Linggo, Mayo 17, 2015

Nagalit ang Gabi sa Haba ng Buwan (8/30/2006)

Weew!!! Ang haba ng buwan ng agosto… grabee!!! Ito na yata ang pinaka-busy kong buwan sa taong ‘to. Umpisa ng bagong proyekto pero nagsibakasyon ang mga tulakbong at iniwanan kami ng tambak na trabaho. Buti na lang naagaw ko na naman ang bato… hahahaha! Darna!!!! Hay salamat at natapos ko din lahat ng designs na inassign sa akin kya heto malayang naglalahad ng sama ng loob sa blog ko. Hay naku…ang mahiwaga kong blog kung saan… Doonay kaya kong ipunin lahat ng bituin. Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin. Doon ay kaya kong pagbawal buhos ng ulan Sa blog ko lang siya’y mahahagkan t'wina….doon lang. Tagay pre!!!! Miss ‘sang round pa nga…


Sarap sana uminom pagkatapos neto. Parang crowing glory sana sa achievement ko for the whole month. Ano na kaya ang lasa ng sanmig lite? Red horse? Kumusta na kaya ang mga taga barangay??? Naalala ko tuloy nung ngpa-party dito sa office nung last project naming. Excited pa naman ako kasi sa resort gaganapin. Akala ko nga maraming tsibog kasi nga celebration daw. Putcha, nag-futbol lang mgadamag ang mga borabs at ung handa… tsaran!!! Kahon-kahon ng saging, oranges, at mansanas. Anak ng arabongengots!!! Iba ka talaga pre!!! Sa pinas kasi pag may mga projects dati sa opisina lalo na pag malakihan, may kick-off party hanggang sa celebrations pag tapos na ang proyekto. Yung ang mga tipo ng panahon na parang sobrang tamis ng beer kasi nga libre tapos may tagahatid pa sa bahay kaya di bale ng magpakalunod.

Dito sa Saudi meron din inuman kaso mahirap lng gumawa ng kababalaghan dito. Bawal ng nga, ipinagbabawal pa… letche! Ang consolation mo lang dito is kaya mong regaluhan ang sarili mo for every achievement you had. Mura ang mga gadgets dito sa kaharian kaya pag mahilig ka mga-digital tour siguradong malulustay mo lang ang sweldo mo sa kakabili ng ibat-ibang klase ng ka-ekekan tulad ng mga mp3 players, cameras, videocams, mga appliances and syempre cellphones. Gaya ngayon… hehehe sweldo… Miyerkules pa! siguradong marami na naming mayayabang sa Batha, ang shopping area ng mga pinoys sa Riyadh. Dami pa naman sale ngayon, sandamakmak na namang kabayan ang magpapakitang gilas neto. Marami na nmang naka-bluetooth headset at feeling Will Smith sa i-Robot na aaligid-aligid sa mga shops. Panahon na naman ng pagandahan ng cellphone, yun tipong pina-paring talaga ng pagkaaaaatagal-tagal at pagkaaaaalakas-lakas para lang mapansin ng iba na maganda cp nila. Diyos ko po! Parang nasa pinas ka at nanonood ng sine tapos may biglang tutunog na tototot-totot…tototot (nokia tone)! Bwisit!!! Patayin mo na nga yan bago kita mapatay!!!


Hmmm… ano kaya ireregalo ko sa sarili ko??? Sarap mag-shopping ngayon sana… Niyayaya nga ako ng kaopisina kong pinoy. Kaso wala na yung relong tinandaan ko dati. Isa pa nabili ko na rin ung Ray Ban shades na gusto ko, yung Caterpillar shoes, Seiko watch at ang Levi’s pants. In fact, kulang na lang yata is yung jacket na ma-ong para maging ganap na true-blue Saudiboy na ako…. Hehehehe. Tama na siguro muna yan… magpapa-tiles pa ako ng munting kubong nabili ko sa pinas. Yun na lang ang ireregalo ko sa sarili ko… ang makita ang bunga at katas ng pinaghirapan ko dito sa kaharian. Diyos ko… maraming maraming salamat po.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento