Lunes, Mayo 18, 2015

Pilipinos lasim shokul (Filipinos must work)




sino ba sa atin ang hindi nakaranas ng pang aapi dito sa kaharian ng saudia? kung sasagot ka na ikaw, na mo! sinong ginagago mo?! kahit na magdadalawang taon pa lang ako dito, wala akong nakasalamuhang pinoy o kahit ibang lahi na hindi nakaranas ng diskriminasyon mula sa mga among arabo. basta iba sila, di ko pa rin maaruk ang takbo ng utak nila, kung meron man. karamihan sa atin naniniwala na wala silang mga utak, muk mafi ika nga at saksakan ng kakuparan at kakupalan. pero natanong nyo rin ba kung ano ang tingin nila sa atin?


noong nakaraang martes, tahimik akong nagtratrabaho sa munti kong cubicle sa opisina... excited kasi miyerkules kinabukasan. TGIW. Thank God It’d Wednesday, walang trabaho kinabukasan. bigla ba naman akong inutusan ng supervisor ko na mag-book ng flight papuntang Hail at mag-survey ng 18 sites. putcha! labing-walo? miyerkules po bukas sir... dapat petiks-petiks lang sana. di pwede, rush! yala go!!! kaya ayon napilitang lumipad si toto ng alas-singko ng madaling araw at nagsurvey sa desyerto maghapon hanggat lumubog ang araw. naman, kahit nga ako hindi makapaniwalang magagawa namin yun. pasalamat na lang at puro pinoy yung subcon manpower na inassign sa akin. mabuhay kayo kabayan! yun nga lang para akong hinalay ng buong saudi football team sa sobrang sakit ng katawan ko kinabukasan. inisip ko na lang na nag-workout ako at naburn ko ang lahat na calories ng lahat ng manok na kinain ko buong taon.


itong linggo na dumating yung mga survey reports ng survey group para reviewhin at approve/reject ko. 18 yun diba? rush po ba? syempre!!! ang siste, napansin ng isang pinoy sa opisina na puro ako nagrereview ng lahat ng reports na yun. sabagay ako naman talaga dapat kasi nga ako ngsupervise ng buong survey. pero syet, 18 yun at rush. binanggit nya rin ito sa bisor ko pero sagot ni muder... “pilipinos lasim shukol”. ang pinoy daw dapat magtrabaho. tang na loob, sa puntong yun naramdaman ko na uminit na yung tenga ko at nabwisit na araw ko. ang pinoy daw dapat magtrabaho... tsk3 kahit sino man cgurong pinoy manginginig sa galit kapag yun ang maririnig mo. oo, masakit man tanggapin tayo’y mga alipin pa rin sa mata ng mapang-aping mga dayuhan lalo na sa mga kupal na mga arabong to. eh kung hindi daw tayo pumunta dito sa kaharian nila eh di sana tayo makakaranas ng pang-aapi. ganun lang sa simple. lahat na yata ng defense mechanisms pina-andar ko na para mawala lang sa isip ko yung comment ng bisor ko. hanggat pinilit ko na lang maniwala na ako lang ang mapagkatiwalaan kung bakit sa akin lahat pinasa yung trabahong yun. sabagay, kung tutuusin hindi mabubuhay tong bisor ko kung wala ako. ako na lang lagi sumasalo ng pwet neto kung may pinapagawa yung management. di naman sa sa pagmamayabang pero gusto kung maniwala na indispensabale asset ako sa kompanya namin.


wala na yun, nakalimutan ko na. tapos ko na lahat i-review at i-correct yung labingwalong reports at pinasana ko na ring yung final design sa management for approval. ok na ako kaya eto binoblog ko na lang ang natitirang sama ng loob ko...


naisip ko lang din kasi paano kung tayo naman ang yumaman? paano kung maubos na yung langis sa kaharian at maghihirap sila? paano kung tuloy-tuloy ng maging universal fuel yung ethyl alchohol mula sa tubo o mais. sa south america kasi marami ng ring sasakyan na yan ang gamit na fuel. naguumpisa na ring binabalik ang sugar quota ng us sa pinas para sa ehtyl alchohol na ginagamit sa hybrid cars. medyo tumaas na presyo ng asukal sa negros at marami ng bumabalik sa pagtatanim ng tubo. yung uncle ko nga may mga finacer pang mga kanong sinsamahan maghanap ng mga lupa na pwedeng taniman uli. mahigit kasing 25 na taon nagtrabaho yun sa sugar regulatory administration at naging consultant na ng ibat-ibat sugar farms pagkatapos nyang mag-resign. promising daw talaga yung prospects na manumbalik yung sigla ng sugar industry sa amin. kaya humanda kayo mga gagong arabo! malapit na ang katapusan nyo.... kalas, bwahahahahah!!!!


isipin nyo na lang kung gaano siguro kasaya kung tayo naman ang muder sa pinas at magrerecruit tayo ng mga OSW, overseas saudi workers. hindi ko cguro maiwasang gumanti at apihin din sila kung gagawin ko silang mga plantation workers sa hacienda ko sa negros. una sa lahat itatago ko yung passport nila at hindi ko rin sila papayagang lumabas at mamasyal gaya ng ginagawa nila sa iba nating mga kababayan dito. sa isang bahay ko sila patitirahin na may mataas na bakod na puno nga barb-wire at basag-basag na bote ng softdrinks. subukan man nilang tumakas, siguradong may maiiwanang bayag na nakasampay sa pader kinaumagahan. hindi ko rin pakakabitan ng TSC o the saudi channel at telepono yung bahay na yun. hahayaan ko na lng mapurga sila sa kakapanood ng “maging sino ka man”, “super inggo” at “wowowee”. parusa ngang manood noon eh kahit pinoy ka pa diba? wat more kung tangang badu ka pa? dapat wala silang contact sa outside world. bahala sila kung makapuslit sila ng celpone sa bahay at maubos ang load nila sa kakatext sa pamilya nila sa saudi. itataas natin ang presyo ng mga bilihin nila gaya ng ginagawa nila sa atin dito. putcha, tama ba namang SR13 yung star margarine at SR10 yung datu puting toyo? itataas din natin ang presyo ng manok at lahat ng pagkaing arabo tulad ng shawarma. kung pwede ngang ipagbawal sa kanila ang pagkain ng manok, gagawin natin. magtatalaga din ako ng pinoy na cook sa bahay at papakainin ko lang sila nga bagoong at tuyo, piyesta na kung may kasama pang hiniwang kamatis at sibuyas, bukayo at coke litro. itataas din natin ang presyo ng mga pirated cds at dvds na arabic lalo na yung slowrock, lovesongs at disco music nila. magtatalaga na rin ako ng bus mula sa hacienda papuntang bayan once a month para makapamasyal naman sila sa downtown proper ng bacolod kahit 3 oras lng. kasali sa libreng benefits yun gaya ng hiniwang kamatis at sibuyas. pwede sila doon makipagdebate tungkol sa relihiyon, maglaro ng dama at chess, bumili ng lobo, kumain ng sorbetes ice-scramble ice-candy at cotton-candy katabi ng dalawang leon sa plaza ng bacolod. gagaan lang cguro ang buhay nila kung magpapa-convert sila. yun nga lang magbabayad muna sila sa akin ng malaking halaga. pwede na sila makapagsimba nun every Sunday sa simbahan sa tapat ng plaza kung saan sila pwedeng makipag-eyebol din sa kapwa nilang bading na mga arabo at sabay kumain ng ice-scramble hanggat sumakit ang kanilang mga ulo.


naalala ko si cedie ang batang principe.... binilin pa naman ng ama nya sa kanya na huwag magtanim ng sama ng loob sa kapwa. madaling sabihin yun kung ikay isang cartoon character at hindi ka nakatungtong sa saudi.


sana nga dumating ang araw na yun...




















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento