Linggo, Mayo 17, 2015

Miss ko na siya... sobra (6/12/2206)



grabeehhh!!! sobrang init na naman sa kaharian ng saudia! shet! natutuyo na naman ang utak ko. konting sabaw na lang natitira. kahit gabi pumapalo ng 40 centigrado pataas minsan! hunyo palang yan, umpisa pa lang ng kalbaryo. nagumpisa na ring nag-crack ang lips ko sa sobrang tuyo. mahirap talaga tong minsan lang nalalawayan... tigang literally! as in!!! sira na ang school boy complexion ko. ang banayad kong kutis porcelata unti-unti ng nagsisituyuan mula paa, tuhod, balikat ulo kalakip ng sampong mga daliri, kamay at paa, dalawang tenga, dalawang mata, ilong na mataba! dry na rin ang buhok kong dating sumusod sa galaw ko. kaya ngayon kahit anong galaw ko deadma lang siya as in walang pakisama ang gunggong! kalbuhin kaya kita gusto mo?! kung bagay lang sa akin magpakalbo, matagal ko ng ginawa 'to. kaso ayoko naman magmukhang deodorant. ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa milyon-milyon kong mga tangahanga. baka bawiin pa mga endorsements ko no?! hoy gising!!! side effect na yata to ng tag-tuyo.

badtrip na rin maligo ngayon kasi sobrang init ng tubig minsan. yung dating cold, ngayon hot na! yung dating hot, very hot na!!! waahhhhh!!! kaya kung trip mo mag "sexsabaygoli-wahhhh, ur d one dat ayb bin weting por poreber..", asus umuwi ka lang sa pinas!

pinas?! hayyy, kamusta na kaya siya? miss ko na siya... sobra. hunyo ngayon sa pinas. pasukan na naman... trapik, tag-ulan, ubo, sipon, trangkaso, pagtatae...baha! nakaka-miss yun sobra... ok lang yun basta nasa pinas lang. kung may nag-aaruga naman sayo at may kayakap ka magdamag, ayos lang yun diba?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento