Lunes, Mayo 18, 2015
Alta-presyon, turukan, bunutan atbp. - 4/2007
inaantot ato... nasa opisina ako ngaun. 1:51 ng hapon. nakatitig sa monitor pero blanko ang utak. eto na siguro ang mid-life crisis na sinasabi nila. pero hindi pa naman cguro kasi kung tatagal ako ng 100 yrs old, eh di dapat on my 50th birthday pa yun dba? pero ewan ko ba. magulo ang utak ko pero di ko alam kung ano ang gumugulo nito. siguro nga epekto lang ito ng panahon na unti-unti ng nagbabago. maiinit na kagabi kaya napilitan na akong mag-burlesk at mag aircon. hmmm sarap... damang-dama ng likod ko ang kama habang ako’y nakahilata at damang-dama din ako ng kama kapag ako’y nakadapa... ouch daw! ok naman ang tulog ko, medyo bitin pero nasanay na rin akong konti lang ang tulog. sabi pa nga ng kasama ko sa bahay, habang tumatanda daw ang tao pakonti ng pakonti daw ang oras na kelangan para matulog. cguro nga tama siya. naalala ko tuloy si lola dati nung buhay pa siya. alas tres pa lang ng madaling-araw ay gising na at nakikinig na ng am radyo. ganun din ang nasira kong ama, yun naman eh sounds ang trip, kaya kahit maaga pa ay maririnig mo na sina pareng frank at pareng perry na umuungol sa bahay pati na ang naiipit na mga chipmunks tuwing kapaskuhan. siyempre pa dumadagungdong ito mula sa sansui components na pasalubong sa kanya ng asawa ng pinsan kong galing saudi.
pero ako? ni wala na nga akong masyadong oras para makinig ng sounds. bitin pa rin ang anim na oras na tulog para akin. pumapasok akong parang bangag sa kape tuwing umaga at medyo suplado akong nagmaneho lalo na kung may mutang nakaharang pa sa peripheral vision ko. ¼-life crisis pa lang cguro ‘to. pero handa na rin akong harapin kung sakaling dumating man ang araw na yun. 50? baka that time pang-ihi na lang talaga ang gamit ng bird ko. kaya ngaun, tuloy pa rin ang bisita ko sa gym, kaso lately mas regular pa ang dalaw namin sa kruathai resto kung saan msg-enriched/fortified ang lahat ng pagkain. yung kaopisina ko nga eh nagka hiblood na. batang-bata pero may alta-presyon. sinamahan ko pa ngang magpa-checkup sa hospital. mataas daw ang serum triglycerides at cholesterol ayun sa medical exam nya. sabi naman ng doktor eh nakuha daw nya yun sa kakakain sa labas. at nung inereklamo nya na nahihilo at inaatok sya sa “light medicine” na nireseta sa kanya, sumagot si dok na eh di hatiin na lang daw ang tableta at inumin sa gabi. galing mo dok, sana marami ka pang matulungan at maisalbang buhay!!!
naalala ko din dati nung nagpatingin ako sa sa isang hospital dito sa riyadh. trip lang para magamit ang libreng medical insurance. sinamahan ko kasi yung dalawang kaopisina kong nagpatingin din. naiinip ako sa kakaantay kaya nagpa-checkup din ako. trip ko lang pasilip ang tonsils ko kung may infection. konting silip lang ni dok sa lalamunan ko ayos na, pamatay oras habang naghihintay sa dalawang mokong. akala ko nga panadol – “the wonder drug” na naman ang ibibgay sa akin eh. pero hindi?! ang daming nireseta na libreng gamot pipick-upin sa pharmacy. nagulat lang ako ng sinabi nya na bumalik sa clinic nya after makuha yung gamot, sabay ngiti. bakit kaya? pumunta at pumila ako para kunin yung mga gamot. laking gulat ko ng inabot ni kabayan ang isang maliit na vial. anak ng.... tuturukan ako! pero sabi ko ok lang di naman ako natatakot at dati din naman akong adik. bumalik at dinala ako ng nars sa separate room kung saan dalawa lang kami at may isang upuaan sa gitna ng kuwarto. naturn-on ako sa amoy casino rubbing alchohol na silid kaya marami akong naisip nung oras na yun pero sa akin na lng yun. diretso upo na lang ako sabay itinaas ko yung long-sleeves ng polo ko. hindi sya pinay, ewan ko kung anong lahi pero mukha naman syang malinis at amoy albatross. sa isip-isip ko,pwede na ‘to. bahala na si allah. lalo pa akong uminit ng sinabi nyang... “dont sit, stand.....” eto na.... “pull down your pants”. ok na sana sa akin kung hanggang dun lang, kaso dagdag pa nya... “turn around”. putcha sa tumbong pala ako tuturukan! letche, nag-antay na lang sana ako sa lobby at ngpakyut sa mga pilipina nurses o kahit na lang sa mga feeling-pilipina na mga pilipino nurses. susmaryosep! isa na namang pinagpalang nilalang tuloy ang nagkaroon ng pagkakataong masilayan ang pwet ko. hindi na ako bumalik sa hospital na yun...
minsan din nagpabunot ako ng ngipin sa isa pang hospital na itatago nating sa pangalang “riyadh national hospital”. doon nama’y nakaupo na ako, nakanganga na parang buwaya nang tinanong ako ni dok kung bubunutin na ba o hindi pa ang ngipin. anak ng naman... ikaw tong dentista tapos opinion ko ang tatanungin mo. pero sa wakas nagkasundo rin kaming bunutin na lang kasi yun naman talaga ang pakay ko dok diba?! --- magpa-bunot ng ngipin! nung nabunot na, tumayo na ako at lumapit sa table ni dok at inantay ko yung reseta para sa sakit at pamamaga. parang nagulat pa syang nagtanong, “ u still need medicine?”. sus ginoo! kung di lang ako bagong bunot gusto ko sana syang kagatin.
kalusugan... kelangang alagaan ng mabuti para sa magandang kinabukasan. til here muna... lalamon pa kami.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento