musta peepz?! matagal-tagal na rin ako di nagpaparamdam dito kasi nga andami kong trabaho nitong nakaraang mga araw... tuloy-tuloy kasi ang expansion projects namin sa buong kaharian at isa pa may kalaban na kami sa market. sa totoo lang napapagod na rin ako sa kakabiyahe at magbilad ng taglay kong kutis porselata sa ilalim ng araw kaso lang eh yan ang trabaho ko at isa pa nagkakaroon ako ng pagkakataon masilayan ang iba't-ibang lugar dito sa kaharian... hmmmm, meron nga ba?! kung trip mong maupo ng ilang oras sa sasakyan, magbilang ng camel sa daan, humithit ng alikabok at makinig ng "ayayayayaaaa habibiiiiii" na mga kanta maghapon, sigurado ako magugustuhan mo tong trabaho ko. minsan nga lang sa haba ng biyahe, parang di mo na mararamdaman ang pwet mo. manhid ka na!!!! kaya nga siguro hindi na nararamdam ng mga bading na badu ang sakit pag nag tirahan sila...
enjoy rin naman ako pag sumakay ng plane papuntang sites kasi nga syempre sandali lang biyahe kaso minsan may mga pangyayari rin na di mo malaman kung matutwa ka o maiirita. sa airport pa lang dama mo na ang diskriminasyon ng mga pulis sa mga expats. talagang binubulatlat pa rin minsan ang bag mo, pinapahubad ng sapatos pati sinturon. kulang nalang hubaran ka ng tuluyan at kapkapan.."wag po..wag pooo" "wag dyaannn... ditooooooo". sunod, di ko pa rin maintindihan hanggang sa ngayon kung bakit lagi na lang pag akyat mo ng eroplano ay titingnan talaga ng stewardess ung dala mong boarding pass tapos sasabihin na "just go straight ahead sir" naman?! ba't ba ganun? may iba pa bang daan yun? di ba pasok-deretso-upo lang yan? minsan iniisip ko na lang na kasi ung ibang borabs talagang mafi malum magbasa kung saan ung 32A o 36B. madali lang naman yun eh, A pag maliliit at B sa malalaki na db?. karamihan cguro from 1 to 3 lang ang alam... kung sabagay pwede na rin silang maging professional wrestling referees in the future diba? at kung medyo marunong na, pwede na sa boxing... 1,2,3, 10!!!!!! tapos eto pa, laging nadedelay ang byahe kasi ang daming ka ek-ekan sa buhay tong mga borabs pagdating sa upu-an. marami pa rin sa kanila na ayaw tumabi sa mga kababaihan o di kaya ayaw mawalay sa mga mahal nila sa buhay. kaya minsan sa eroplano parang naglalaro muna ng trip to jerusalem bago lumipad. minsan naman palilipatin ka ng steward kasi nga may naupo na sa napili mong window sit... kaya sige bow na lang, bagong bayani. pero natatandaan ko pa rin ang mukha nung arabong yun kaya pag nagkamaling mapadaan yun sa lugar namin sa bacolod ipapabugbog ko un sa mga tambay at bubuhusan ng masesebong dinugu-an, adobo at lechong paksiw! ...tingnan lang natin hehehehe. dati rin na-shock ako dahil ang katabi ko ay nakabalot lang sa tuwalya. matatanda pa naman un at puro buto ang katawan. meron palang exotic travelers dito sa ksa?! wish ko lang sana ung ibang mga babae ganun na rin, nakatapis ng tuwalya lang. mas gusto ko yun kesa naman katabi mo ng isang oras at kalahati ang babaeng parang kampon ng kadiliman. ayoko nga tingnan minsan kasi baka pula ang mata.. pero pag naka tuwalya lang, betchabaygaliwa talaga!!! malamang ako na mismo mag volunteer tumabi sa kanya. tatalon-talon talaga ako habang tinataas ang dalawang kamay ko para makita ako ng stewardess... "hey you with the funny face, com'mon down!!!" isa rin sa mga kinaiinisan ko ay laging walang english newspapers sa eroplano. di pa naman ako marunong magbasa nga pabaliktad at ng mga hugis buntot ng pusa, aso, daga at baboy. kaya nga sa tingin ko malapit ko na makabisado ang sky sales magazine... kunwari bibili daw kaso minsan nakakapagod din magkunwari sa buong flight kaya cge itulog na lang... ayan, inaantok tuloy ako... dito na lang muna... ay may tatapusin pa pala akong report... c u wen i c u... agen.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento