Lunes, Mayo 18, 2015
Ang pagbabalik ng mga Engkantado - 9/'07
biyernes. gabi. as usual napagod na naman ako sa kakalaba, nood tv, kain at tulog. may pasok na kinbukasan. gusto ko sanang matulog uli ng maaga. napuyat kasi ako noong huwebes sa kakatulog. mhirap mapuyat habang natutulog. masakit sa ulo...
gaya ng nakasanayan, ng channel surfing na lang ako sa tv. naghanap ng mga nakakaantok na palabas para makatulog. walang boring shows sa cable tv. puro adrenaline-inducing ang mga palabas. kung hindi action at comedy, mga babae namang hubot-hubad na may hawak na telepono at nag-aantay ng mga maniac callers. alhamduling! salamat sa hotbird satellite... the name speaks for itself. hindi pupwede to, sabi ko. last ditch desperate move na ang kailangan... tfc! tamang-tama din lang paglipat ko... nagkita kami uli nina pedro at ng mga engkantado.
gaya ng napanood ko ilang buwan na ang nakaraan, watak-watak pa rin ang grupo. winning formula talaga cguro yan. may suspense. makakasundo pa kaya sila? exciting. da best. patok sa takilya! gaya na lang ng mga magkakapatid na palaging nagkakahiwalay nung ipinanganak, mga batang pinag-palit ng nurse sa hospital habang lumilindol o bumabagyo o di kaya ang wagas na pag-ibig ng isang mayaman na dalaga sa isang mahirap lang na binata. idagdag mo pa sa listahan yung matinding galit ng isang kusinera dahil ninakaw sa kanyang inay ang secret recipe nitong manok at ang batang alien na mukhang mongoloid, palaging dilat ang mata at mga tatlong beses lang siguro kumukurap sa bawat episode.
balik kina pedro. nasa tuktok na naman sila ng gusali ng naabutan ko. gaya pa rin ng dati, nangagalaitin na naman si flying sexy lady dahil disappointed siya sa ”leeeadersheep” ng grupo. nagtatalak na naman sya at nageenglis pero this time mas makulot na ang kanyang buhok, mas maiksi ang mini-skirt at mas mataas ang takon ng bakya! “ganyan ba umasta ang isang leader?” (maarte voice). gusto nyang si pedro uli ang maging leader kasi hindi ito masyadong “authoreithaeiyteeeeeev”. pwe! ako ang napapagod sa kakapakinig sa kanya...
this time, isang sarangay na naman ang kalaban nila. isang uri ng halimaw na parang torong hot na hot. sumisikad ito sa lupa at umuusok and ilong na parang adik. isa siyang estudyanteng boarder sa pinapaupahang bahay nina lola maria. napagkamalang magnanakaw at kinulong. doon na lumabas ang kanyang taglay na kapangyarihan. isipin mo na lang kung ikaw ay isang preso at habang kayo ay nag-eensayo ng sayaw na “thriller”, ay biglang mag-transform si kakosa mo at naging kalahating toro. siguradong panis ang lahat mong tatoo sa katawan maging sawa man ito, agila o dragon. ayun na, pinagsusungay nito ang mga ka-cellmates, binaluktot ang mga rehas at tumakas. kelangan nyang gumanti at hanapin ang nagturo sa kanya sa mga pulis. napadpad ito sa lawton maynila at namasyal sa fountain area sa tapat ng philippine post office. ok rin ang cinematic choice ng halimaw. maganda ang background. winning formula na naman... nagwawala pa rin ang halimaw. hot na hot at umuusok lalo ang ilong. bangag na bangag... medyo maluwag ang costume nito, halatang parang damit lang na kinulayan. nagmukha tuloy siyang hiphop na baka na kulubot ang balat. ang dami niyang sinungay kaya dinumog siya ng media. at dun na nganap ang isang historical moment sa philippine television... bigla itong dinampot ang mikropono ng reporter, umikot at tumingin sa camera... sabay speech! hahahahaha nagpainterview ang halimaw. galing! “nananahimik ako.... blah blah blah...” di ko na narinig ang iba pa niyang sinabi. napagulong na ako sa kama sa kakatawa. grabe! bat di kaya naisip ng mga gumawa ng lord of the rings yun? walng sinabi ang harry potter series ni jk rowling sa mga writers na pinoy. halimaw nag-painterview? tinalo ang speech ni willie! kulang na lang dalawang co-hosts na babae na umiiyak din sa tabi niya.
tapos diretso na ang halimaw sa boarding house nina lola. nabalitaan din nina pedro ang mga pangyayari kaya dali-dali itong tinawagan ang grupo gamit ang cellphone na tila hindi nauubusan ng load. naabutan ng halimaw ang lalaking nagsumbong sa kanya sa pulis. pinag-susungay niya ito. buti na lang dumating din si lola. nagmakaawa siyang hwag ng saktan ang lalaki. bilang landlady responsibilidad niya ang ipagtanggol ang kanyang boarder. pero ayaw umawat ni halimaw. napikon si lola at sumigaw... “hindi mo ba ako kilala??? ako si maria penduko!!! hahahaha penduko din pala yun?! akala ko iikot siya at magkakaroon superhero attire gaya ng star sa ulo, sexy bathing suit at lubid sa tagiliran. buti na lang hindi. di ko masikmura siguro kung ginawa yun ni gloria romero. mga 50 years ago siguro pwede pa. dumating din ang sina pedro at ang grupo. pinagtulungan ang halimaw pero di kaya. nakatakas din lang ito tangay ang lalaking nagbintang sa kanya. tanging si flying sexy lady lang ang humabol dito. siya lang kasi ang may pakpak sa grupo. pagkakataon niya na sanang mag-shine. five minutes of fame ika nga pero di rin umubra ang powers niya sa sarangay.... itutuloy daw.
putragis! nasayang na naman ang isang oras kong tulog. pero ok lang din. nasaksihan ko naman ang halimaw na nag-speech live. bihira sa tanang buhay ko yun. buti na lang di pala ako natulog ng maaga.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento