ano ba ang magic? totoo kaya ito?
ayun sa webster dictionary 2007 edition:
Main Entry: 1mag•ic Pronunciation: 'ma-jik Function: noun Etymology: Middle English magique, from Middle French, from Latin magice, from Greek magikE, feminine of magikos Magian, magical, from magos magus, sorcerer, of Iranian origin; akin to Old Persian magus sorcerer 1 a : the use of means (as charms or spells) believed to have supernatural power over natural forces b : magic rites or incantations 2 a : an extraordinary power or influence seemingly from a supernatural source b : something that seems to cast a spell : ENCHANTMENT 3 : the art of producing illusions by sleight of hand
“an extraordinary power or influence seemingly from a supernatural source”. naks! grabeeeeeh... ay gali? ma-o ba? ganun pala un? importante daw kasi ang “magic” sabi ng kaibigan ko. kelangan talagang meron nun kung kasama mo ang isang tao. may rapport, chemistry, vibes at kung ano-ano pang ka-ekekan sa buhay. sabi ko nga napaka vague ng explanation nya. sabagay may mga bagay sa mundo na di kailangan ipaliwanag pa. gaya ng “magic”. kung kaya mo nang ipaliwanag ito, mawawala na ang magic. gulo no?! kaso para sa akin tila overused and abused na rin word na yan. “MAGIC”. syet! kahit sabong panlaba yata meron na nun.... haahahaha not to mention the world-reknowned most-sought-after all-in-one mercury-enriched MAGIC CREAM! may cream ka na, may magic ka pa! puputi kahit singit mo... gaganda, kahit mukhang singit. subukan... mabibili sa mga suking tindahan. gumamit lamang ng orig. mag-ingat sa mga imitations baka tuluyang maging isang ganap na singit...
back to our regular program; pano mo nga ba mararamdaman yung magic? nagugulo pa rin ang utak ko. “i’m flattered!” sabi pa ni roderick paulate dati sa isang tv show. nalito kasi sya noon sa names ng mga guests nya. flattered? ay tanga... flatter lang!
oo nga no? kung sabagay para ka naman talagang lumulutang sa ere gaya ni david copperfield at david blaine kung katabi mo ang iyong pinakamamahal. parang kaya mong tumulay sa alambre, lumamon ng apoy at espada. cool. khit magtitigan lang kayo maghapon ayos na! konting buka-buka lang ng butas ng ilong, taas-baba ng makabilang kilay, beautiful eyes at pabilog-bilog ng nguso maghapon solb na. mas effective kung kaya mong sabay-sabay gawin ang mga ‘to. iwasan lang ilapat ang mga labi at ipikit ang mga mata. baka kasi biglang hugutin ni lalaki ang magic wand nya at tusukin ka. manyari man, umilag na lang ng bahagya para sa singit ka lang tamaan ng magic cream.
nalalabuan pa rin ako... basta daw ”yun na yun”. para kang sisinukin gaya ni claudine... got to believe in magic. oh di ba, title pa lang parang galit na. wala ka ng magagawa kundi lunukin na lang at maniwala. oo na, cge na sya.. sya.. sya. matigil ka lang!
Na-magic ka na ba???
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento