sarap din sanang tumagay! utang na loob, bakit kasi ipinagbawal ang alak dito. tama ba naman yun? paano kung masyado ng malamig at ikay nag-iisa at sawa ka na sa kakahimas ng itlog? naalala ko tuloy yung lasenggo sa amin. ang sabi nya, “toto, simple lang ang kailangan ko sa bawat araw na ginawa ng Diyos... isang pirasong tinapay, isang bote ng alak at isang aso.” sabi ko, “manong bat may aso pa?” ang sagot nya, “eh sino yung kakain ng tinapay?.” joke joke joke!!! extra 500 pesos por u!
ang sarap talaga ng buhay pag umuulan... yun nga lang isang linggo na rin akong sinisipon; namaga ang tonsils ko, nilagnat at inubo. ganun lang ang buhay siguro, ang lahat ng masasarap ay may kasamang mga di masyadong kaaya-ayang mga bagay. pero ok lang tuloy ang buhay! ang pinakamaganda daw na panahon ay yung pagkatapos ng napakalakas na bagyo... enshallah!!!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento