Unti-unti ko nang naiintidihan ang kabaduyan ng mga kababayan nating ilang taon na ring namalagi dito sa kaharian... Naaalala ko tuloy nung bata pa ako. Nagtrabaho ung asawa ng pinsan ko dito sa Saudi. At dahil sa gusto niya magpasalamat sa tatay ko, binigyan ito ng Sansui component. Magmula noon, parang naging isang sumpa na ang pagpapadala niya ng mga cassette tapes sa bahay namin. Syempre medyo sikat ka noon kung meron kang BASF tapes na hi-fidelity and recording. Galing Saudi?! Wow Hanep!!! Pahiram naman oh…. Kakaiba ang kalasing ng mga tapes pag pinatugtog sa stereo component. Kabilang sa mga tapes na yun ay mga Oldies Collection nina pareng Frank, Matt at Perry at lahat ng mga singers na naging dahilan na ng ilang krimen sa viedeokehan. Meron ding Bee Gees, Abba, Beatles, Cascades at the Lettermen. At dahil romantiko ang pinoy, mawawala ba ang mga walang kamatayang love song collections. Songs for the Heart, Eternal Lovesongs, Love Memories at kung ano-ano pang ka ek-ekan tungkol sa pag-ibig. Minsan may maririnig ka pang babaeng DJ na ini-intro ng mga kanta… ume-echo pa ang boses nun na parang nasa loob ng banyo nagsasalita. "Have you ever love and lost???... Our next song….", sabay tugtog sa background …"My love… there's only you in my life….". Meron din syempre disco hits collection; mga tugtugin na nagpapa-indak at nagpapakembot. At hindi kumpleto ang koleksyon kung wala ang Slow Rock Non-Stop Disco Medley. Isang oras at kalahati ka ring mapupurga sa kakapakinig ng medley na un. Mula "on a dark desert highway…" dadaan sa "… stairway to heaven.. ", susunduin si ".. Carrie ooohhh Carrie" hanggang makarating sa "… house of the risng sun" na katabi mismo ng "… temple of the King". Aba, mahaba-habang biyahe din yun no?! Pag may tricycle ka o pamapasaherong dyip, sobrang sikat ka noon sa kalsada kung pinatugtog mo yun, lalo na kung kumpleto alahas ka, malapad ang belt at buckle mo, at naka Ray Ban ka pa! Tapos may nakasabit pang mud guard sa likod ng sasakyan mo na may nakasula na "Katas ng Saudi". Hehehehe….. You're the man, men!!!
Sa ngayon nandito na ako sa Saudi. Halos dalawang dekada na rin ang nakalipas ngunit hanggang sa ngayon naririnig ko pa rin yung mga kantang yun!!! What's wrong with you party people??? Muguwas baya ug ini sa TV…..
Naalala ko nung bumili ako ng vcd/cassette player sa Batha dito sa Riyadh. Yun ang pinaka unang gamit na nabili ko sa unang sweldo ko… Kaya ko kasing mabuhay na walang TV basta may ear-busting and head-banging music lang sa buhay ko. Tinulungan ako pumili ng amoy paa na salesman… Nang nakapili na ako ng pasok sa budget, nakiusap ako na i-testing muna namin bago ko bayaran. Guess what ang pinatugtog ni kabayang Indiano? Tang na loob… :"Brother Louie"!!! Sa puntong yun, di ko na malaman kung mainsulto ako o matatawa. Sabay sumayaw pa si Mokong at feel na feel pa nya yung kanta… i-finorward pa ni pogi sa "Tarzan Boy", kaya bago pa ako nasiraan ng bait binayaran ko na. Pilit niya pang binibigay ung cd sa akin kay nagmakaawa na lang ako na iba na lang sadik. Yung lovesongs na lang pare, baka sakaling ma in-love ako uli… "… the only thing that's bright… and forever, I'll hold you close in my arms… I can't resist your charms…"… haaayyyy.
Tapos kaninang umaga naman, nagkakandarapa akong nagbihis at naghanda para magtrabaho kasi tanghali na akong nagising. Late na rin ako nakasakay ng taxi, putragis trapik pa! Pinilit kong ngumiti at huwag hayaang masira ang umaga ko. Panay
tagalog pa ng kumpare kong Bangladeshi driver. Pare ng pare di ko naman inaanak ang anak niya. Ayun tuloy, na trapik kami… lalong uminit ang ulo ko. Upang sana marelax ang kapiranggot kong utak, sinabi ko na lang sa kanya na mag pa-sounds kami. Naghanap si kumpare ng cassette tape… hinipan ng tatlong beses, ngumiti na parang demonyo, tsaka isinalang sa player…. "Oh wohoh woho woho wohoh… Swiss Boy don't know what I'm gonna na do…" Putang ina! Di ko napigilan magmura bago mag alas-8 ng umaga. Usually kasi mga 9 pa naguumpisa yan pag nasa opisina na ako. Naramdaman ko talagang nag-init ang tenga ko… wahhhhhhhh!!!!! Sinundan pa ng… " you're my heart… you're my soul". Pakiramdam ko tuloy nabalot ako ng makapal na alikabok habang umiindak sa tugtog sa gitna ng basketball court. Ano ba yun?!!! Ay salamat dumating din si kapitan… Si mayor ba wala pa? Innnnnaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Oo, inaamin ko na isa yan sa mga kinakatakutan ko. Paano kung tuluyan na akong lamunin ng sistema??? --- na maging true-blue-full-pledge BADUY! Oo, I do admit medyo Jologs pa naman ako… Open-minded ako pagdating sa larangan ng sining pero hindi naman to the point na lulunukin ko lahat. Ngayon nga, unti-unti ko na naapreciate ang halaga ng Cinema One… tama, ang buhay nga parang sine sabi ni papa Piolo… kung tutuusin may magagandang pelikula din naman tayo eh. Kaso, yun nga lang commercialized masyado. Hindi ba talaga pwedeng hindi maligo sa beach??? Di ba pwedeng huwag muna managinip na may dance number??? Pwede bang deretso barilan na lang at huwag na takutin ang kalaban na kukunin na siya ng demonyo??? "Diego!!! Mag-dasal ka na! Sumuko ka naaaa!!! Napapaligiran na kitaaaaaaaaa!!!"
DIYOS ko po… hwag naman sana… Ay! Sige mauna na ako, gumagabi na… Baka di ko maabutan ang Panday…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento