Linggo, Mayo 17, 2015

Pinoy Kaw Ba 'to? (2006)

Ramadan Kareem!!!

nandito na naman ang buwan ng gutom, ang Ramadan. letchugas! isang buwan na namang walang kainan at inuman sa trabaho bago mag alas sais ng hapon. kung sino ba naman kasing tanga ang nag-imbento neto? tama ba naman na gutumin ang sarili para maging banal? pano ka pa makapag desisyon kung ano ang tama at mali kapag gutom ka? gaya ngayon, pano ako makakalikha ng magandang blog aber eh namumutla ako sa gutom??? tama ba naman yan? nasaan na ang katarungan?! nasaan na… huhuhuhuhu.

dito sa kaharian, isinabay pa ang umpisa ng Ramadan sa national day ng KSA. libo-libong mga arabo ang nagparada sa mga lansangan ng Riyadh kung saan pinagmalaki nila ang sari-saring magarbong mga sasakyan nila. o diba? di bale ng tatanga-tanga eh mayaman naman! kanya-kanyang pautot ang mga borabs sa araw nay un. may mga nagbitbit ng mga Saudi flags, may sumayaw ng pang-ahas na mga tugtugin, may pumapatong sa bubong nga sasakyan, may mga tumatayo sa motorsiklo, may mga sasakyang sadyang pininturahan ng kulay green para lang sa araw na yun. talagang masaya sila at proud nung araw na yun. naisip ko tuloy, sana naging Saudi na lang ako… ang saya-saya siguro ng buhay, walang problema sa pera. hanggat hindi natutuyo ang langis sa kaharian namin, safe ang future ko. di ko na kelangan pang magkayod ng todo kasi mayaman ang bansa namin. di ko na sana pinoproblema pa ang gastusin ni mader sa mga checkups nya pati yung hospital bills ng kapatid kong nabale ang paa kasi lasing yung hagdan sa videokehan namin at ang mga tuition fees ng mga pamangkin ko na anak ng pinaka-close kong kapatid na panganay namin. ok na sa akin yun, di bale ng tatanga-tanga mayaman naman. walang problema, mafi mushkila kathir fulos ana!!!

wala akong naaalala na Philippine independence day na nagdiwang ako ng husto, kayo ba meron? bukod cguro sa walang pasok ang araw na iyun sa pinas, estudyante ka man o manggagawa tila walang kabuluhan ang araw na yun para sa atin. ni hindi nga tayo minsan proud na maging pinoy. may dapat ba talaga tayong ipagdiwang? ang kalayaan? totoo ba yun, o ginawa lang ng DECS para makapagpahinga ang mga titser sa kakaturo sa atin mag-english at sa kakapurga sa atin mga isispan ng kagandahan ng ibang bansa? at sa araw din yun, imbis na ipagdiwang ang kabayanihan at kagalingan ng pilipino, eh ginawa pang another excuse yun para makapag-rally ang mga tunay daw na may malasakit sa bansa – ang mga kawatan sa gobyerno kasama ang bayarang masa. nyeta! eh ano bang kinabukasan ating madadatnan kung puro ganito na lang tayo? mahilig lang tayo sa reklamo, eh tayo naman ang problema.

kumukulo ang dugo ko!!! letche! anak ng putcha... pero mas kumukulo ang sikmura ko! bwisit talaga tong kaek-ekan ng mga arabo. gutom na ako di hamak, sobra! pero kung busog lang sana ako ngayon, pipiliin ko pa rin ang pagiging pinoy ko. iba pa rin tayo, one of the happiest people sa world and the happiest sa asia. putcha, sino ba namang sira ang ulo na kahit lubog na sa baha ang buong bahay at nasa bubong na nakatayo at basang-basa ay kakaway pa sabay ngisi sa camera? pinoy lang yun! iba tayo eh, we have the tendency to find the good out of the miseries we go through everyday. natural sa atin ang pagiging masayahin... bahala na. bahala na si batman. bahala na si lord. di bale ng taghirap basta masya at malusog daw ang pangangatawan. korek! wala naman tayong langis eh, ang tunay na yaman ng pilipinas ay ang mga pilipino mismo. saan mang sulok sa mundo, iba ka pilipino!!!

manood ka lang ng Pinoy Dream Academy eh, mapapa-bilib ka talaga sa pinoy lalo. ang gagaling nga mga bata dun. grabe, hanga ako sa kanila. tingnan nyo naman ang talento at husay ng pinoy, ibang klase talaga. suko nga ang made in japan eh!

BUDOY- Proud to be Pogi and Pinoy (PPP)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento