Linggo, Mayo 17, 2015

Carmina, Mi Amor (2006)

kung hindi mo napanood yung MMK noong biyernes, malamang di mo maiintindihan ang isusulat ko ngayon. oops teka, kahit na cguro napanood mo yun malamang di mo pa rin maiintindihan tong blog na ‘to. sabagay iilan lang naman talaga ang nakakaintindi ng pnagsusulat ko. at kung meron man, sila yung mga tipong may sayad din tulad ko.

matagal na rin ako di nakakapanood ng MMK, biyernes kasi. catchup Friday yun sa one tv dubai. pero ako yata ang na catchup ng MMK this time. kontrobersyal kasi masyado ang tema at ginampanan pa ng kontrobersyal na aktor este actress pala: si Rustom. aba aba abah, ang gaga bumigay na talaga. kung ung dati nyang mga pelikula ay marami syang armas at kargada, ngayon ibang kargada na ang hilig ng bruha. kung dati isa syang mistah, ngayon miss na lang talaga sya!!! ano kaya ang naging reaksyon ng mga kapatid nyang sina rommel na myembro pa yata ng world order soldiers ek-ek yun dati at ni bad boy binoy?! baka sabihin pa ni rustom na.. “utol binoy, sabi ni direk ako na daw ang gagawa ng sequel ng video king, gagawin ng syang video queen. start na kami mag-shoot after ng carnap queen movie.” after that yung “ang utol kong bading” at “jowa ni baby ama” naman. ngayon, malinaw na para sa akin bakit iniwan si rustom ni carmina. dati nagalit pa ako bakit sya pa ang pinili ng idol ko. ano bang meron yang rustom na yan na wala ako??? hahaha!!! ngayon alam ko na!!! oo, si mina... ang childhood sweetheart ko. sya lang at si alice dixon ang dahilan kung bakit ako napilitang magbasa ng showbiz mags at matutong gumupit ng papel ng deretso kahit walang guhit ng ruler. sila rin ang nag-enhance ng skills ko sa pag gupit ng kartolina, pagpahid ng glue at paste at papano sunugin ang gilid ng papel gamit ang sinindihang katol just for the sake of art. sila rin ang dahilan bat natuto ako papano magkabit ng poster ng diretso sa dingding gamit ang apat na thumbtacks kahit na nakapikit!

balik kay rustom... swing!!! yung MMK pala tungkol sa isang bading na na-inluv sa kaopisina nya at dito sa saudi naganap. aside from the technical details, pasado na rin para sa akin ang episode na yun. ewan ko lang kung saan gnawa yun pero sure ako na hindi dito sa kaharian. napansin ko kasi pati yung plastic na bitbit ni papa gardo ay puro arabic din, yung tipong mga plastic na napapapala mo sa kakashopping sa batha maliban dun sa kulay blue na plain na pang-isda. yun nga lang, puro puti ang tulakbong ng mga borabs dun sa MMK at parang ambabait nilang tinggan.... wala dito nun sa saudi no???!!! in your dreams ma’am charo!!!! malabo yata yun... pero kung kwentong kadarnahan dito sa saudi naku marami yun.

bumalik tuloy sa alaala ko nung bagong dating ako dito sa saudi. after ng 1-week stay ko sa riyadh palace hotel, hinayaan na ako ng kompanya namin maghanap ng sariling accomodation. at dahil wala akong masyadong alam pa dito sa riyadh, dun ako nakalipat sa batha. dun kasi nakatira din yung isa kong kaopisina na nauna dito kesa sa akin. isang buwan din akong tumira dun sa mga ka-brader ko sa isang flat sa isang bldg doon. nung hindi ko na natiis ang amoy ng kung ano-anong putaheng niluluto nila, at nung napagod na ako sa kakabilang ng maliliit na ipis sa kwarto ko nag desisyon na akong magpaalam sa kanila. hanggang ngayon di ko pa rin alam kung ano-ano ang mga pangalan nina kabayang ka-bro. ang alam ko lang yung isa ay mataba at yung isa nman ay payatot pero pareho silang may tig tatatlong balbas at mukhang taga-quiapo. mula nun inumpisahan ko ng magbasa ng mga nakadikit na mga papel sa mga pader sa batha. sa huli, dun din pala ang bagsak ko sa bldg na yun. may nabasa kasi akong nakapost dun sa bulletin board ng bldg. “room available for bachelor only” , kaya ayun tinawagan ko. mukha namang mabait at malumanay si kabayan nang sagutin nya yung tawag ko. kinagabihan mismo, dinalaw ko si kabayan at ang kanyang “available room”. malumanay nga si kabayan, taga visayas din tulad ko pero nagtaka ako bakit hindi naman matigas ang dila nya??? iba ang fronownsiyashen nya... daig pa nya yung pamangkin kong babae kung magsalita, ang lambing... at ang pag-ipit nya ng yosi sa dalawng daliri nya kakaiba. tlagang baling-bali ang kamay... at tila bang nilalabas pa nya ang kanyang dila bago ibuga yung usok palabas sa korteng pwet ng manok na nguso nya. “eagle 2, this is eagle 1.... confirmed, the subject can not be confirmed...over!”. oo bading ang landlord este naging landlady ko. in fairness malinis ang flat namin di hamak at mabango pa. basta, inisip ko na lang na dapat lagi akong safe sa kwarto kya nagpalit ako ng door knob. di bale ng manakaw ang lahat, hwag lang nang kinaiingatan kong dangal... hehehehe. mabait naman sana si ate kasi pinapahiram nya ako ng mga gamit nya gaya ng platsa, kabayo at mga gamit sa kusina. yun nga lang, paminsan-minsan bigla na lang kakatok sa pinto ng kwarto ko sabay pasok bago pa ako makasigaw ng...”sino yan???”. putcha, pano kung naka t-back pa ako?! hindi lang kami nagkasundo nun sa pera kasi tuso sya pag dating sa bagay na yan. punyetang bakla, laging walang pera eh supervisor naman daw sya. binigyan pa nga ako dati ng calling card nun na burado ang position at sinulatan ng “supervisor”. sa paglipas ng mga araw, unti-unti ko na lang napansin ung ibat-ibang sapatos sa pintuan nya tuwing miyerkules hanggang byernes ng gabi. hindi naman pupwedeng sa kanya lahat yun eh iba-iba ang size, take note yung may malalaking paa pa ang hilig niya. hahahaha... sabi nga nila diba, pag mahaba daw ang paa ng lalaki mahaba din ang..... hmmmm medyas, bastos!!! nilayasan ko din yung tusong baklang yun! paminsan-minsan nakikita ko pa rin sya sa batha kasama ng bagito nyang fafa na laging may bitbit na caterpillar o di kaya bossini plastic bag. ay ang landi... kaya pala walang pera ang bruha.

ang dami talagang bading dito sa saudi. sabi nga ng kaibigan ko, kasi mas madali daw manlalaki dito kesa mambabae. putcha sa higpit ba naman ng kaartehan nitong bansa na’to magdadalawang-isip ka talagang bago kumaliwa, (pero magiisip ka pa rin). kaya ayun lipana ang darnang may dalawang bato dito sa saudia. “statistics” ang tawag namin ng katropa ko sa kanila... every time kasi na kumain kami sa mga resto lalo na sa batha, pwede kang mag-assume sa kada mesa na may kumakain, isa dun sa kanila ay bading. sino kaya sa aming dalawa??? ay, ipiiiiiisssssssss!!!!

i have nothing against sa mga bading. trip nila yun eh, let them be. tao din naman ang mga yun eh. basta huwag lang tayo hinaharass at pinapakialaman, ok lang yun. ang panalangin ko lang ay sana man lang iwasan nilang makipag-tsimisan sa kapwa bading nila o di kaya iwasan nila manood ng telenobela sa TV na nakasabit sa kesame habang ginugupitan tayo. yun lang hinihingi ko...

PS

Carmina, kung mabasa mo ‘tong isinulat ko, magtext ka naman... mahal na mahal pa rin kita... bakla din yan si zoren!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento