hay naku balik pugad na naman ako. umpisa na naman ng mga araw ng mga mapangaping mga dayuhan… umagang-umaga palang pagdating sa opisina, naaninag ko na sa malayo pa ang nakatambak na trabahong nakalaan para sa akin. dalawang linggo rin akong nawala sa mesa ko kya medyo hanggang bewang lang naman ang nakapatong na trabaho. kaya hinga muna ng malalim, bumulong ng konting orasyon, i-pray over yung mga nakatambak na reports at go go power rangers!!!
di naman ako nagrereklamo at ni minsan di pa ako nagreklamo sa trabahong binibigay sa akin. kahit minsan masyado ng obvious na mas marami ang binibigay sa akin na gawain kesa sa mga kasama ko sa grupo namin pero ok pa rin. go lang ng go!!! no problemo, walang problema… mafi muskilah. life is always a matter of choices. this also includes how you react to certain events and circumstances. kung isipin mo na inaapi ka lagi, sus ginoo eh di tatanda ka na lng ng mabilis nun. sayang lang ang kakapahid ko ng retin-a at olay complete sa mukha kung kukulubot-kulubot din lang. mahal pa naman magpabanat ng mukha at hindi pa kasama yun sa medical insurance ko. napanood ko na minsan yun sa extreme makeover at the swan sa tv kung papano binabanat ang “fes”. yucky masyado!!! biruin mo ba namang gugupitin ung balat palibot ng mukha tapos hihilain ung sobra tapos tatahiin balik. ano yun pantalon? may alteration… “pare pasok libre tingin… mura lang libre putol, baston, ambil.” pagkatapos nun may recuperating time pa na ilang weeks at magmumukha kang nakipag-boxing kay paquiao ng 12 rounds dahil sa pamamaga ng mukha mo. at pag magaling ka na, tila iisa na lang ang facial expression mo sa tuwa, lungkot, takot, pagkamangha, gulat at yung natatae ka. hapi na ako sa ganitong medyo kyut at gwapo lang ako… si rosita na lang ang isalba nyo doktora!!!
talo ka talaga sa buhay kung papadaig ka sa lungkot at init ng ulo diba? kaya ako, tinatawanan ko na lng ‘to. life is a matter of choices and I choose to be happy. ganun lang ang sekreto sa buhay kalakip ng lakas ng loob, tibay ng tuhod at kapal ng mukha. ung kapal ng mukha na lang hinahasa kong quality ngayon… malayo-layo pa ako sa expert level.
masarap magtrabaho at hindi mapasama sa statistics ng mga unemployed. maswerte nga tayo at may trabaho tayo kahit gaano man ito nakakabwisit minsan. at least may kita diba? mahirap na buhay ngayon lalo na sa pinas… mahal na gasolina kaya lahat ng bilihin mahal na rin. nung umalis ako last year dun eh piso na ang maxx kendi at dalawang piso na ang marlboro. kaya sinanay ko na lang ang sarili na humithit ng usok ng mga jip at bus sa edsa. ok rin ang tama. yung nga lang umitim talaga ang butas ng ilong ko pati na ang mga nilalaman nito.
mahalin natin ang ating trabaho. love your work ika nga. it gives us a sense of fulfillment and a venue for expression of our talents and capabilities. ito ang kinabubuhay natin, ang pinagmumulan ng ating pambili ng mga ka-ekekan natin sa buhay. ito din ang pinagmumulan ng pinapadala natin sa mga mahal natin sa buhay sa pinas. ung lungkot at pagkabwisit hayaan na lang… bayad na rin yun! kya go lang ng go!!! kayod ng kayod… bawal ang papetiks-petiks muna…
huh?! rush na naman??? 'nyeta! 'maya na yan… nag boblog pa ako!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento