ang sarap ng feeling pag may natutunan kang bago ano?! moreso if it helps sa enhancement ng professional skills mo. heheheh dagdag kaalaman, dagdag presyo. sabi nga ni ka ernie bago sya nag "babaaaayyy" literally, "knowledge is power". naniniwala talaga ako dun. kaso sa tingin ko hindi naman applicable dito sa saudi ang ganyang notion. eh dito ang tatangengot ang karamihan sa mga borabs pero powerful sila. "Oil is POWER!!!" ewan ko lang, kung hindi cguro bumaha ang langis dito sa saudi, malamang camel pa rin ang pinaka lexus at bmw nila. kung may langis lang din sana tayo sa pinas may lexus na rin ako malamang, nakatira sa palasyo at may dalawang dosenang katulong. kaso wala eh... kaya hanggang ngayon kalabaw pa rin ang kalimitan na sasakyan sa mga probinsyan sa pinas. pang virgin coconut oil lang talaga tayo eh... dyan lang tayo magaling sa kakatoma at kakapahid ng kung ano-ano sa katawan para gumaling sa sakit. ang pinoy kino-compensate na lang niya ang kahirapan sa kakaisip ng kung ano-ano para umangat sa lipunan to the point na pati tangke ng LPG kinanarga na sa likod ng kotse para tipid sa gasolina. pero marami din sa amin probinsya na may pinanapahid lang daw na langis sa katawan at lumilipad at gumagala sa gabi... ik..ik..ik..ik..ik..ik..ik!!! awoooo!!!
hay naku, hayaan na lng.... back to "knowledge is power" na lang tayong mga pinoy. sabagay yan lang ang sandata natin sa buhay ang ating dunong at diskarte.. diskarteng pinoy!!! iba tayo eh, matalino at maabilidad! kahit hindi tayo ganun ka swerte at kayaman sa buhay pero sagana tayo sa talento. parang si rosita diba? kung sabagay hindi naman ganun ka kawawa yun kasi sa 12 silang magkakapatid siya lang daw ang may mukha... no comment na ako, pokwang! at take note, may british bf pa?! buti na lang hindi si kris ang host ng PDA, sandamakmak sanang sarcasm ang matatanggap nya. ang disadvantage lang is lagi tayong inaapi dahil hindi tayo ganun ka yaman compared sa ibang bansa. parang si rosita din... inaapi, kinakantyawan, pinagtatawanan. letche, dinaya pa! na-nominate pa for eviction, eh kitang kita naman na may appeal sa masa eh. paano pa maliligtas yun sa voting process eh kelangan sa internet pa! pano mag da-WWW yung mga kapwa niyang DH sa gitnang silangan aber?! hay rosita... the endangered species.
kaya ako, excited talaga pag may bago akong acquired skills. tama pa rin si ka ernie... "knowledge is power." parang nung nasa eskwela ka pa diba, sarap talaga ng libreng blowout pag manalo ka sa pataasan ng score. kahit banana-que lang nun, ayos na. konting dasal lang na ma-itlog yung kaklase mo, kahit 1 lang score mo ayos na. kwela ka rin sa mga bebot... kuya, pwede mag pa-toro??? ahhh... sure... parang system of rewards and punishments lang yan eh. ang level ng talino mo ay may corresonding reward yan... hehehehe. pero ngayon iba na, hindi lang kaklase mo ang kakumpetensya mo... global na ang labanan!
Mabuhay ka ROSITA!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento