wala na tuloy akong oras para sa sarili ko. konting soundtrip na lang... wala na rin napapanood ng bagong pelikula maliban dun sa mga palabas sa european channels mula alas dyes ng gabi hanggang alas dos ng umaga. kaso nakakasawa rin mga un, pare-pareho ang plot ng pelikula... invasion, penetration, explosion tapos everybody happy. nakakainggit lang dun ang mga bidang lalake. minsan parang gusto ko maging bida din sa mga pelikulang tulad nun kaso.. hmp! tsaka na pag nanumbalalik na ang totoong abs ko...ohhh yeah baby yeah!!!
bakit ba laging ang hirap balansehin ang oras sa trabaho at laro? ay, lablayp pa pala. sa bilis ng takbo ng mundo sa ngayon lagi na lang tayo kapos sa oras. parang tama lang ang isang araw para sa gising, trabaho at tulog. tapos kinabukasan ganun na naman... ung dalawang araw na pahinga prang ang bilis at kulang na kulang. palagi na lang tayong kulang sa tulog, kain at laro. lahat na lang mabilis kahit sa opisina... kung hindi rush, urgent. ano ba yan???!!! ka lilinti-an!!! yudapuga!!! daw mabuang na gid ko ah!!!
lagi tuloy akong late sa work nitong mga nakaraang mga araw. gising, ligo tapos lipad! laging walang almusal deretso opisina. kape lang at usok ang katapat ng gutom... heheheh hhmmmmm sarap talaga magkape. lalo na ung gawa ng nepalese teaboy naming bading na lagi akong nilalandi. baka nga siguro nilalawayan nya un para maamo ako.
grabe na talaga ang takbo ng mundo ko masyado ng stressful. kya nga naiimbento ung lahat na klase ng "instant" cguro no? instant mami, pansit, sotanghon, spaghetti, aroz caldo, champorado, ginatan.. ano ba naman yan? diba yun sana ang mga tipo ng pagkain na niluluto na may kasamang pagmamahal... nilalaanan ng oras, kinakantahan at minsan may kasama pang konting kembot para sumarap. pero ngayon wala na, mainit lang na tubig ayos na. pati tubig pinakulo pa sa electric pot. kahit kanin, may rice cooker na... wala na tuloy tutong. pati sardinas ngayon may flavor na!!! kung dati mamimili ka lang sa kulay ng Ligo, either pula o green tapos lechon paksiw at pusit, yun lang! ngayon asus lahat na lang yata ng putahe sa turo-turo nasa lata na: mechado, apritada, kare-kare, adobo, paksiw... ahhhhh may dinuguan pa! di mo na kelangan pa mamalemgke sa talipapa.kumatay ng baboy, manok o baka. punta na lang sa tindahan kanto solb na!
wala ng pnahon sa sarili, wala pang panahon sa laro...tsk tsk tsk!!! inaalikabok na dvd player at PS2 ko. wala pang panahon makipaglandi-an... no time for love, career muna.... haaayyyy buhay bubuyog.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento