Lunes, Mayo 18, 2015
Bad trip!!! - 7/'06
'Tang ina! Bad trip ako ngayon, ang pinaka ayoko sa lahat ay pinapaki-alaman ang buhay ko… masayanhin akong tao, topakin, mahaba ang pasensya pero pagbawat kilos at pag-utot ko ay pupunahin, pakikinggan, aamuyin at babantayan mo, ewan ko lang… baka di kita mtantiya. Diyos mio, pati ba naman mga taong nakakapaligid sa akin ginagambala mo? Sino ka ba at ano ang karapatan mo sa buhay ng may buhay??? Aber???!!! Sumagot ka Diego!!! Hwag ka ng mag maang-maangan pa!!! Sumuko ka na, nandito ang iyong inay!!!... huhuhu Diego anak, parang awa mo na sumuko ka na… alang-alang man lang sa akin…
GGGRRRR… ang sarap mang-away ngayon. Matagal-tagal na rin akong walang inaaway… sino kya pwedeng hamunin mamaya?Parang ayoko na tuloy mamasayal pagkatapos ng trabaho. Miyerkules pa naman… walng pasok bukas sarap gumala sa Batha… sana may makasalubong akong maliit o patpatin lang na Indiano o Pako para mabatukan ko. Ewan ko ba, matagal na rin siguro tong suppressed emotion ko; simply a disaster waiting to happen. Tahimik lang kasi akong nilalang… I'm simply living up the motto me and my good old friends had back in our colleg years "We don't keep grudges, but thou shall not forget……" Sarap mangaway talaga kaso dapat kasi justified ang revenge ko, parang pelikulang pilipino.
Dapat mapatay muna ng kalaban ang asawa at pamilya ko…habang hawak-hawak ko sila sa aking kandungan iiyak ako ng naaaaapakalakas sabay zoom-out ng camera pataas… mas ok pag umuulan pa aaaaaahhhhhhhhh!!!!! Pag babayran niyo itoooooooooo!!!!!!!!!! di kaya babarilin ang partner kong pulis habang kami nagiinuman sa sari-sari store o beerhaws… o di kaya kikidnapin ang syota ko ng karibal kong kasali pala sa isang sindikato tapos ililigtas namin sila. syempre dapat kasama ko ang mga katropang may bitbit na dos por dos na pamalo…
kahit alin dun sa tatlong sitwasyon sigurado akong sa warehouse din ang tagpuan at ang final encounter ko with the hudlooms… lulusob kami habang sila ay nag-iinuman o naglalaro ng baraha… ung iihi syempre laging unang mapapalo yun sa ulo … den ayun na.. habulan.. iiko-ikot... tatago-tago sa drum.. at barilan to the max na hanggang maubos silang lahat… barartatatatatatatattatattat!!!! and as usual pag patapos na ang laban darating ang mga pulis na may mga taling puting "good morning" towels sa ulo … at habang tinututukan ko na ng baril ang lider ng sindikato… Reyes!!! (dapat kasi last-name basis kasi pulis ako) hwag mong ilagay ang batas sa iyong mga kamay..may..may..maaayyyy… Sasagot naman ako ng… Sarge.. wala na akong tiwala sa sistema ng hustisyaaa yaaa yaaa.. hayaan mo ng ako at si satanas ang huhusga sa demonyong ito..to..to..to… hanggang sa makumbinse nga ako ng sarhento na ibaba na ang bitbit kong baril kasi yan ang nakasulat sa script.
Pero jas wen u thot na tapos na ang lahat… there's that ever-generic twist: (all in slowmo) buhay pala ang ung isang kalaban… unti-unting babangon, aagawin ang baril ng isang ka-foolishan… buti na lang mabilis ang aking reflexes at naka-inom ako ng milo energy drink bago kami lumusob… da-dive ako and take note in slowmo pa rin ha… sabay bagsak, ikot, tumbling at konting facial expression na kunwari galit pero kyut pa rin… then.. BANG!!! Patay kang bata ka…
Hay naku kung di lang krimen ang pumatay, marami-rami na rin ako sigurong naging biktima… tatalunin ko sina ted bundy, jack the ripper, boston strangler, buffalo bill at hannibal lecter…
GRRRR galit pa rin ako… pero ayoko pumatay… ano kaya contact number ng Davao Death Squad???
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento