oink! hay naku, tumataba na naman ako. ilang linggo na rin akong lumalamon ng todo and mostly carbo pa: kanin, fries, pansit, mami, sotanghon, pizza, pasta at diet coke. dagdagan mo pa ng oil-dripping shawarma at khabsa, khebaba sandwich, assorted chocolates, ice cream, pastries, softdrinks atbp. di ko namalayan tuloy lumobo na naman ang abs ko. nawawala ang mga pandesal ko sa tiyan at unti-unti ng napapalitan na ng jumbo monay. nyaks! di na tuloy pang mr universe ang hugis ko ngayon. mr world pwede pa siguro. swak yun! may dala-dalang world sa tiyan. kung sabagay, sign of power naman daw pag malaki ang tiyan. masdan niyo na lang ang mga pulis, mga politiko, si erap at si king abdullah. kaso ano naman kayang power meron ako? ah alam ko na! kaso corny na siya pag sinabi ko pa...
dati, mega-diet kami ng buddy ko dito sa opisina. pinoy din siya na mahilig lumamon kaso ayun nagka hi-blood kaya napilitan mag-diyeta ang loko. bumili pa siya dati ng stationary bike para maka pagpapawis pagdating sa flat after office hours. kaya habang naka titig sa dibdib ni kris, janel, kat-kat at luningning, nagbibisekleta si siya at punong-puno ng pawis. di ako sigurado kung dahil sa dibdib nila or sa pagod kaya tumatagaktak ang kanyang pawis. nag south beach diet rin siya dati with matching subscription ng menus from the internet. sa kanya ko nalaman na may fetah cheese pala na tinatawag. eh yung fetah na alam ko biskwit lang. pati calories binibilang niya. as in kahit itanong mo kung ilang calories ang isang pagkain, alam niya! kaso lang nabalitaan namin na ung nag-imbento ng south beach diet na yan, namatay! nadulas daw at nahulog yata sa hagdan at nabagok ang ulo. kaya napag isip-isip namin na siguro dahil sa sobrang panghihina at dahil walang kinakain, ayun bumigay ang tuhod niya at bumagsak. mula noon, nakalimutan na namin mag-diyeta. isa pa, nagkakasakit ka rin kung walang makain. eh dito pa sa saudi na paiba-iba ang panahon, mahirap na magkasakit no?! kaya nung humina na ang resistensya ng kaibigan ko at nagkasakit na siya, nagpakonsulta siya sa hospital dito sa riyadh, guess what???!!! what???!!! may sakit din ang doktor niya. utang na loob! baka nag south beach diet din un, di kaya?
gusto ko sana magbawas ng timbang. namimiss ko na ung mga pandesal sa abs ko. may curves pa naman ako ah, kaso palabas na sila. sabi naman ng isang kong kaibigan, dapat daw magbawas ng kinakain kasi baka daw kelangan ko na ng salamin para umihi. di naman siguo?! nakikita ko pa naman ang ulo eh. nag-iisip kami sa ngayon kung anong magandang gawin. golf ba? tennis? badminton? ano??? kaso summer ngayon dito sa kaharian. baka maagnas lang ako bago ko mataan ung bola. sabi nga ng isang alamat na dito sa riyadh na kakilala ko: pennis at bed-minton na lang ang i-sports ko... papayat ka na, enjoy pa!!! til now di ko pa rin matarok ano ibig niyang sabihin... ano kaya yun? ah ewan, wala akong kamuwang-muwang sa mga ganyan. nakababad yata sa virgin coconut oil tong utak ko no?!
gusto ko sana mag-member sa isang gym dito sa riyadh. kaso nga lang parang di ko feel makipagbuhatan ng bakal kasama ang mga arabo. wag na no?! bukod sa sobrang baho siguro ng gym, delikado pa. baka naman habang nakatuwad ako at nagbubuhat ng barbell eh bigla na lang ako tirahin. aw! shet ka!!! huuhuhuuuh...wag po.. wag po.. ay! nga pala, may nakita pala akong gym nung napadaan ako sa al kharj highway. parang bago yata un at malinis kaso ironically named siyang APPLE Fitness! putcha, baka lalo akong maging apple-shaped doon. sino kayang tangang nagpangalan nun?! sabagay pwede na siguro un kesa naman BANANA Fitness ang itawag. ang sagwa pakinggan lalo... "Be fit. Have fun. Join Banana Fitness." bebenta kaya un?
tama na muna 'to, lalamon pa ako...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento