Lunes, Mayo 18, 2015

Buhay sa earth... (4/2006)



buhay sa earth nga naman.... tsk3! minsan di mo alam pano ipaliwanag ano?! minsan masarap minsan naman hindi, parang ewan. sabi nga ni karding, mimi at luisa nsa gulong ng palad daw yan. sabi naman ng tropa ko nasa guhit ng bayag! ganun lang talaga daw ang buhay minsan nasa taas minsan nasa ibaba.... (hmmmmm may naalala tuloy ako), uy di un ha?!... ung elevator gurl sa dati kong opisina sa makati. maghapon nakasakay sa elevator un no?! akyat-baba. ika nga eh --- well-travelled. "bilog ang mundo" sabi naman ni pareng manny. plangak!!! naman db?! tingnan nyo sya, boksingero na singer pa?! di kaya sa sunod nyang laban, pati national anthem sya na rin kakanta? "....ang mamatay ng dahil sayuuuuuuuuuuuuuu (matching bisaya accent)... sabay sigaw ng malasintonadong... "Laban Pacman!!!!!"

kanya-kanyang diskarte daw din yan pero meron talagang mapapalad na mga nilalalang ano?. minsan di ko maiwasan maisip kung bakit ganun. may mga maseswerte talaga... nanalo sa lotto, nanalo ng sinski motorsiklo jip atbp., kabit ni congressman, mga japayuki sa Malate na maaga pa nagkakape sa Starbucks at mega-shopping sa Robinson's, ung nakapag-asawa ng kano kya guapo ang anak na matangos ang ilong, pangit na na-rape, paring nag-asawa, mga nadadapa sa beauty contest, malaki ang boobs kaya di na gumastos kay Belo, hiskul kickout na naging presidente pa at nag-majong lang ng milyones buong magdamag, ung young papa ni Madame Auring, at yung mga sinasabihan ni Kris ng... "may tama kaaaaa...." sabay "cge, akyat nako...." at ang sangkatutak pang mga taong lapitin ng swerte!

ako? kelan ko kaya maririnig ung ... 'may tama ka... dalawa na tama mo, hahahaha baliw ka na! ipakonsulta mo na yan, bwahahahahah!!!! ano kaya ang nakalaan sa dulo nitong  bahaghari ko? masilip ko rin ba un sa guhit ng bayaghari ko? mmmm try ko maya paguwi ko galing ofc. hihihihii, sana may ROYGBIV din akong maaninag di kaya gold na bolitas! pero mabait naman ako sabi ng nasira kong lola at sinabi nya pa un bago sya naging ulyanin... guapo naman ako sabi ni mader in fact ako daw pinaka gwapo sa aming magkakapatid. kantotingkobit, nag-iisang lalaki ako ah... masunurin naman ako at mapagbigay... mahirap kc tumanggi sa grasya eh baka di na maulit. aaahhhhooooooooooo!!!

pero tila yata mailap ang swerte sa akin. kahit manalo ng plato at baso sa perya hirap ako. mauubos muna lahat ng pisong dala ko at minsan magpapapalit pa ako ng perang buong dala ko bago ko makuha ung plastik na baso na di pwedeng inuman ng kapeng mainit o di kaya ung mga exotic na chichiriyang sa bundok lang dinidistribute...sabay uuwing nagmumura. putragis naman kasi!!!  napamahal na napuyat pa ako. binili ko na lang sana ng popcorn na nilublob sa chipipay na margarine with matching ibat-ibang kulay output o di kaya ung maalikabok na cotton candy na kumakapit sa ngala-ngala ko sabay inom ng malamig na Pop na lasang gamot sa ubo. Lalo pa kaya sa lotto?! isipin nyo mabuti, mahigit 1 milyong combinations ung 42 digits no?! eh ung pula-puti, hanapin ung joker sa tatlong baraha at ung bwisit na tatlong dice sa ilalaim ng magic bao ng niyog nga sa perya di ko mahulaan, ung letse pa kayang mega-milyong palaisipang lotto?!

pero masaya naman ako kung tutuusin eh. maraming bagay sa mundo na dapat ipasalamat natin sa Higher Being. ung maliliit na bagay minsan di natin napapapansin... ang pagsikat at paglubog ng araw, pagsibol ng mga bulaklak sa tapat ng bahay nyo, ung jumper ng cable tv nyo, ung baryang napupulot mo sa daan pambili ng yosi at maxx, ung tangang tinderang sobra ang sinukli syo, ang pag-utot mo dahil sa kabusugan pakatapos lumamon ng 2 Bigmac, large fries, Mcflurry at DIET Coke, mga murang piniratang dvds sa quiapo, mga gawang China na imitations, ang lahat ng scandal na napapanood mo mula Makati, QC, MIndoro, Dumagete at iba pa mula Aparri hanggang Jolo, ung hangin na nagladlad ng 101 Dalmatians na panty pagkatapos umihip sa palda ni magandang-seksi na kasabay mong nag-aabang ng jip, ung mga tanga mong kaopisina o kaklase kaya feeling genius ka compared sa kanila, ung mga walang kabuluhang rally ng mga uhaw sa kapangyarihan ksama ang mga bayad nilang mahihirap na rallyista na may english placards kaya wlang pasok sa skul at opisina. marami talagang dapat ipasalamat sa taas db? iilan lang to pero malaking tulong sa ikakasaya at ikagagaan ng buhay natin sa mundo...

hay buhay sa earth nga naman... tsk3!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento