hapi new yir sa lahat ng mahilig sa siopao, siomai, tikoy, hopia at pansit... iba talaga tong mga chekwa nating mga kapatid ano?, may sariling mundo. kung tutuusin 5000 years na ang kanilang civilization. habang sinasamba ng mga ninuno natin ang mga kahoy, hayop at araw noon malamang ang mga intsik nagiisip na kung anong RTW kaya ang mabenta sa quiapo at divisoria balang araw. bago pa naimbento ang eroplano, sila lumilipad na. may napanood ba kayong chinese movie na ang bidang karakter ay hindi lumilipad o naglalakad sa tubig, minsan kahit lasing?
pero hindi natin pwedeng ipagkaila na malaki ang impluwensya nila sa kultura nating mga pinoy. sa pinas ngayon napalaking bahagi ang mga chekwa ng ating ekonomiya. lahat na lang yata puro made in china. medyo mababa ang quality pero ok lang mura lang naman eh. try nyo pumunta ng DV(soria) at doon nyo mahahanap ang lahat ng kelangan mo sa buhay. mula sa cotton buds, diaper, t-shirts, pantalon, relo, pabango, bags, kurtina, laruan ng mga bata at kung ano-ano pa. medyo ingat lang sa pagbabasa ng mga brand names gaya ng mike shoes, sunny walkman, at giordan shirts. minsan nga may nakita pa akong pabango ng “CK one” sa malayo, pero nung lumapit ako putcha “JACKSON one” pala! pero meron ding mga “class A” na mga imitations, ok naman kahit medyo may kamahalan minsan. dati nga nagulat ako sa presyo ng sapatos na napili ko. sinabi ko sa tindera na “miss wala na bang mura ngayon?” biglang sumabat ang bwisit na bisayang tindera... “wala na sir eh, ang mura ngayon ‘tang ina na lang...” sabay hihihihiihihi.
pero hanga ako sa mga intsik. iba kasi ang business ethics nila isa pa nagtutulungan sila, di gaya nating mga pinoy na sinisiraan lagi sa lipunan yung medyo umaangat na sa buhay. sa latest survey nga si lucio tan ang pinakamayang “pinoy”, sunod si henry sy ng sm holdings at pumapangatlo lang si ayala.
taon daw ng “fire pig” ngayon ayon sa mga intsik. baboy! hahahaha di kaya magunaw na ang saudi sa taong ito? bagong taon bagong buhay daw. nagkataon din sa ikalawang taon ko dito sa kaharian at sa kaarawan ko mismo. dikit-dikit sila... kung kayat pansit yung kinain namin ng tropa nung bday ko. swertehin kaya ang isang “Ox” sa taong ito? kaya ko na kayang iwanan ang mga magagandang nangyari at mga alaala ng nagdaang taon? makaya ko kayang kalimutan ang mga taong pilit na rin akong binubura sa buhay nila na para bang ako ay isang napakalaking taghiyawat sa ilong na pumipiglas at tila sumisigaw na “TAGHIYAWAT AKOOOOOOOOO!!!!”. hindi ko alam... wala akong ideya. marami kasing nangyari noong nagdaang tao. magulo at masalimuho pero masaya naman. may mga nakilala at merong nawala din. may tagumpay at may mga problema din. sabi nga ng kaibigan ko, daanin na lang sa horoscope at hula. totoo kaya yun? ni hindi nga mahulahulaan ni madame auring kung kelan mamamatay si dolphy eh. kung totoo man yun di sana wala ng mga maghuhula sa quiapo kasi puro nanalo na sa lotto. para sa akin gabay lang yun, isang paalala sa pagiingat sa lahat ng bagay maging sa kalusugan, pera man o pag-ibig. ay pag-ibig eto na naman... swerte din kaya ako doon itong taon? ambot! ok naman ako. ako lang naman ang gumugulo sa kung anong meron na ako. kung sabagay nahanap ko na silang lahat. yung taong gusto mong makasama sa habang buhay at yung nilalang na tila kadugtong ng buhay at pagkatao mo. di naman kelangan pareho at iisa sila. ganun pa man, masaya na ako kasi nabigyan ako ng pagkakataon ng tadhana na maranasan ito. bihira daw yun, para lang sa mga swerte at sa mga nagpapakain ng pansit tuwing kaarawan nila.
Swertehin man o hindi inihanda ko na ang sarili ko sa ano mang maaring mangyayari sa taong ito. Kelangan ko lang harapin ang sarili kong mga demonyo. Kelangan kong bitawan ang nakaraan para maharap ko ang kinabukasan. Kelangan kong pakawalan ang ilan sa mga mahahalagang taong naging malaking bahagi ng buhay ko. Hindi dahil sa gusto ko kundi iyon ang tama at nararapat.
BONUS Swerte Tip: Maghanap ng intsik na hindi nagsasabing, “luki nekosyo ko....”.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento