Lunes, Mayo 18, 2015
Saudi mourning... 4/2006
salamalaikum...paking syet! di ko man lang namalayan ang bilis ng panahon. mahigit isang taon na pala ako dito sa isinumpang kaharian ng saudi. parang kelan lang nang napadpad ako dito.. tandang-tanda ko pa ang lahat kuya eddie... buwan ng pebrero ako dumating noon, walang kamalay-malay sa mahalay na buhay na nakalaan para sa akin. di ko alam na may kakaibang mundo pala akong gagalawan. gabi noon nang akoý dumating, andami ko pang dala kasi mahal daw lahat dito: shampoo, sabon, toothpaste, pabango, noodles, sardinas, at kung ano-ano pa! di ko alam na bulatlatin pala sa airport ang bag! dyos ko po, nagkalat tuloy sa airport ang mga dala ko! buti na lang di ko dinala ang mga briefs ko na mala-bacon na ang garter, baka napagkamalang baboy pa yun at kinulong pa ako... kala ko ok na, kaso napansin ng borabs ang 2 cd dala ko, puro pc games: nba2005 at need for speed underground. ayun kinuha at i checheck pa daw, di ko tuloy maisip kung nasilip ng borabs ang boobs ni iverson habang nakayukong may hawak na bola sa cover ng cd o ayaw niya sa babaeng nakashorts na may bitbit ng checkered flag sa race track... natagalan tuloy ako... late na akong nakalabas kasabay ni kabayang may dalang longganisang baka naman daw!
asus ayun na, nakita ko ung driver ng hotel na susundo sa akin, kulot ang nuo at tila nagsasabing antanga naman tong sinundo ko.. kanina pa ako dito no?! di na sya umimik at hinilang padabog ang mala-cabinet kong maleta. ang layo pa pala ng syudad ng riyadh sa airport! kaya on the way nagpatugtog si mokong ng arabic music, ayun feeling nasa saudi na talaga ako nun, kulang na lng mga babaeng labas puson at sumasayaw na walang kakyeme-kyeme at mga ahas na lumalabas sa basket... umaga na yata nun ng dumating ako sa hotel; gusto ko sanang magtip sa driver kaso masungit sya at nakakahiyang magbayad ng sampung pisong durog sa bulsa ko. binuksan ko ang maleta pag dating sa kwarto. asus, mukha ng pinakbet na ang mga gamit ko! putragis! ilang araw ko ring pinuno ung maletang un no?!... pinaghirapan ko yata utangin ang perang pambili ng maleta pati ang mga laman nun... syempre sabay sinabing ... "babayaran ko naman kayo pati tubo pagbalik ko eh..."
dun ako ng birthday sa hotel na yun! syempre with matching room service ang loko... wla akong mgawang iba kundi manuod kay Superman, take note at ung part 1 pa! asus nag birthday akong magisa habang lumalamon ng wlang kalasa-lasang manok sa hotel kasama si Superman na nakabukol ang itlog!
natatawa na lang ako pag naalala ko un... haaayyyyy... mahigit isang taon na rin pala?! andami na ngyari: namatay na si pope, nainggit si king fahad kaya ayun namatay din. akala nya yata kasing bongga din ang funeral nya, ayun binalot sa kumot at nilibing sa lupa... malamang namatay na nagsisisi cguro un... too late sadiq, tsk3 too late.. hehehehehe. nanalo na rin si paquiao...kaya nalate ako nung araw na un sa trabaho. marami naman palang instant kopya na vcd ng laban, un nga lang puno ng patalastas ng Mama Sita kayat nagugutom ka habang pinapanuod mo un pati ung anak na binebenta kay daddy ang first honor nya kahit ung perang pinadala ay pang-enrol pa lang. natapos na rin ung ramadan kung kelan isang buwan ding akong namutla sa gutom. nanalo na rin si kumander nene at aling keanang parang laging may bitbit na dalawang sanggol; bumigay na rin si rustom ... huhuhuhu "i'm gay"... kaya malamang magkabalikan sila ni Carmina para mag-host sa SiS!!! sumayaw at umindak sa walng kamatayang "pinoy ako... pinoy tayoooooo!!!" sabay wagayway ng mga kamay sa ere... nag State of Emergency na rin si Ate Glo kya ayun puro rally sa pinas at tuwang-tuwa ang mga barayang masa...marami na ring sakunang nanyari: lindol sa pakistan at kung saan san pa, tsunami sa asia, hurricane(sosyal) sa tate, ang walang kabuluhang at katapusang gyera sa iraq, landslide sa leyte at syempre ang stampede sa ultra kung saan marami sa ating mga kababayang nasawi dahil lang sa pangarap makasakay sa sinski motorcycle... ang motorsiklong maton!
ilang telenobela na rin ang nagsiwakasan na... salamat sa Dyos at natapos di ang mga un... ung kubang hugis karton ang likod na laging naka bodyfit na damit - may dala-dalang kandila kahit tanghaling tapat, ung feeling vietnamese na mga karakter na nagtatagalog, sina nanay Lucing at ang sangkaterbang angel na walang langit na walang ginawa kung humagulgol ng tatlumpong minuto araw-araw wala na rin... pinalitan na nina Luisa at Karding ang ng walang ka amor-amor na si Mimi... sa lahat ba naman ng Hotbabes un pa ang kinuha??? baka kasi mura lang ang TF pang fishballs lang di tulad ng iba na squidballs talaga... pangalawang aklat na ng buhay ni Panday... ok lang kaso un pa rin ang damit nya... hello?! magbihis naman sana sya paminsan-minsan bago sya mag-amoy pakistani. oh baka naman marami syang ganung damit? sana may pak-pak naman o baggy o cargo pants na rin... pero marami ng mga bagong karakter na mga bisaya ang tema, sina kaupay at ang mga purobuno sa bayan ng rajah kalipay... matatawa ka ring manuod nito kung isa kang bisayang tulad ko.. hihihihihihi ay ambot sa imo?!
marami na rin akong nakita at mga nakasalamuhang mga karakter sa time space warp na 'to... mga bading na mga driver ng taxi, mga mutawang naka-miniskirt, mga kapatid nating wlang sawang nagbabatian ng salamalaikum maghapon, mga kaopisang borabs na walang ginawa kundi maglaklak ng tsa maghapon sabay uwi ng maaga kasi pagod na daw, nman?! o baka naman nasira ang tyan? sino pa ba? mga tindero na ayaw tumanggap ng 50 halala pero ok lang kung sila ang magsusukli sayo, ok lang un kesa naman bibigyan ka ng isang supot ng mani o ung kending parang papremyo sa perya; mga balasubas na mga nagmamaneho sa lansangan na puro color blind --- puro green ang tingin sa stop light kahit hindi naka classic rayban shades. mmm that shades... cno p ba? ahhhhh ung mga malalanding trak-trak na mga kababaihan sa batha na kulay bangkay na sa kakakiskis ng magic cream sa mukha with matching uniform amoy ng cool water for women... argh?! at ang dabest? ung mga kababayan nating nating naka levi's jeans, jacket na maong at hi-cut caterpillar shoes na puro hangin ang laman ng ulo habang bitbit ung mga supot ng biniling sale na mga items: isa pang pares ng caterpillar shoes, cellphone, seiko 5, bossini o giordano shirts, ginto at kung anu-ano pang kaek-ekan sa buhay... hay naku pinoy talaga oo..
mahigit isang taon na pala...masaya, malungkot, nakakabato, nakakatuwa....nabuburyo at nabuburat paminsan-minsan... salamat na lang at naka tutok ang satellite dish namin sa europa hahahahaha...pronto?! hello what can i do for you baby, hmmm ur a bad boy... wanna see my #####???? yah baby yahhhhh hihihihii... buhay saudi?! ok lang... isang taon kaya pa ba?...ewan ko lang... basta ba nandito lang ung mga taong nakilala ko na walang sawang nagmamahal at nagaaruga sa akin eh.. yakang-yaka ko pa to!!!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento