oh kay bilis naman ng panahon. di ko namalayan tatlong taon na ang isang-taon kong kontrata... mahirap talaga talikuran ang limpak-limpak na salapi hehehehe. ang kinaiinisan ko lang ngayon ay nag-birtdey ako dito sa riyadh netong buwan. nabwesit ako dahil isinumpa ko na sa sarili na kada pebrero ako uuwi sa pinas upang dun ipagdiwang ang araw kung kelan ako dumating sa daigdig na hubo’t-hubad. wala eh... di ako pinayagan ng opisina. nag-request pa ang cliente na idagdag yung natitira kong bakasyon sa susunod na kontrata. mahirap talaga maging magaling no?! kaya dito na lang ako nagdiwang kasama ang mga katropa sa opisina, kumain sa labas... umuwi nang maaga sa bahay... at natulog ng hubo’t hubad.
mula pa nung desyembre ang bakbakan ng trabaho sa opisina. palagi akong nasa field, balot na balot at nanginginig sa sobrang lamig... kahpon nga lang 2Km nasa Iraq na kami. sa totoo lang ang dami ko ng napupuntahang mga bansa... border ng jordan, kuwait, uae, at port papuntang egypt. ung nga lang puro... bitin! malamig sa norte ng kaharian lalo na malapit sa jordan at iraq. nag-snow nga dun eh pero sayang di ko inabutan. sarap sana kung may dala akong mga sangkap pang halo-halo, sulit sana ang pagod sa biyahe.
tatlong taon na pala ang nakakalipas... ang bilis lang. dati tatanga-tanga pa ako dito, ngayon slight na lang. medyo kabisado ko na ang pasikot-sikot ng buhay sa piling ng mga arabo. minsan nakakabanas minsan naman sobrang nakakatawa... di ko na mabilang ang mga insidenteng ikakasira ng bait ko. dapat kasi dito sa saudi ay marunong kang tumingin sa liwanag. tulad ni jun lozada na isang self-procalimed jedi, dapat lumayo at hwag kang padadala sa ”dark side of the force”.
dito kasi kahit maliit na bagay lang o kahit mga nakasulat lang sa pader na nakakatuwa ay pinapatulan ko na, maaliw lang ang sarili. kung di ka ba naman madala sa... Batha market: ”Wanted: Tae Boy with pleasing personality”; Sa isang Panda supermarket branch: “Dear customer, we lost 100 pushcarts. Please help us to found.” Stall in the New Geant store: “Opinning Soon!!!” katabi ng isa pang stall na may: “Now Openning”. kulang na lang makita mong unti-unting bumubukas ang pintuan neto. Pero wala silang binatbat pa rin sa “Openning 24hrs” ng Al Sadhan supermarkets at ng ”Sale in progress” sa Alakariyah mall.
hayyy kung di lang bumagsak ang dolyar, mayaman na sana ako at nasa pinas na... nangangabayo sa hacienda ko sa negros at inaalok ng isang anak na dalaga kapalit ng utang... ”Seniorito...eto po ang kaisa-isang anak kong dalaga, si Ising.” Oh di kaya pinapanood kong binu-buldoze yung mga squatters sa malawak kong lupain...”Don Pepot... isa kang berdugo!!! Maawa ka sa amin!!!” Bwahahahahahahah!!! ”Sige, gibain ang mga bahay!!!”
Tinatamad na akong mag-isip. huwebes bukas walang trabaho dito sa saudi. sa sabado babyahe na naman kami... pupunta sa airport ng maaga at manonuod ng sari-saring mga tao. sarap nilang tingnan lalo na yung mga pauwi sa kani-kanilang bansa... kahapon nga nasa airport din ako, naghihintay kami ng flight pauwi sa riyadh. ang daming umuuwing mga katulong... ibat-ibang mga lahi. isa-isang hinahatid ng mga amo hawak-hawak ang kanikanilang mga passport. ganyan kasi dito sa saudi, palaging hawak ng amo mo ang passport mo lalo pa’t babae ka. ung isang katulong hinatid pa ng mag-asawang mabitbit na anak, nagpaaalam na si inday pati sa bata... mangiyak ngiyak siya. siguro napalapit ang loob nya sa bata. may isa nmang malungkot ang mukha... sira ang bag, bukas ang zipper at nakalabas ang ibang damit. nagmuka itong saging na hitik na lumalabas na ang laman... sa isip-isip ko hindi mahal ng amo yun. ni bag man lang hindi mabilhan... naawa ako kanya. Pina-ikutan na lng ng mga tauhan dun sa baggage counter ng masking tape yung bag kaya pinayagan din sa huli ng mga guards padaanin sa x-ray machine. Yung huling dumating ang pinakabida sa lahat; si super inday! naka all-green siya. halatang mahal niya ang saudi at mahal siya ng amo niya... pati bag niya green at bago. maingay siya.. kulang na lang i-annouce siya bilang star-of-the-airport-of-the-night-waiting-for-the-flight-to-riyadh. mukha siyang masaya... nakakainggit. di ko alam kung may relasyon sila ng amo niya o wala. ibang-iba ang aura niya. kabaliktaran ni warat-bagahe princess.
konti na lng... uuwi na rin ako for gud. nakakapagod na rin dito sa kaharian. gusto ko din malasap ang mga pinaghirapan ko dito. sana umuwi rin ako sa pinas gaya ni super inday... successful.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento