With great power comes great responsibility.
Sino ba sa atin ang hindi nangarap maging isang superhero noong bata pa tayo? Lalaki ka man o babae siguradong sumagi sa isipan mo ang maging taga-pagligtas ng sanlibutan at taga-pagtanggol ng mga naaapi. Naaalala ko tuloy nung bata pa ako, gusto ko maging si Superman: malakas, matapang, lumilipad, di tinatablan ng bala at higit sa lahat pogi. Oo, may tsirt pa nga yata akong may malaking S sa dibdib. Simple lng ang buhay noon, maghahanap ka lang ng kumot sa tokador sabay tali sa leeg tapos kuha ng konting buhok sa noo at lawayan at gawing letter S… tsaran!!! Instant superhero ka na. Konting talon-talon sa sofa at takbo ng matulin feeling mo lumilipad ka na noon. Oh, Superman… my hero. Si Clark Kent aka Efren. According kasi sa corning pinoy joke, yun ang tunay na pangalan ni Clark, si Efren. Tinanong kasi siya ni Louis Lane sa terasa diba? Who are you?... sumagot sya ng "Efren". Joke joke joke joke!!! Dahil kwela ka, plus $20 ka Budoy!!! Pasalamatan mo ang mga TFC subscribers… Tanks por ol TFC subscribers for your support dis show.
Ngunit nawala rin ang hilig at gana ko sa kay Superman nung nagka malisya na ako. Narealize ko kasi na di rin sya ganun ka lakas pala. Hindi nga sya tinatablan ng bala pero pag naubusan na ng bala ang kalaban at ibinato ung baril sa kanya, ayun umiilag na sya. Kalokohan!!! Parang katumbas din ng mga action stars sa pinoy films. Ang tatapang sa suntukan kahit ilan pa ang kalaban parang di nasasaktan. Pero pag pinapahiran na ng leading lady ang mga pasa sa mukha, sus ginoo aray ng aray. Hoy hindi na ako bata! Ayoko na syo Superman! Binata na ako… gusto ko maging Invisible Man. Nag-iba na ang pananaw ko sa buhay nung nabibinata na ako. Gusto ko maging invisible at ang dami kong pinangarap na pagkagamitan ng new found powers ko. Huwag na lang natin i-elaborate at masyadong makamundo hehehehe.
Wala akong matandaan na pinoy superhero na naging idol ko. Si Captain Barbell? Ayoko dun, sino ba namang tanga ang magbubuhat ng barbell para maging superhero lang? Kung ibibigay sakin ang kapangyarihang yun, tyak na tatanggihan ko! Aba ang hirap kaya magbitbit ng barbell papuntang Saudi at pabalik sa Bacolod! Isa pa ayoko mag bayad ng excess baggage sa Saudi Airlines, wla pa naman akong Alfursan card kaya 30 kg lang ang allowable baggage ko! Sabagay pwede ko rin ipa sea cargo na lang. Kaso mahal din eh kasi mabigat at isa pa mga 45 days ko pa bago makuha. May additional bayad pa pag outside Metro Manila. Pano kung maraming ng naaapi at di pa dumating ang barbel ko? Pano kung di lumusot sa customs?
Ayoko ko rin maging si Zuma. Di ko rin pinangarap maipit ang ulo ko sa dalawang sawa na mukhang hito… sa dalawang hita pwede pa siguro. Ayoko rin kay Panday. Di yata bagay sa akin ang red na sleeveless at tight brown pants with matching boots. Mahirap makipaglaban sa mga kaaway lalo na sa disyerto. Mainit kaya un?! Doon lang naman kasi siya nakikipaglaban sa Vigan at Pampanga eh. Kung dito siguro sa Saudi, sus masusunong ang kutis nya at di kakayanin ng Magic Cream o Fair&Lovely ibalik ang white and youthful glow ng skin nya! Hmmmm... si Darna kaya? Ay!!! Papatayin ako ng nasira kong ama… tinaguriang dayunyor pa naman ako! Kaso iba na ang bato ngayon, hindi na nilulunok. Sinisinghot na bago lumipad-lipad ang isip mo. Isa pa masyado ng maraming darna dito sa kaharian ng Saudia, di lang bato ang nilulunok! Lahat na lang kayang lunukin… ahihihii. Gaya ng tropa ng taga-gupit ko sa salon. Naopera kasi siya dahil may bato sa kidney, kaya confirmed na sya talaga daw si Darna kasi nasa kanya ang bato… ang bruha!
Ngayon trip ko maging si Spiderman na naman. Okay na sa akin si Peter Parker kahit mas hawig kami ni Brandon Routh kesa ni Tobby Maguire. Mas appropriate kasing superhero si Spidey dito sa Saudi. sa costume pa lng ayos na, balot na balot di tulad nila Batman o Superman. Si Spidey may takip lahat pati mata at ilong. Di ko na kelangan mambrolema pa sa mga mutawang romuronda. Di sila pwedeng sumigaw sa megafone pa na "hey Spidey cover your hair and your face!!!" Baka cover your bird na lang kasi bumubukol… hahahahaha. At syempre ligtas ako sa skin cancer pati sa face dahil naka maskara ako. Pwede pa rin ako gumamit ng Maxi-peel at magic cream. Ligtas din ako sa alikabok dahil nakatakip pati ilong ko, my allergic rhinitis pa naman ako. Yun nga lang madulas cgurong kumapit sa bldgs kasi puro alikabok. Mag-iingat na lang ako lagi di kaya ibabad ko ung gloves at shoes ko sa coke palagi para kapit na kapit. Marami na ring buildings dito sa Riyadh na pwedeng mapag-strollan. Alternate ko na lang yung King Fahad at Olaya St. para di naman masyadong routine ang life ko. Sarap cguro nun ano? Pa swing-swing from one bldg to another feeling Tarzan. Ahhhhahahhahaaaaaaaa!!!! At sympre doon ako sa gitna ng Kingdom Tower gagawa ng pinaka base web ko sa gitna ng tirador mismo. Bababa na lang ako kapag may sandstorm. Pag medyo boring, lipat sa Al Faisaliah tower. Magdadala na lang ako ng payong dahil mainit pa rin…
I'm baaaaaaaccckkkkkkkkkkkkkk!!!!
Pero kung tutuusin, di na natin kelangan pa maging superhero. Kahit na ganitong ordinaryong tao lamang tayo ay marami pa rin tayong natutulungan at napapasaya. Lahat tayong nandito sa ibayong karagatan na malayo sa ating mga mahal sa buhay ay ang tunay na superheroes… mga bagong bayani. Hindi basta-basta tong ginagawa natin. Hindi madali mawalay sa mga tao at mga bagay na malapit sa ating mga puso. Hindi madaling ipagpaliban ang ating mga pangarap at kaligayahan para unahin ung pangarap at kaligayahan ng iba… sabi nga ni claudine "buong buhay ko kayo na lang ang pinagbibigyan ko…huhuhuhu pagod na pagod na ako!!!…" sagot naman ni aga, "lahat kaya kong talikuran para sa iyo, lahat kaya kong kalimutan para sa iyo… kung akala mo na nasaktan ka sa mga nangyari, mas higit ako…" tama ba??? ewan basta ganun-ganun un.
Hay sarap na umuwi sa pinas, maligo sa ulan, manood ng sine, kumain ng lechon, mamboso sa mga nka-miniskirt sa jip, uminom ng ice-cold san mig lite, manood ng basketbol sa araneta, swimming sa beach, akyat ng tagaytay, magsimba, mamasyal sa manila bay at kumain ng barbque sa tabi ng star city, manood ng shows sa malate bars, gumimik sa libis o quezon ave at magcheck-in sa sogo o anito. Hay nako, mga munting kaligayahan sa buhay na kelangan ipagpaliban muna… argh!!! Kaya ko pa to!…. Ding, ang batwo... dalllliiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento