Lunes, Mayo 18, 2015

”No, i dont feel any pressure right now.... ” 3/'08

napanood ko rin sa wakas ang kontorbersyal na si janina san miguel ang nanalong Bb pilipinas 2008.... Oh my God! hahahahahaha nakaka-aliw siya. sa gitna ng kaguluhan sa pinas nakakatuwang isipin na ang mga simpleng bagay na tulad ng panyayaring ito ay nakakabawas ng tensyon sa buhay natin... tumaas na naman ang presyo ng gasolina at kuryente pati na rin ng tinapay! wala na yatang pisong pandesal sa pinas ano? kung meron man siguro pede mo na itong isaksak sa butas ng ilong mo o di kaya hugis tinga na lamang ito sa laki. hayyy, salamat na lang at dumating si janina...

kung hindi nyo pa napapanood ang nakakatuwang Q&A portion ng “prestiyosong” Bb. Pilipinas maaring pumunta po lamang sa dakilang Youtube at i-search ang sikat na beauty queen. ilang beses ko nga pinanood ng pauli-ulit ang video kasi aliw na aliw ako sa kanya. naaalala ko tuloy yung mga beauty contest sa aming probinsya kung saan tila lahat ng tanong ng mga judges ay kelangan mong sagutin ng nag-uumpisa sa “for me....” o di kaya ng "i believe...." o di kaya "for me, i believe..." tapos bahala na si batman kung ano ang kasunod.

pero iba si janina, maliban sa tawa at “for me” nya ay my mga “Oh my God” pa ito at “I’m so sorry”... sabay tatawa uli... hahahhaahahaha!!! at magtatapos ang sagot niya sa “My pamili is da most important persons in may layp!.. Thank yu!”. pero kyut siya ha?! inosente. yung tipong probinsiyanang tatanga-tanga. sabagay sabi pa nga niya... “oh may god, im so sorry guys because dis was rily may pers pagent ever... because aym onli seventeen yirs old and i did not ekspek dat i came from one of da tuf ten....”

kung sumayaw pa sana siya ng may dalang mga pamaypay at kawayan, o di kaya pinunit na lambat ng isda at siyay hinihila sa magkabilang braso ng dalawang baklang nagpapanggap na mga tunay na lalake, parang nasa plaza na sana ako ng bacolod. patok din sana kung nag monologue siya gaya ng anak na dali-daling umuwi sa kanilang bahay dala ang gamot ng kanyang inay na maysakit. tapos hindi niya rin pala maabutan ng buhay ang sariling ina... tapos hahagulhol ito ng higit kalahating oras at wala kang maiintindihan sa pinagsasabi niya. tapos bigla na lang ito magba-bow, dali-daling pupulutin ang mga kinalat na props sa stage sabay takbo palabas. sabay na rin netong sisisihin ang kanyang tunay na nanay sa backsatage pati yung baklang kinuha neto upang mag make-up at magturo ng talent. siyempre hindi rin mawawala ang classic na sisa role na hanggang sa ngayon hindi pa rin mahanap-hanap sina crispin at basilio!

enjoy talaga akong manood ng mga beauty contest lalo na sa mga probinsya sa pinas... nakakatuwa rin kasing panoorin ang mga nanay na proud na proud sa kanilang mga anak habang ito’y sumasayaw na parang isang amazona, naghahawaiian at nanginginig ang baby fats sa tiyan o di kaya bumubuga ng apoy sa gitna ng stage. palaging katabi rin ni nanay yung amang galit na galit kasi pinag-swimsuit kanyang anak at pinagnanasahan ito ng buo barangay habang nakalabas ang singit at dimple sa puwet.

bugbog ako sa trabaho netong nakaraang mga buwan... buti na lang dumating si janina... salamat sa iyo iha. nawala ang pagod ko. dahi sa iyo... ”No, i dont feel any pressure right now.... Oh my God!!!”.









Tatlong Taong Walang Diyos - 3/'08

oh kay bilis naman ng panahon. di ko namalayan tatlong taon na ang isang-taon kong kontrata... mahirap talaga talikuran ang limpak-limpak na salapi hehehehe. ang kinaiinisan ko lang ngayon ay nag-birtdey ako dito sa riyadh netong buwan. nabwesit ako dahil isinumpa ko na sa sarili na kada pebrero ako uuwi sa pinas upang dun ipagdiwang ang araw kung kelan ako dumating sa daigdig na hubo’t-hubad. wala eh... di ako pinayagan ng opisina. nag-request pa ang cliente na idagdag yung natitira kong bakasyon sa susunod na kontrata. mahirap talaga maging magaling no?!  kaya dito na lang ako nagdiwang kasama ang mga katropa sa opisina, kumain sa labas... umuwi nang maaga sa bahay... at natulog ng hubo’t hubad.

mula pa nung desyembre ang bakbakan ng trabaho sa opisina. palagi akong nasa field, balot na balot at nanginginig sa sobrang lamig... kahpon nga lang 2Km nasa Iraq na kami. sa totoo lang ang dami ko ng napupuntahang mga bansa... border ng jordan, kuwait, uae, at port papuntang egypt. ung nga lang puro... bitin! malamig sa norte ng kaharian lalo na malapit sa jordan at iraq. nag-snow nga dun eh pero sayang di ko inabutan. sarap sana kung may dala akong mga sangkap pang halo-halo, sulit sana ang pagod sa biyahe.

tatlong taon na pala ang nakakalipas... ang bilis lang. dati tatanga-tanga pa ako dito, ngayon slight na lang. medyo kabisado ko na ang pasikot-sikot ng buhay sa piling ng mga arabo. minsan nakakabanas minsan naman sobrang nakakatawa... di ko na mabilang ang mga insidenteng ikakasira ng bait ko. dapat kasi dito sa saudi ay marunong kang tumingin sa liwanag. tulad ni jun lozada na isang self-procalimed jedi, dapat lumayo at hwag kang padadala sa ”dark side of the force”.

dito kasi kahit maliit na bagay lang o kahit mga nakasulat lang sa pader na nakakatuwa ay pinapatulan ko na, maaliw lang ang sarili. kung di ka ba naman madala sa... Batha market: ”Wanted: Tae Boy with pleasing personality”; Sa isang Panda supermarket branch: “Dear customer, we lost 100 pushcarts. Please help us to found.” Stall in the New Geant store: “Opinning Soon!!!” katabi ng isa pang stall na may: “Now Openning”. kulang na lang makita mong unti-unting bumubukas ang pintuan neto. Pero wala silang binatbat pa rin sa “Openning 24hrs” ng Al Sadhan supermarkets at ng ”Sale in progress” sa Alakariyah mall.

hayyy kung di lang bumagsak ang dolyar, mayaman na sana ako at nasa pinas na... nangangabayo sa hacienda ko sa negros at inaalok ng isang anak na dalaga kapalit ng utang... ”Seniorito...eto po ang kaisa-isang anak kong dalaga, si Ising.” Oh di kaya pinapanood kong binu-buldoze yung mga squatters sa malawak kong lupain...”Don Pepot... isa kang berdugo!!! Maawa ka sa amin!!!” Bwahahahahahahah!!! ”Sige, gibain ang mga bahay!!!”

Tinatamad na akong mag-isip. huwebes bukas walang trabaho dito sa saudi. sa sabado babyahe na naman kami... pupunta sa airport ng maaga at manonuod ng sari-saring mga tao. sarap nilang tingnan lalo na yung mga pauwi sa kani-kanilang bansa... kahapon nga nasa airport din ako, naghihintay kami ng flight pauwi sa riyadh. ang daming umuuwing mga katulong... ibat-ibang mga lahi. isa-isang hinahatid ng mga amo hawak-hawak ang kanikanilang mga passport. ganyan kasi dito sa saudi, palaging hawak ng amo mo ang passport mo lalo pa’t babae ka. ung isang katulong hinatid pa ng mag-asawang mabitbit na anak, nagpaaalam na si inday pati sa bata... mangiyak ngiyak siya. siguro napalapit ang loob nya sa bata. may isa nmang malungkot ang mukha... sira ang bag, bukas ang zipper at nakalabas ang ibang damit. nagmuka itong saging na hitik na lumalabas na ang laman... sa isip-isip ko hindi mahal ng amo yun. ni bag man lang hindi mabilhan... naawa ako kanya. Pina-ikutan na lng ng mga tauhan dun sa baggage counter ng masking tape yung bag kaya pinayagan din sa huli ng mga guards padaanin sa x-ray machine. Yung huling dumating ang pinakabida sa lahat; si super inday! naka all-green siya. halatang mahal niya ang saudi at mahal siya ng amo niya... pati bag niya green at bago. maingay siya.. kulang na lang i-annouce siya bilang star-of-the-airport-of-the-night-waiting-for-the-flight-to-riyadh. mukha siyang masaya... nakakainggit. di ko alam kung may relasyon sila ng amo niya o wala. ibang-iba ang aura niya. kabaliktaran ni warat-bagahe princess.

konti na lng... uuwi na rin ako for gud. nakakapagod na rin dito sa kaharian. gusto ko din malasap ang mga pinaghirapan ko dito. sana umuwi rin ako sa pinas gaya ni super inday... successful.




Tara... let go! - 10/'07

matagal-tagal na ring hindi gumana ang utak ko kaya hindi ako nakapagsulat netong huling mga araw. maraming nagtatanong (naks! as if...) bakit? kulang daw ba ako sa inspirasyon? hindi naman, marami at sobra-sobra nga eh kaya siguro nawili at nagulo ang utak. parang old joke na... ”sir sino ba mas yummy ako o si ma’am?”... ”siyempre ikaw, inday.”... ”ganun ba sir? sabi kasi ng driver mas yummy si ma’am.” ngee!!!

ngayon kailangan ng paganahin ang utak. kelangang gumalaw baka ma-stroke at biglang bumagsak na lang habang naglalaro ng badminton tulad ng nagyari sa isang kabayan dito sa riyadh kelan lang. mahirap umuwing nakakahon lalo pa kung bitbit mo pa ang raketang di matanggal-tanggal sa kamay mong nanigas.

naalala ko tuloy ang kwento ng buhay ko lalo na nung naguumpisa pa lang akong mag-artista. wala pa namang pbb noon eh kaya talent lamang talaga ang puhunan ko. hahahaha... joke! naalala ko lng yung naghahanap pa ako ng trabaho sa manila pagkatapos ng board exams. sa totoo lang isinumpa ko na yung manila nung nagrereview pa lang kami. pero dun rin lang pala ang kapalaran ko. mahirap kabisaduhin kasi ang mga kalye doon at puro tuso pa ang mga taxi driver. dalawang klase lng ang mga taxi driver sa maynila. yung walang alam, ”sir turo niyo na lang ang daan kasi di ko kabisado” tapos kung saan-saan ka iikutin. yung isa naman may kapangyarihan makita ang hinaharap na parang isang propeta, ”sir trapik na yun dun pagdating natin” o di kaya ”dagadagan niyo na sir kasi sigurado wala akong sakay na pasahero pabalik”. bwesit! kaya kadalasan late akong dumating sa interview o mga exams. kung dumating man sa oras, pawis na pawis naman kasi naglakad lang bitbit ang mapa na nasa loob ng brown envelope o di kaya expandable plastic envelope na may laman na isang daang kopya ng resume.

masaya at nakakatuwa ang buhay sa manila. tumagal din ako sa ingay, trapik at baha doon. ilang beses akong lumipat ng tirahan. marami akong nakilala at nakasalamuha hanggat makarating ako dito sa kaharian. the funny thing is... it’s only now that I realize we could never truly let go of anything or anyone in our lives. it’s either they take away a part of us with them or we take them with us forever. masarap alalahanin ang nakaraan. masarap alalahanin ang paglalakbay at ang mga taong naging bahagi ng buhay mo, lungkot man o saya ang dinulot nila. hanggang ngayon bitbit ko pa rin ang mga alaala ng mga tinirhan ko sa manila, maliban lang dun sa boarding house kong nasunog na wala ako nabitbit palabas kundi ang portable cd player at cd collection ko lang. buti na lang nakakabit ang earphones at bago ang kaisa-isang brief na suot ko!

nakakatuwa isipin na paminsan-minsan magugulat ka na lang sa isang email o tawag mula sa isang taong matagal mo ng di nakakausap o nakakasama. nakakataba ng puso... minsan naman yung mga taong isinumpa mo na ay bigla mo na lang naaalala at magtataka ka kung asan na o buhay pa kaya siya, sabay dasal na sana buhay pa nga siya kung may utang pa ito sa iyo.

sa ngayon naaaliw ako sa pagbabasa sa yahoo groups ng batch ko nung hiskul. proud ako sa batch namin kasi walang nabuntis bago maka-graduate, puro lalaki kasi kami. green-white-go-fight green-white fight!!! karamihan pala ay na sa US na at marami na rin ang bumigay na talaga.. todo na itwich! kadalasan mo mababasa dun ang tulad ng...”hi guys did u watch the basketball game last night?”...”hey anyone has a ticket to the new york yankees game or any team from new york?” ... “man, he’s says its workin’ and he’s damn serious about it!”...”that’s awesome dude!!!”... kadalasan o.a. na sila. minsan gusto ko ng sagutin ng..”brader may ticket ka ba dyan para sa rakrakan overload?”.

sabi nga ni rizal di ba? ang hind marunong lumingon sa pinanggalingan at may stiff neck. importante sa buhay ang maalala mo ang pinagmulan mo. hindi dapat binabalewala ang mga bagay at mga taong naging parte ng buhay mo. sila ang dahilan kung sino at ano ka ngayon. sa kanila ka natuto upang maging mas mabuting tao, may dunong at lakas ng loob. naks! awesome ba?!

masaya ako sa ngayon... sobra. malapit ng mabuo ang mga pangarap ko. gamay na lang guid... tapos na ang lipatan. kung lilipat man uli, sana sa palasyo na.

Desperadong May-bahay - 10/'07


"Can I just check those diplomas because I just want to make sure that they are not from some med school in the Philippines."
-Susan Mayer
Desperate Housewives
ABC Network

Kailan lang ay pumutok itong issue tungkol sa isang eksena sa pilot episode ng Desperate Housewives season 4 kung saan sinabi ni Susan Mayer (Teri Hatcher) ang linyang ikinaputok ng butchi ng medical community sa tate. kung sa bagay, di naman talaga ka aya-aya ang sinabi niya. marami ang nagalit lalo na ang libo-libong pinoy medical professionals sa us. pati gobyerno natin pilit sinakyan ang isyung ito. pati senado at kongreso natin ay sinakyan ang usaping ito. masyado daw mapang-api ang sinabi sa palabas. marami ang mga mapagkunwaring mga opisyal na may malasakit daw sa bayan ang nagpapa-interview...”masakit talaga yung sinabi ni teri tatcher na yun!”...”di dapat sinabi ni teri tatcher yun eh pwede naman syang tumanggi”. tatcherin nyo mga mukha nyo mga bugok! tatcher kayo ng tatcher dyan, tatcherin ko kaya mga pagmumukha nyo?! mga bwesit!!! para lng mapag-usapan pinalaki ang issue... plus pogi points. hoy malayo pa ang eleksyon!

kung susuriin talaga ang sinabi sa palabas, masakit man isipin pero tila may katotohanan ito. sa pinas ngayon parang mga kabuteng nagsulputan ang ibat-ibang medical schools. kung hindi nursing, nursing aide o care giver courses ang ino-offer ng mga paaralang ito. karamihan pa sa mga ito ay walng tamang lisensya o kahit man lang mga tamang kagamitan, lab o iba pang gamit katulad ng sa mga lehitimong accredited medical schools. nagulat nga ako dati na may bs nursing sa AMA. kahit manood ka ng wowowee, karamihan sa mga bata dun ay sinasabing gusto maging nurse o doktor... “para po magamot ko po yun pong mga batang may sakit lalo na po ang mahihirap...” tapos sabay abroad pag nakatapos. idagdag pa dito ang nakakahiyang leakage sa nursing board exams nung nakaraang taon. nakakahiya sa buong mundo... pero, oo bilib pa rin ako sa mga medical proffesionals natin. kahit dito sa saudi karamihan sa mga hospital staff eh pinoy. kaya nga idol ko ang mga yun eh... mapag-mahal at masarap mag-alaga... pwedeng naka-puti basta naka-modess...

nakakabwesit din isipin na tayong nasa ibang bansa ay nagpapakahirap para hangaan tayo ng buong mundo dahil sa ating angking galing sa trabaho. tapos biglang may gagawa ng katarantaduhan sa pinas. sa isang iglap lang babalik tayo bilang “brown-monkey from the philippines”. gaya ng lang ng zte scandal na yan sa national broadband project sa pinas. headline sa pinas. front page sa saudi gazzette. pinoy. kurakot. bwesit!

kaya nga siguro ayaw na magbigay ng public apology ang ABC network, ang producer ng Desperate Housewives. hayaan na mapagod ang mga pinoy dun sa harap ng opisina nila sa kakaprotesta laban sa show nila. sabi pa nga ng mga producers dapat daw magpasalamat tayo dahil doon ay lalo nakilala ang galing ng pinoy medical workers sa buong mundo. napaguusap na naman ang galing natin. publicity ika nga. thanks but no thanks pa rin ang sagot ng mga nagpoprotesta!

kawawa lang talaga tayong mga pinoy. laging naapi lalo pa ni uncle sam. kahit ang gobyerno natin ay sunud-sunuran lang sa mga kano. kaya kahit ubusin nilang rape-in ang mga dalaga natin sa ‘gapo, ok lang. kahit guilty pa ay kukupkupin pa rin nila sa embahada nila. siguro nga unti-uni ng nag-iiba ang pagiisip ko laban sa mga kano dahil sa pananatili ko dito sa saudi. kaw ba naman napapalibutan ng mga muslim radicals sa opisina araw-araw eh... tama rin naman sila. gusto lang talaga ng mga kano ang maging hari ng mundo. lahat na lang pinapakialamanan nila. yung giyera sa iraq wala ring kwenta yun. nasa 3,800 na ang casualties ng mga kanong sundalo. ang nmatay sa WTC ay 2974 lang, 24 ang nawawala at 19 hijackers din ang namatay. you do the math... look who’s stupid???

Marami ka pang bigas na kakainin... Oct'07


nagugutom na ako. ’tang na loob, tatlong oras pa bago uwian at lumamon. hanggang ngayon di ko pa rin naiintindihan o mahanap ang logic kung bakit kailangan gutumin ang sarili mula pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito upang maging banal. sa panahong tulad ng ramadam minsan naiisip ko na sana magka-amnesia na lang ako para makalimutan ko ang pagkain. minsan naman pinapangarap ko din na maging anorexic na lang. kagaya ng nakaraang dalawang ramadan ko dito sa kaharian, pilit ko pa ring sinusunod ang paniniwalang ito bilang respeto na rin sa ating mga kapatid. di man ako sangayon kasama ng sampung anaconda ko sa tiyan, wala na akong magagawa kundi sumunod na lamang. ang tangi kong magagawa ay ang lumamon ng marami sa umaga bago pumasok sa opisina kahit hindi ko nakasanayan ito. mahirap lunukin ang kanin sa umaga, hindi ako sanay. masaya na sana ako sa tinapay, kape at mani...


wala akong magawa kagabi kaya napilitan na naman akong manood ng tfc. tamang-tama lang nang binuksan ko sa cinema one, ”feature presentation” daw. pumwesto ako sa sala bitbit ang tuna sandwich kong hapunan. ”marami ka pang bigas na kakainin” ang palabas. pang-ramadan talaga ang dating! si eddie garcia ang bida at kasama ang isang budding (o bading?) young action star... si rustom padilla. oo si rustom. action star nga pala dati yun? medyo mataba sa siya nung panahong iyon. macho. lalaking-lalaki. may potentials. may potential maging bading! parang iba kasi ang tumbling at gulong niya. parang pang floor exercises sa olympics. pumipikit-pikit pa siya habang pinuputok ang kanyang baril sa mga kalaban. para bang iniisip niya na... ”eewww...ano ba tong ginagawa ko?! help!!! robiiiiiiiiinnn!!! help! help! sakloloooooooo!!!”. hahaha... marami din dito nyan sa saudi. gaya na lang ng isang pinoy na subcontractor sa mga projects namin. sabi pa ng kasama niya sa trabaho, “sir ingat ka dyan kay ***, darna yan. pinapahirapan ang sarili. ayaw umamin.”


syet! siguro nga marami pa talaga akong kakaining bigas dito sa saudi. nasubukan ko na yata halos lahat ng klase ng bigas: basmati, long grain, denorado, milagrosa, senandomeng, thai, jasmine, egyptian atbp... ngayon Ligo brand ang binabanatan ko. top of the line yun sa batha. pero tila iba na ang bigas nila ngayon, matigas na. hinaluan na naman siguro ng magugulang na mga pinoy kasi naging mabenta ito... pinoy talaga oo. kaw ba to? isama mo na rin sa bigas ang “marami ka pang manok na kakainin”. diyos ko, linggo-linggo yata ay may nabubuo akong at least isang manok, minsan higit pa. kung lumalabas lang lahat yun sa pwet na buong manok malamang malawak na sana ang poultry ko. buti sana kung may kasamang baboy, at least diversified. kaso solong manok lang eh. mahirap din naman buohin ang isang baka diba? ok lang yun, taga-bacolod naman ako eh. mahilig sa manok lalo na sa chicks...


mahirap talaga ‘pag gutom ang isang tao. nagdidiliryo. nag-iisip na kung ano-ano. pilit kinakalimutan ang kalam ng sikmura. di ko lubos maisip paano mamatay sa gutom. alin kaya sa five senses ko ang huling mawawala? sa tingin ko yung sense of smell, malaki kasi ang ilong ko... ang hirap siguro nun ano? bulag ka na at bingi pero naamoy mo pa yung pagkain kung meron man. kawawa siguro ako nun... aamuyin ko na lang siguro at i-utot... sabay--- “thanks be to God”. kaso maamoy ko pa rin kaya ang sarili kong utot?


tama na ’to... nirereserba ko ang aking lakas. mahirap mag-isip at magsulat kapag gutom... lalo pa ang umutot.

Ang pagbabalik ng mga Engkantado - 9/'07


biyernes. gabi. as usual napagod na naman ako sa kakalaba, nood tv, kain at tulog. may pasok na kinbukasan. gusto ko sanang matulog uli ng maaga. napuyat kasi ako noong huwebes sa kakatulog. mhirap mapuyat habang natutulog. masakit sa ulo...

gaya ng nakasanayan, ng channel surfing na lang ako sa tv. naghanap ng mga nakakaantok na palabas para makatulog. walang boring shows sa cable tv. puro adrenaline-inducing ang mga palabas. kung hindi action at comedy, mga babae namang hubot-hubad na may hawak na telepono at nag-aantay ng mga maniac callers. alhamduling! salamat sa hotbird satellite... the name speaks for itself. hindi pupwede to, sabi ko. last ditch desperate move na ang kailangan... tfc! tamang-tama din lang paglipat ko... nagkita kami uli nina pedro at ng mga engkantado.

gaya ng napanood ko ilang buwan na ang nakaraan, watak-watak pa rin ang grupo. winning formula talaga cguro yan. may suspense. makakasundo pa kaya sila? exciting. da best. patok sa takilya! gaya na lang ng mga magkakapatid na palaging nagkakahiwalay nung ipinanganak, mga batang pinag-palit ng nurse sa hospital habang lumilindol o bumabagyo o di kaya ang wagas na pag-ibig ng isang mayaman na dalaga sa isang mahirap lang na binata. idagdag mo pa sa listahan yung matinding galit ng isang kusinera dahil ninakaw sa kanyang inay ang secret recipe nitong manok at ang batang alien na mukhang mongoloid, palaging dilat ang mata at mga tatlong beses lang siguro kumukurap sa bawat episode.

balik kina pedro. nasa tuktok na naman sila ng gusali ng naabutan ko. gaya pa rin ng dati, nangagalaitin na naman si flying sexy lady dahil disappointed siya sa ”leeeadersheep” ng grupo. nagtatalak na naman sya at nageenglis pero this time mas makulot na ang kanyang buhok, mas maiksi ang mini-skirt at mas mataas ang takon ng bakya! “ganyan ba umasta ang isang leader?” (maarte voice). gusto nyang si pedro uli ang maging leader kasi hindi ito masyadong “authoreithaeiyteeeeeev”. pwe! ako ang napapagod sa kakapakinig sa kanya...

this time, isang sarangay na naman ang kalaban nila. isang uri ng halimaw na parang torong hot na hot. sumisikad ito sa lupa at umuusok and ilong na parang adik. isa siyang estudyanteng boarder sa pinapaupahang bahay nina lola maria. napagkamalang magnanakaw at kinulong. doon na lumabas ang kanyang taglay na kapangyarihan. isipin mo na lang kung ikaw ay isang preso at habang kayo ay nag-eensayo ng sayaw na “thriller”, ay biglang mag-transform si kakosa mo at naging kalahating toro. siguradong panis ang lahat mong tatoo sa katawan maging sawa man ito, agila o dragon. ayun na, pinagsusungay nito ang mga ka-cellmates, binaluktot ang mga rehas at tumakas. kelangan nyang gumanti at hanapin ang nagturo sa kanya sa mga pulis. napadpad ito sa lawton maynila at namasyal sa fountain area sa tapat ng philippine post office. ok rin ang cinematic choice ng halimaw. maganda ang background. winning formula na naman... nagwawala pa rin ang halimaw. hot na hot at umuusok lalo ang ilong. bangag na bangag... medyo maluwag ang costume nito, halatang parang damit lang na kinulayan. nagmukha tuloy siyang hiphop na baka na kulubot ang balat. ang dami niyang sinungay kaya dinumog siya ng media. at dun na nganap ang isang historical moment sa philippine television... bigla itong dinampot ang mikropono ng  reporter, umikot at tumingin sa camera... sabay speech! hahahahaha nagpainterview ang halimaw. galing! “nananahimik ako.... blah blah blah...” di ko na narinig ang iba pa niyang sinabi. napagulong na ako sa kama sa kakatawa. grabe! bat di kaya naisip ng mga gumawa ng lord of the rings yun? walng sinabi ang harry potter series ni jk rowling sa mga writers na pinoy. halimaw nag-painterview? tinalo ang speech ni willie! kulang na lang dalawang co-hosts na babae na umiiyak din sa tabi niya.

tapos diretso na ang halimaw sa boarding house nina lola. nabalitaan din nina pedro ang mga pangyayari kaya dali-dali itong tinawagan ang grupo gamit ang cellphone na tila hindi nauubusan ng load. naabutan ng halimaw ang lalaking nagsumbong sa kanya sa pulis. pinag-susungay niya ito. buti na lang dumating din si lola. nagmakaawa siyang hwag ng saktan ang lalaki. bilang landlady responsibilidad niya ang ipagtanggol ang kanyang boarder. pero ayaw umawat ni halimaw. napikon si lola at sumigaw... “hindi mo ba ako kilala??? ako si maria penduko!!! hahahaha penduko din pala yun?! akala ko iikot siya at magkakaroon superhero attire gaya ng star sa ulo, sexy bathing suit at lubid sa tagiliran. buti na lang hindi. di ko masikmura siguro kung ginawa yun ni gloria romero. mga 50 years ago siguro pwede pa. dumating din ang sina pedro at ang grupo. pinagtulungan ang halimaw pero di kaya. nakatakas din lang ito tangay ang lalaking nagbintang sa kanya. tanging si flying sexy lady lang ang humabol dito. siya lang kasi ang may pakpak sa grupo. pagkakataon niya na sanang mag-shine. five minutes of fame ika nga pero di rin umubra ang powers niya sa sarangay.... itutuloy daw.

putragis! nasayang na naman ang isang oras kong tulog. pero ok lang din. nasaksihan ko naman ang halimaw na nag-speech live. bihira sa tanang buhay ko yun. buti na lang di pala ako natulog ng maaga.

Stop.Look.Listen

Sabado, septembre uno, taong dalawang libo’t pito.

yudapuga! ang ganda ng pasok ng buwan ng septembre. pasko na daw sa pinas.. tanghali na ako nagising. as usual... ligo, sipilyo, bihis, suklay, kindat sa salamin ala “dats my boy!” tapos lipad! medyo mabilis ang pagmamaneho ko para makarating sa opisina bago mag alas 8. nyeta, isang stoplight na lang sana mula sa opisina ng biglang....”gggggrrrrrroooommmmm”. putcha! ayaw umabante na ng kotse. nangamoy ang gulong, ayaw umikot. huminto. tumigil ang mundo ko. tumigil din ang lahat ng kotseng nakabuntot sa likuran ko. mabuti sana kung nasa service road ako pero hindi. nasa major intersection mismo at sa ilalim pa ng poste ng stoplight. rush hour. pinilit kong inabante ang kotse pero ayaw talaga. ayaw ko sanang bumaba ng sasakyan kaso baka banggain ang kotse ng mga humaharurot na mga arabo. ayokong umuwi sa pinas na nakakahon.

dali-dali akong bumaba at kinuha ang early warning device sa likod ng kotse. tunog hitech ano? pulang triangle lang yun. nilagay ko ito sa kalsada mga ilang metro mula sa puwet ng kotse sabay tawag sa mga superfriends. natagalan pa bago dumating ang kakilala kong taxi driver. mainit. maraming tao. maraming sasakyan. pati yung bangladesh na naka-bisekleta ay tumitingin lang sa akin, ngumiti at umiiling. mga ilang minuto pa dumating din ang taxi may dalang tow truck. hinila at isinakay ang kotse ko sa truck. kawawa. gusto kong maiyak pero O.A. na yun. dinala namin ang kotse sa talyer at iniwan para ipachekup. tanghali na ako nakarating sa opisina. bwesit!

ganyan lang talaga ang buhay. puro sugal. gaya na lang ng pagbili ng sasakyan sa hindi mo kakilala o pagbili mo ng mga tuta sa sta. cruz maynila. bumili kasi kami dun ng umuwi ako nung nakaraang buwan. dalawa ang napili namin. girl at boy. si pretty at si lucky. wala na si lucky. namatay ilang linggo pagkatapos tinurukan ni dok ng anti-peste at anti-bulate para daw lumakas. malamang ngayon pinagpipiyetshan na ng mga bulate yun. kawawang aso. di man lang nagkamalisya pumanaw na. sayang...

minsan sa buhay maraming dumadating na mga pagkakataon. mga bagay na pagpipilian. pano kung ganito? kung ganyan? ito ba o yun na lang? siya ba o iba na lang? kung ano man ang mapili mo dapat kaya mong itong panindigan at handa ka ring harapin ang kahihinatnan ng napili mo. dapat walang pagsisisi. sabi nila basta daw masaya ka ok lang. ngayon yun. pano bukas?

mahirap malagay sa alanganin. mahirap tumirik sa intersection. kelangan may ”presence of mind” ika nga. tumigil ka man,walang pakialam ang mundo sa iyo. tuloy pa rin ang ikot nito. wag dapat mataranta. humingi ng tulong kung knakailangan.  gawin ang sa tingin mo ay tama. iwasang ipilit ang alam mong imposibleng mangyari at walang patutunguhan. pero minsan, gaya ng sabong, nananalo ang dehado. minsan naman ang pinakamasarap na bunga ay yung nasa dulo ng sanga. delikadong kunin pero sulit naman ang paghihirap.

nalilito na ako sa pinagsasabi ko. parang nahilo ako sa puntong nais kong ipaliwanag. pero parang ganun na rin yun. mahirap ipaliwanag.


Lunes. a-tres ng septembre

maaga akong pumasok kanina. di karaniwan sa isang tulad kong aswang. ikikikikikik... buti naman at nagawan ng paraan na maayos ang kotse ko. bumigay daw ang return spring ng preno kaya di na bumitiw nung kumagat ito. ok rin naman pala pumasok ng maaga sa trabaho, may oras mag-internet. may nabasa tuloy akong isang article na may pamagat na ”Don’t Save if for the Funeral” mula sa Philippine Star. ipinaliwanag ng tagapanulat dito ang kahalagaan ng ”ngayon”. ”

You do not save the best for last; you save the best for now. If your best is not now then your life is not exactly fulfilling isn’t it? You never know when your best would be but you can always make today the best it could be.”

naisip ko tuloy palitan ang kotse ko. sabi nga ng kaibigan ko, bakit kailangan pag-aksayahan ng oras ang isang bagay na walang patutunguhan. sayang lang daw ang oras. tama nga naman siya... sayang nga. nais kong maging masaya. gusto ko ng bagong kotse pero praktikal akong tao. isa pa napamahal na sa akin ang kotse ko. kahit hindi ito masyadong nasa kondisyun mahal na mahal ko yun. wala namang perpketo dito sa mundo diba?

lalo lang yata nagulo ang utak ko. mabuti pa iba na lang pagusapan natin. miss ‘sang round pa nga....

hayyy buhay!

Engkantado (mga anak ng engkantong tarantado) - 2007


wala akong mapagtripan kagabi. as usual di na naman ako makatulog ng maaga. marahil excited si toto na makatapak uli sa lupang hinirang. naudlot kasi ang uwi ko dapat kahapon, biyernes. kung hindi lang nagmaka-awa ang bisor ko na i-delay ang uwi ko para may maapi pa rin siya sa linggong ito, malamang kumakain na ako ng lechong baboy at dinugu-an sa bahay. pero as usual hindi na naman yan ang kwento ko.

napagtripan ko na naman kagabi ang mga engkantao, isang palabasa sa tfc na tila pinag-isipan talaga ng husto ng mga producers at mga manunulat nito. kwento ito ng mga anak ng engkanto sa mga tao. premise pa lang talagang henyong-henyo ang dating. kung di ka ba naman tanga, papatol ka ba sa engkanto kung meron man? inisip ko na lang na puro sila rape victims at nagbunga ang paglalapastangan sa kanila ng hybrid na half-human at half-unknown creatures. siyempre unang-una sa listahan si pedro penduko na may powers na di ko maintindihan. tila may hinuhugot siyang bola ng apoy mula sa tiyan at binanabato sa kalaban. di ko alam kung compressed na utot yun o lighter fluid. sumunod sa grupo ay ang batang may kapangyarihan sa paggamit ng tubig. lumalabas muna ang kanyang mga palikpik bago niya magamit ang powers niya. di ko alam kung ano ang pangalan niya at sa kung anong klaseng isda siya pinaglihi at kung magkano ang kada kilo nito. pagkatapos ay si moy; d wonderboy apoy! naks, pangalan pa lang hot na hot... nakakatatot. pero isang makulit at madaldal na bata lang pala na may kapangyarihan sa paggamit ng apoy. meron ding batang babaeng mahiyain na bigla na lang nawawala kapag kinakausap mo ito. ayoko sa kanya. nababastusan ako sa ugali niya. meron ding lalakeng kaya magpagalaw ng mga bagay, di ko alam kung ano ang limit ng timbang na kaya niya. pero ang pinaka-paborito ko sa kanilang lahat ay ang ”flying sexy lady”. hahahahaha... susmaryosep! sino kya ang nagbigay ng pangalan niya? sabagay sexy naman talaga siya at hindi nahahati ang katawan kapag lumilipad. kontodo makeup at hairdo. palaging naka mini-skirt. palaging parang dudungaw ang suso. palaging sexy. consistent sa karakter.

kung bakit ako nagkainteres manood kagabi ay dahil ang ganda ng opening scene nila. itong si flying sexy lady ay kinokompronta si mahiyaing bastos: ”nasaaan ka ba ng kinalaban namin ang syokoy???!!!”. oh di ba? kung di ka pa naman mai-enganyo sa ganyan? hahahahaha... dun pa lang naliw na ako. oo nga bat nga ba wala siya nung kinalaban nila ang syokoy? interesting. nasaan ang team spirit niya? wla siyang malasakit sa grupo. bastos nga talaga. napaka-importante pa naman sa mga engkantao ang hindi pag-absent sa mga gimik lalo pa kung may syokoy na lulusubin.

ang daloy ng kwento ay sa tema ng pagkawatak-watak ng grupo nila. may kanya-kanya na silang mga lakad... yung iba busy sa school, yung iba naman kumikirengkeng. ito lang talaga sa sexy lady ang masigasig at pilit na buuhin uli ang grupo. sabi pa nga niya, ”matatawag mo ba ang isang grupo kung wlang leader?” (in maarte voice). grabe... idol! kaya mo ba mag helicopter iha?

ito naman si pedro ay napasama sa grupo na mahilig sa beerhouse. sumama siya sa ”sauna nauna” kung saan maraming “masahesta” ika nga ng bugaw na kalbong bading. di alam ni pedro na ang isa pala sa masahesta ay ang babae ring engkantao. isa siyang anggitay o babaeng kapre. aaahhhh, meron din palang gender yung kapre. anggitay pala ang tawag sa girlalu. kapre? di ba sana kamre? sabagay, pangit rin pakinggan... parang kotse ng toyota. ang trip ni girl ay naghahanap ito ng katxmate at makipag-eyebol sa mga kalalakihan. kapag nagkasundo na sila sa lugar at kulay ng damit go na. naisip ko, sana makahanap din ako ng katx na babaeng kapre. sarap sigurong kabayuhin yon no? kaso lang bigla itong mag-iiba ng anyo sa first date niyo... nagiging kabayo ang mga paa at humahaba ang kaisa-isang sungay sa nuo sabay nag-iiba ang kulay foundation at make-up neto. tapos papatayin niya ang ka-eyebol pag di niya trip. kaya payo ko sa may mga katx na kapre, babae man o lalake, iwasan magsinungaling sa edad, kulay ng kutis, height at anyo.... kapag ti-next ka ng “hu u?” at sinagot mo ito ng “34 hunk tall dark pogi” tulad ko, dapat totoo yun. natawa ako lalo kasi sinisipa niya ang kanyang mga biktima at karamihan ay sumasablay sa poste ng kuryente. “tall dark pogi daw?, neknek mo! ito sa ‘yo!”, sabay flying kick. patay kang bata ka.

nung si pedro na ang nakipag-eyebol. buti na lang dumating ang mga katropang engkantao sakay sa pickup. salamat buo na uli ang grupo. si idol sexy lady alng ang hindi sumakay sa pickup. malamang di magkasya ang kanyang mga pakpak o di kaya takot siya dakmain ng iba pang mga engkantao. paubos na ang powers ni pedro nung dumating sila, marahil trapik sa edsa o sa taft. nanghihina na si pedro... bumaba sa pickup ang mga bida. unang umatake si idol sexy. hala sige nagsabunutan sila ng buhok sa ere ng babaeng kapre. bigla siyang tinulak ng napakalakas, tumama siya sa pader at bumagsak sa lupa si sexy. gumulong. nasira ang poise. nabali ang kuko. sunod, pinalipad ni lalake ang bakal at tinamaan ang anggitay. walng nangyari. kasunod, gumawa ng bolang tubig si palikpik man... pinalipad ito sa ere sabay pinakulo ito ni wonderboy apoy tapos ibinuhos nila ito sa flying kapre. di ko napansin si mahiyain girl. baka nandun lang siya di ko lang nakita.... bagsak sa lupa ang babaeng kapre. sugat-sugat at puno ng paso ang katawan. nagwagi ang mga bida natin.

ganun lang ka simple ang estrorya. nasayang ang isang oras kong tulog. mabuhay kayong mga producers at mga manunulat. sana marami pa kayong projects tulad nito para sulit naman ang bayad namin sa TFC subscription. Leche!!!









Elesi Dos (another true story) - 7/'07


...sa pagpapatuloy ng ating kwento:

hindi ko na inaakala na may karugtong pa pala ang kwentong ito. sa wakas natuloy din ang aking munting pangarap. di ko na kinailangan pang sumulat kay santa claus...

linggo ng hapon na nang bigla akong sinabihan ng bisor ko na lumipad papuntang dammam. matutuloy daw ang survey kinabukasan. kumpleto na ang access permits. gusto ko sang umayaw pero ang umaayaw daw ay hindi nagwawagi.alas nuebe na ng gabi ako dumating sa dammam lulan ng eroplanong tanging guava juice lang ang pinainom sa akin. sinundo ako ng kasamahan ko sa airport, deretso sa hotel, pantasya, ligo, pantasya... tulog.

alas tres pa lang ng madaling araw nung tumunog ang alarm ko sa celphone. akala ko manok, hahabulin ko sana. nakatulugan ko pala ang palabas sa national geographic tungkol sa buwaya at mga wild ducks na hinahabol nila para tsibugin. inaatok pa ako pero sabi ko, this is it! ito na ang katuparan ng aking pangarap maliban sa pangarap kong makita sa personal si invisible man. dapat umalis kami ng maaga. kelangan pa kasi namin sunduin ang dalawa pang pinoy na sasabay sa amin papuntang airstrip. gaya ng napagusapan, dapat nandun na kami alas syete ng umaga.

malayo sa dammam ang airstrip. mahapdi ang mata ko dahil sa kulang sa tulog. tahimik ang lahat kotse. walang imikan. ang tanging naririnig ko ay mga labsungs na pinapatugtog ng kasama kong nagmamaneho. lalo ako inantok pero dahil sa excitement at dalawang tasa ng kape, di rin ako nakatulog.

dumating kami dun wala pang alas-syete. maliwag ang sikat ng haring araw. inantay pa namin ang dalawang arabong kasabay namin papuntang off-shore sites. antay...antay.. antay. at last dumating din sila kay deretso kami agad sa sikyo, pa-check ng access permits at dumaan sa scanning machine. hindi ako tumunog...

confirmed nga na alas otso ang unang flight namin sabi ni kabayan na flight dispatcher. bale tatlong trips yun sa isang araw. beginner's luck ika nga. kinilo kami uling lahat isa-isa, pati ang mga bagahe na dala namin. ok naman daw sabi ni kabayan, kelangan lang mag-jogging at konting iwas sa kabsa para bumaba ang timbang ko. binigyan kami ng earplugs na parang dalawang dilaw na marshmallows sa tingin ko. sinaksak ko na sa tenga ko ito nung tinawag na kami para sumakay sa helicopter.

pinoy din ang ground controller na nag-guide sa amin pasakay sa helicopter. headphone na malaki ang suot niya, kami parang dalawang eraser lang. lugi yata kami pero ok lang kasi libre naman ang pamasahe. para kaming mga langgam na sumunod sa kanya. tulak-tulak niya ang trolley kung saan niya inilagay ang mga bagahe ng mga pasahero. maraming helicopter ang nakaparada sa airstrip, yung iba umaandar na, may parating at may paalis din. ang ingay, sobra. para kaming mga pipi at binging nagsesenyasan. may mga ibang pasahero rin kaming kasabay, gusto ko sanang makipagkilala kaso nakalimutan ko na paano i-spell ang panagalan ko sa sign language... hindi muna kami pinasakay. may inaayos pa ang isa pang kabayan sa tuktok ng helicopter pero nasa loob na ang dalawang piloto. maya-maya bumaba ni si kabayan naglakad papunta sa aming grupo. bitbit niya ang kanyang basag na salamin at pinakita niya kay ground controller. nagsenyasan sila. ang pagkakaintindi ko ay: "pare nahulog ko ang aking salamin habang gumagawa ako sa taas". sagot ng isa, "tatanga-tanga ka kasi..."

pina-andar na ng piloto ang elesi. unti-unti itong umikot ng pabilis ng pabilis. para bang nirerebolusyon niya ito para uminit. nag-aprub sign din kaagad si kap kaya dumiretso na kami helicopter. filing ko mga 6'9" ako kaya yumuko ako para di tamaan ng elesi. kumuha kami ng sariling life-jacket isa-isa, isusuot pala talaga yun sa kabuuhan ng flight, akala ko kung emergency lang... badtrip ako kasi dun ako nakapwesto na nakatalikod sa piloto. nakaharap ako sa likuran at kaharap ko rin ang isang nilalang na hindi ko kakilala. nainis ako. unang sakay ko pero para akong pasahero ng jip sa likod ng drayber! yung tipong taga-abot ka ng pamasahe at panukli, at halos lahat ng pasahero ay nakatingin sa iyo at nakangiti. katabi mo kasi ang karatula na "Full to stop!" o yung poster ng unggoy na "Bawal sumimangot."

sinarado na ni kabayan ang pinto. nagsisiksikan kami sa loob. magkaharap kasi ang dalawang upuan kaya nagbabanggaan ang tuhod namin. B212 ang kalse ng helicopter na nasakyan namin. suot pa rin ng lahat ang dalawang dilaw na earplugs. maingay pa rin pala kahit sa loob...this is really it!!!

unti-unting umangat ang helicopter sa lupa... kaharap ko pa rin ang nilalang na hindi ko kakilala. naka rayban aviator shades siya. di ko alam kung anong lahi pero kitang-kita ko pa rin yung dalawang dilaw na marshmallows na naka-usli sa tenga niya... lahat sila ganun pati ako. tingin ko tuloy mga frankenstein monsters ang mga kasabay ko. lalabas sana ako kaso huli na, lumilipad na kami.

maingay sa loob ng helicopter. mainit. tahimik ang lahat. yung iba, tulog. ako lang ang hindi mapakali. gusto ko kasi lumingon paharap para feel ko ang byahe. kaso naka-seat belt ako. masikip. lalo akong pinag-pawisan. wew!!! hindi naman pala nakakatakot sumakay, enjoy nga ako kasi parang nasa ferris wheel ka lang. gustong gusto yung feeling habang naka-steady siya at biglang iikot ang pwet... sarap. nka limang trips kami sa maghapon kasama  refuelling at mga stop-overs sa mga off-shore platforms. malungkot ang buhay dun. may mga pinoy din na nagtratrabho dun puro naka helmet. para ka kasing nasa barko o di kaya nasa isang isla sa gitna ng karagatan. masyadong hazardous ang pamumuhay. isang mali mo lang sa mga hagdan, deretso tubig na. buti kung hanggang tuhod lang.

hindi na ako umupo sa likod ng piloto sa iba pang mga flights. nauuna lagi akong pumwestong nakaharap. mas enjoy. mas ramdam mo kung mag-aacelerate ang chopper o di kaya pag nag-hoover siya at paikot-ikot ang pwet bago lumipad o mag-landing. gustong-gusto ko yung byahe pauwi sa mainland ng kaharian. kitang-kita mo kasi yung stretch ng view habang pabalik kayo mula dagat papunta sa lupa. para kang nanonood ng intro sa isang bigating pelikula. siyempre ikaw ang bida. ibang klase ang experience na yun. sarap... sana maulit muli.

Elesi (a true story) - 7/'07


grabe na ‘to! walng tigil na ang lamierda ko sa kaharian. kagagaling ko na naman ng dammam at jubail. pupunta sana kami sa dalawang off-shore platforms ng aramco at magusurvey. pero sa kabutihang palad at sa letcheng sandstorm, hindi kami natuloy. muntik na sana ako mag-ala ben afleck sa “aramjedon”. minsan lang mangyari sa buhay ko yun na pornada pa?! letche nga...

lunes. maaga pa kaming umalis sa dammam. alas singko pa lang nasa kalsada na kami at binabaybay ang daan papuntang aramco airstrip sa tanajib. kulang-kulang 400kms din yun mula dammam. dapat kasi alas otso nandun na. tamang-tama lang ang dating namin, medyo hilo at bangag sa kape. mahigpit ang security sa aramco. lahat dapat maayos, lahat dapat may access pass. kulang na lang kahit pag-utot mo ay ipapaalam mo pa sa mga sikyo. umutot ka man, depende pa siguro sa unang-amoy bago ka payagang ipagpatuloy mo pang itodo at ilabas lahat. magulo sa loob ng terminal. lahat yata nagmamadaling sumakay sa kani-kanilang flight. kami cool lang, may reservations naman daw sabi ng aramco coordinator na kasama namin. at alam nyo ba kung ano ang sinasakyan papunta sa mga off-shore sites nila? korek... helicopter!!!

pasado alas-nuebe. nyeta, namamanhid na ang tumbong ko pero hindi pa rin kami tinatawag. nga pala, puro pinoy ang crew ground crew nila. pinoy ang mga nag-aasikaso ng mga nag-checheck-in pati sa mga flight schedules. pinoy talaga oo, astig!!! sa madaling salita hindi kami pinayagang makasakay sa helicopter. kelangan daw pala kumuha muna kami ng “helicopter safety course”. hindi pala basta pinapayagang sumakay kung wala iyon. wala kaming magawa kundi sumunod sa patakaran. isang saudi ang kasama ko maliban sa tatlong pinoy sa grupo. pasado alas-diyes na kami pinasok sa isang silid na may malaking white-board sa harapan. maya-maya dumating si kapitan. malaking tao siya, matangkad, kalbo pero mahaba ang balbas. saudi. para siyang berdugo. di ko maiisip pano siya magkakasya sa helicopter. ipinasok din sa kwarto ang limang bengali kaya medyo nag-amoy lumang taxi na ang classroom. magaling si kapitan. very fluent ang english niya. baka nag-aral pa yun sa tate o di kaya nakapag lips-to-lips sa mga kano.

inumpisahan ni kap ang klase sa pagpapaliwanag sa mga klase ng choppers na meron sila: A019, B212 at ang B214. pilit niyang ginuhit ang tatlo sa whiteboard. di ko mawari kung mga tadpole o mga etits na may elesi ang dinrowing niya. cute. sabi niya ang A019 daw ang maliit nilang chopper, 6-sitter lang yun. di ko naitanong kung kasama piloto, next time na lang. Yung B212 at B214 naman ay magkaparehas lang ang capacity: 13-sitter. nagkatalo lang sa seat arrangement; yung isa parang jip yung isa naman parang FX. di ko matandaan alin ang alin?! basta pareho silang nakaktakot sakyan. pagkatapos nun itinuro na ni kap ang mga ibat-ibang parte ng helicopter. inantok ako. ang natandaan ko lang ay ang mga payo niya kung ano ang gagawin kapag may emergency. dun nawala ang antok ko at napalitan ng kaba. tama ba naman yan? eh hindi pa nga nakakalipad, tinuturuan ka na paano tumalon sa bintana. ganun pala yun. kapag kunwari tinamaan ng ligaw na kwitis ang piloto at napilitan kayong mag emergency landing sa tubig, sa bintana kayo lahat dadaan! may mga red marks sa gilid ng bintana kung saan mo itutulak para matanggal ito. bakit nga ba hindi sa pinto dadaan? para namang napakawalang modo mo kung sa bintana ka dadaan diba? inisip ko na lang na baka malas yun sa fung sui kapag pinto ang ginamit mo. pero may scientific explanation pala yun. automatic kasing lolobo yung mga floats na nakakabit malapit sa pinto. yun ang magpapalitaw sa helicopter sa tubig. kapag binuksan mo ang pinto, baka mapunit yung floats, sisingaw. aaaaahhhh.... galing mo kap!!!

pagkatapos ng maikling kuro-kuro sa classroon., tinuruan na kami ni kap paano mag check-in at sumakay sa helicopter. kinikilo pala hindi lang luggage kundi pati ang bawat taong sasakay. ang limit sa luggage ay 9kg bawat tao. buti walang weight limit sa tao mismo, baka di ako payagang makasakay. binigyan kami ng pantakip sa tenga. dalawang rubber na parang takip sa wine. di ko na narinig ang paliwanag niya kung bakit. pagkatapos dinala kami ni kap sa airfield mismo... dapat daw single line lang at sumunod sa ground controller. naalala ko tuloy ang titser ko sa gradeschool.

“OK class, form a circle.... make it straight!!!!”. kaya sige para kaming mga langgam na nakapila sa pwet ni kap. malayo pa lang nakita ko na ang pitong helicopter nakaparada. feeling ko talaga ako si ben... gusto ko sanang maglakad ng slowmo at kumanta ng ”i’m leaving on a jetplane....” kaso napakainit ng sikat ng araw kaya nasira ang pantasya ko. sabi ni kap, sa gilid lang talaga ang daan papunta sa pinto ng chopper. bawal dumaan sa harap o sa likuran at baka matamaan ka ng elesi. bawal din dumaan sa ilalim ng buntot. pitong taon ka daw mamalasin at tanging sabaw lang daw ng pinakuluang butiki na may dalawang buntot ang makakatanggal sa sumpa. di niya na itinuro kung paano pulutin ang ilong kung sakaling mataaam at matanggal. habang nakapila, hindi mo rin pala pwedeng habulin ang ano mang bagay na dala mo at inilipad ng hangin, maging pustiso mo man yun. kung may dala kayong mahabang bagay gaya ng sibat o pamitas ng santol, hindi rin maaring bitbitin ng nakatayo. baka tumama sa elesi at isa pa malas din yun sa fung sui. bago makasakay sa helicopter, magbibigay muna ng ”thumb’s up” sign ang ground controller sa piloto at hanggat di ito na rereply ng ”thumb’s up” din, di pa kayong maaring sumakay sa helicopter.

dumating kami sa helicopter. tinuro ni kap paano buksan at sarhan ang mga pinto neto. tinuro nya rin ang lagayan ng mga bagahe. nasa buntot mismo pala kaya bilang lang ang pinapayagang timbang. tinawag niya ng isang bengali na siyempre naka-todo pormal attire; naka pink na longsleeves at dark brown pants. binigyan niya ito ng lifejacket at pinasuot sa kanya. mistulang model si mokong. feel-na-feel niya ang role. kulang na magpapa-photo shoot na nakasandal sa helicopter at ipapadala sa mga kamag-anak niya sa bangladesh....

malamang may dedication yun sa likod ang litrato, PS:”...look at my bird.” sa isip-isp ko... kap dalian mo... mainit at nalulusaw na ako!!!

tapusin na natin ang kahibangang ito....

ang saya siguro kung natuloy kami. minsan lang mangyari sa buhay mo yun na makasakay sa helicopter naudlot pa ng sandstorm... letche!







All Filipinos are STUPID!!! - 6/'07


kagagaling ko lang ng survey sa shaybah sa eastern region. ”city of the golden sand” daw yun ayon sa nabasa kong billboard dun sa airport nila. aramco teritory yun at sila lang ang may private airport dun. kaya lumipad muna ako mula riyadh papuntang dammam at sa aramco terminal kami nagkitakita ng mga ibang members ng survey team. mula dammam sumakay kami ng aramco private plane papuntang shaybah. pero hindi yun ang kwento ko.

nung nasa riyadh airport pa lang ako at naghihintay ng flight papuntang dammam, isang matandang lokal ang lumapit sa akin. puti na ang kanyang buhok pati ang balbas niya, may bitbit siyang attache case. di ko marinig ang sinasabi niya kaya dali-dali kong tinanggal ang earphones ng mp3 player ko. sayang, malapit na sana sa chorus ang kanta ng aegis na pinagtritripan ko. gigiling na sana ako kaso hindi natuloy. tulo-laway na naman sana ang mga bading na nakaupo sa gate 38 at iipitan ako ng tig 1 riyal sa garter ng brief ko. pero hindi pa rin yan ang kwento ko.

lumapit siya sa akin, akala ko mag-aalok ng binebentang encyclopedia... “can you read the gate number please. i cant see, i’m just guessing...” inabot niya sa akin ang kanyang boarding pass. sinabi ko na tama siya, gate 38 nga ang nakalagay sabay tanong, “if u dont mind me asking, how old are you sir?”. medyo simpleng english lang muna ang binitawan ko. simple subject at simple predicate lng. baka kasi magulo ang utak ni tatang. “i forgot.”, sabi niya. aba... marunong ‘to sa isip-isip ko. kaya itinaas ko na yung level ng spoken english ko. ”where do you work?”, tanong niya. sinabi ko nga yung work ko dito sa riyadh. ”are you from dammam sir? how’s the weather there these past few days? did it rain?”. ayun, compound sentences na ang mga binabato ko. di naman daw rainy season at di rin dumaan ang first-ever saudi storm sa dammam. tapos sinabi niya na di naman daw gaya ng weather sa pinas na maulan lagi. nagulat ako kasi alam niya. bakit??? “are you filipino?” tinanong niya ako. nagduda siguro sa mala-F4 at korean features ko. parang gusto kong kumanta at sumayaw sa harap niya tuloy ng “bebot...bebot....be-bebot bebot be... filipino! filipino! filipino!” kaso OA na yun. kinuwento niya na pumupunta daw sa sa pinas to recruit labor para sa construction at sa power plants. kaya tinanong ko kung ano ang masasabi niya sa mga filipino worker. “not so bad” naman daw.

ang sumunod na mga katagang binitawan niya ang sapul na tumama sa akin hanggang sa ngayon. “all filipinos are stupid.” di ko talaga inexpect na sabihin niya iyun. akala ko pa ay pupurihin niya ang kakayahan nating mga pinoy, pero kabaliktaran ang nangyari. natulala ako at natameme. ”why do you say so, sir?” tanong ko. sabi niya, ”look, you are all healthy, hard-working, well-educated but you don’t think as a country, as filipinos.” mabuti pa daw ang thailand at ang korea. “see the presidents you elected from marcos til now.” pati si imelda kilala niya. grabe! gusto ko sanang aminin na lang na ako si jerry yan ng F4 pero huli na. masakit sa akin pakinggan habang nilalait niya ang mahal kong pilipinas, pero oo tama nga siya. bobo tayong mga pinoy. tanga tayo pagdating sa pagpili ng mga namumuno sa ating bansa. kelan kaya tayo matututo? di ako nakasagot... biglang umalis si tatang pero in-shock pa rin ako. wake up call yun para sa akin... nakinig na lang ako sa mga kanta ng yano pag-alis niya. “kumusta na? ayos pa ba? ang buhay natin, kaya pa ba? eh kung hindi, paano na? ewan mo ba. bahala na.”

tama si tatang... ang tatanga nga nating mga pinoy. ewan ko, hinahanap ko rin ang kasagutan kung bakit di tayo nagkakaisa. kung bakit hindi na tayo umaangat kahit sa asia man lang. sa ngayon, nauuna na ang vietnam at thailand sa atin. hanggang ngayon, mga basura pa rin ang nilalagay natin sa pwesto. kakatapos lang ng eleksyon. ganun pa rin ang siste. palakasan pa rin yan ng utot sa session hall ng kongreso at senado. akala ko nga intelligent voters na tayo pero hindi pa rin pala. bakit nga ba tayo nagkaganito?siguro dala na rin sa geography natin. pano mo nga ba mapag-isa ang 7,100 ka isla kahit low tide? magaling lang tayo sa regionalismo. kahit dito sa saudi watak-watak, kanya-kanya at inggitan. kesyo mayayabang ang mga kapampangan at mga illongo, mga baduy ang mga bisaya, kuripot ang ilokano at kung ano-ano pa. nakakabanas na rin minsan.

pinilit ko na lang na kalimutan ang mga sinabi ni tatang at sumakay na lang ng eroplano. nakapila na ako sa aisle ng bigla kong nakita uli si tatang. tinawag niya ako, inabot ang kanyang boarding pass at sabay tanong, ”what’s my seat number?”. pinigilan ko na lang ang aking sarili. gusto ko sanang sumagot ng... ”42B, tanga!”.

Walang Kapalit... (ever) - 6/'07

magulo ang utak ko ngayon. sabay-sabay dumating ang mga problema ko: repair ng bulok na sasakyang nabili ko, ang pagpapa-ayos ng kubo ko sa pinas at higit sa lahat may sakit ang nanay at kelangan maoperahan sa lalong madaling panahon. khit isa lang dun sa tatlo, solb ka na. pano pa kung tatlo? bangag na nga yata ako ngayon. minsan nakatitig sa monitor ng desktop ko sa opisina na tila nakatira ng katol at acetone. kung sa bisaya pa --- nalibog ako! pesting yawa oo! ambot kung maano na lang ako sini?!

ok lang yung sasakyan at bahay, maraming spare parts at materials na mabibili sa hardware pero si mader... walang kapalit yun. daig pa sina piolo at claudine ang luv story namin. ay ang nanay ko... matanda na siya at sa pagkaka-alam ko kalahati ng panahon niya dito sa mundo ay nilaan niya sa pagpapalaki sa aming makakapatid ng maayos. nung mawala na ang tatay, siya na mag-isang nagtaguyod sa pagpapalaki sa amin... matagal na yun. trese anyos pa lang ako, kalbo at walang kamuwang-muwang sa makamundong pagnanasa hahahaha. kung si willie siguro ang kausap ko ngayon, cgurado may dagdag na akong 500 pesos o di kaya nakapila na ang mga tfc screwdrivers para mag-abot ng donasyon. oh ano ito? parang may naririnig pa akong sumisigaw ang audience ng wowowee! wowowee! wowowee!!!... la na, bangag na nga yata ako. mmmm... paalog nga luningning.

ang mahal kong ina. wala naman akong hinangad kundi ang mapasaya siya. di biro magpalaki ng mga anak mag-isa, alam ko yun. nakita ko mismo. pero siya, kinaya niyang mapatapos kaming lahat pati sa kolehiyo. kinaya niya ang lahat para lang lumaki kami ng maayos at nasa tamang landas. obvious naman di ba? hahahaha... paano na kung mawala siya? wala ng magsasabing, “anak ang gwapo-gwapo mo. habang lumalaki ka, lalo kang gumagwapo...” kaya lang naisip ko rin na habang lumalaki pala ako, lumalabo naman ang mata niya. o baka naman totoo talaga kasi di naman marunong magsinungaling yun eh. hayaan na lang, basta ang punto dun ay mahal na mahal ako ng aking nanay. kaya eto, ginagawa ko ang lahat para mapasaya siya. magantihan ko man lang ang lahat ng paghihirap niya para sa amin. ayos na yun sa akin. dun ko lang masusukat ang aking tagumpay kung matupad ko yun. simple lang naman ang bisyo ng nanay. mababaw ang kaligayahan. sa ngayon, nawiwili lang siya sa kaka-alaga sa mga apo niya o di kaya kung may nasasalat na chinese karakter o 3 balls masaya na yun... pong!!!

ang buhay nga naman ano? minsan nakakaligtaan natin ang mga taong naging dahilan kung bakit tayo naririto sa kinalalagyan natin. ako guilty ako niyan. matagal ko na ring di nakikita ang nanay ko. nakakausap ko palagi sa telepono at sa awa ng diyos ay nakakapadala naman ako sa kanila buwan-buwan. pero hindi pala sapat yun, sabi ng kaibigan ko. sana nandoon ako sa araw ng opersayon, gaya ng pagbantay niya rin sa akin sa opspital dati ng tinuli ako at nung kinuha ang aking apendix nang hindi ko namamalayan kasi tulog ako. nagising na lang akong kalbo na naman! pero masaya pa rin kasi nasa tabi ko ang nanay. tiniis ko na lang tingnan ang matandang lalaki sa kabilang kama sa loob ng ward. nakabitin ang paa niya at may nakatuhog na bakal sa tuhod. ok lang katabi ko ang nanay, matapang ako!!!

(*PAUSE: Namimigay nga bagong camera sa Tools & Support group... kunin ko muna yung sa akin. Wow Nikon Coolpix S8! galing... 7.1 megapixels at rechargeable. hmmmm yabang ni toto!!!... mapapalitan na yung lumang camerang inissue sa akin, alhamdulah!)

Timing din ang kamerang ‘to sa sinusulat ko ah... ang luma kong kamera, sa wakas pinalitan din. di na ako magbibitbit ng napakamaraming baterya sa airport at mapagkakamalang terorista. mukha na akong turista ngayon... eat this, you fuckin’ saudi airport police!!!

Ang camera, busina at gulong ng sasakyan, bintana at door knob ng bahay pwedeng palitan kahit anong oras... pero ang nanay hindi. tapos na ang mother’s day pero sana araw-araw dapat kaarawan ng mga ilaw ng tahanan. ang mga nanay ang tunay na mga bayani sa ating buhay. ikaw, kelan mo ba huling nasabi sa nanay mo na mahal mo siya?

PS

Sa mga kaibigan ko, maliban sa manalo sana kayo sa lotto at maayos na ang luvlife nina ruffa at kris, ipagdasal niyo rin ang mahal kong ina. Salamat po.

Tirahan sa Esteraha - 5/'07


--------------------------------------------------------------------------------------------------------

FW: Esterahah Gathering (???? ???????)

Gents,

Planning for RF Design department gathering in Estrahah next Sunday 6th of May, Football & denier will be the main activities. Please confirm the timing is OK for you or not.

Br/saad

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

ito ang memo-email na pinamudmod sa opisina noong isang linggo. kaya kahit tinatamad ako nung gabing yun, pinilit ko ang sarili na pumunta sa pagtitipon kahit na alam kong mabuburat lang ako gaya ng mga nagdaang “team-building kuno” activities. kung hindi lang sa “denier” na nakasulat sa memo, hindi na sana ako tutuloy. kaso nakapagbayad na ako ng SR50 at ayokong gumastos sa pagkain na hindi ko man lang na-amoy. kaya go ako in my complete sportswear attire. akala mo kung sinong world-class athlete ang aking porma. lamon lang pala ang sadya. ayoko naman kasing gayahin ang kaopisina kong pakistani na kahit pa naglalaro ng futbol ay naka longsleeves checkered polo-shirt, bitin na formal slacks at naka balat na sapatos. kung hindi pa ilalapag ang dala-dalang attache case sa lupa ay mapagkakamalan mong embalsamador.

pasado alas-nuebe na ako nakarating sa resort. nagkaligaw-ligaw pa kasi ako sa kakabasa ng arabic na mapang ibinigay sa akin. bwisit! gutom na ako! buti na lang tamang-tama ang dating ko para sa “denier” na alas-diyes. putcha, bakit ba naman kasi ganun ang oras ng lamon dito. eh sa pinas sa ganung oras, pulutan na ang tinitira ko. ang problema di pa pala dumating yung caterer. napilitan tuloy akong maglaro ng futbol kasama ng mga arabo. sus ginoo! lalo akong napagod at nagutom sa kakatakbo at kakahabol ng bolang ayaw naman sa akin. matagal na rin kasi akong hindi naglalaro. grade school pa yata ang huli kong sipa ng bola. sa PE class namin - kung saan binagsak ako ng titser kahit naka-goal ako ng dalawang beses sa final game. wala kasi akong dalang uniform palagi. kung nakita nya lang ang sportswear ko nang gabing yun, malamang magsisisi siya kung bakit nya ako binagsak dati.

“yala... take him... take him!!!” sigaw ng mga ka-teammates ko habang umaatake sa goal ang aming mga kalaban. gusto ko tirahin sa tuhod o di kaya sipain sa bayag ang mga kinaiinisan ko sa opisina. ok lang yun... di naman sinasadya eh, sabay sorry. “malesh sadik” na lang sana. napagod at labas-dila na ako sa gitna ng field kahit wala pa ang half-time. nagmukha lang akong si superman na nakapamewang at naglalakad pabalik-balik sa gitna ng field. paminsan-minsan nililingon ko yung gate at baka dumating na yung “denier” namin. at last dumating din ang mga tagaluto pero hilaw pa ang dala-dalang barbeque at kebab. bwisit! sa puntong yun, napagod na rin ang lahat kung kaya nagsi-upuan na lang kami sa nakalatag na magic carpet at nagtiyaga na lang sa tubig at prutas. kumain ako ng saging... naalala ko kasi sina maria sharapova at anna kournikova na laging kumakain ng saging sa kalagitnaan ng kanilang tennis matches. potassium loading daw yun --- pang-alis ng pagod. minsan iniisip ko... sana ako na lang yung saging.

sa awa ng diyos, naluto din sa wakas ang barbeque at kebab. gusto kong sumigaw ng “yala... lamon!!!” pero wala ring makakaintindi sa mga kasamahan ko. ako lang ang pinoy sa pagtitipong yun. grabe, ang sarap ng pagkain... tender... juicy... meaty. swerte lang at katabi ko yung indiyanong hindi kumakain ng baka. isa siyang hindu at dun ko nalaman na sagrado pala sa kanila ang baka. anak ng baka oo... meron palang ganun?! hindi ko tuloy lubos maisip kung paano ako luluhod sa harap ng baka, magpapasalamat sa mga biyayang natanggap, humingi ng kapatawaran, at mataimtim na manalangin na sana magkaroon na ng kulay ang luvlife ni vina morales. pero ayos na rin kasi binigay niya sa akin ang parte niya. nagtiyaga na lang si mokong sa vegetable salad at sa kung ano-ano pang dahong inihanda. siya tuloy ang nagmukhang baka. mooooooooooooo!!!

ok na rin na may ganyang pautot sa opisina namin. gagawin na daw regular yun kada buwan. tuluyan na talaga akong magiging mr. friendship neto. enjoy rin naman kasama ang mga arabo eh. napaka-masayahin nila. tawa lang ng tawa ang mga yun. nakikitawa na rin ako kahit kadalasan wala akong naiintindihan sa mga pinagsasabi nila.

Star stuck!!! - 5/'07

naranasan nyo na bang mabalahaw sa gitna ng desyerto? malamang alam nyo na ang sagot ko dyan. oo. matagal-tagal na rin nangyari yun, naalala ko lang... ang talino kasi ng kasama kong indiyanong kaopisina ko. pinilit na may daan daw dun papuntang aramco site kung saan kami mag-susurvey. sa isip-isip ko, siya na ang bahala kasi mas kabisado nya yung lugar dun. pero ayun sa kabutihang palad na balahaw nga kami. nag-alala at binalikan pa kami ng mga kasama namin pero talagang kahit anong diskarteng henyo pa ang gawin nila, hindi nila kami naiahon sa buhangin. kung hindi pa dumaan ang magiting na militar na may 4x4 na jeep, malamang hanggang ngayon nasa desyerto pa kami at pinagpipyestahan ng mga vultures.


naalala ko lang... para kasing ganyan ang nararamdaman ko sa kasalukuyan. ewan ko ba?! gusto kong umabante pero di ko na yata alam kung saan patungo. mahigit dalawang taon na rin ako dito sa kaharian. kung tutuusin, isang taon lang talaga ang kontrata ko. ok naman ang trabaho at pasahod at parang trip din naman ng kompanya at ng cliente namin ang kasipsipagan ko. alam ko na rin ang pasikut-sikot sa trabaho at kung paano sakyan ang mga pa-utot ng mga arabong mahilig magpasikat sa kapwa arabo. gusto kong maniwala na magaling ako, di hamak. kaya nga ayaw akong pakawalan ng supervisor ko kasi wala na syang taga-gawa ng mga utos ng management. kaya lang napapansin ko na palaging nawawala ang pangalan ko tuwing ipapasa na yung report. ok lang yun, sawa na rin ako sa limelight. isa pa nakaka-adik din yan kasikatan, nakakalaki ng ulo. tama na sa akin ang nasa likod ako ng kamera... mas kuntento ako sa ganun.


napanood ko kaninang umaga ang history ng paborito kong palabas sa tv, ang “FRIENDS”. sampung taon din silang namayagpag sa telebisyon at naghari sa takilya. di na mapigil ang kanilang kasikatan hanggang sa dumating sa punto na kumikita na ang bawat isa ng $1M per episode. grabe ano? kung may 13 episodes sa isang season, eh di... basta malaki yun! sampung taon silang kinagiliwan ng mundo kung kayat pagkatapos nagsara ang show noong 2004, tila biglang nawalan ng direksyon ang bawat isa sa kanila. tulad na lang ni jeniffer aniston na forever na lang mababansagang rachel o di kaya ex-mrs. pitt. pinilit din ng bawat isa na ilayo ang mga sarili mula sa mga karakter sa nasabing show, pero nahirapan sila at hirap din ang mga tagahanga nila na tanggapin ito.


tulad din nina clark at lana. nasanay na rin siguro si lana na nandyan palagi si clark to the rescue pero nung dumating ang punto na si clark na mismo ang dahilan ng pasakit niya, minabuti na lang nitong lumayo sa dakilang tagapagligtas. nauunawaan naman ni clark yun eh kaso sobrang nasanay lang siya kaya masyado niyang dinamdam and desisyon ng dalaga... pero gaya ng kahit ano pa mang bagay at pangyayari sa mundo, mawawala rin yun pagdating ng panahon. (aiza, ready... sing!)



mahirap nga ang masanay... parang kape, sigarilyo at pag-ebak sa umaga. kung bigla mong titigilan parang ang laking bahagi ng pagkatao mo ang mawawala at oo, parang natatae ka pa rin maghapon. mahirap at masakit kapag biglaan, talagang mahirap. mahirap rin pilitin at baka dumugo. may widrawal symptoms pa. mga maliliit na bagay lang yan kung tutuusin, pano pa kaya kung masanay ka sa isang tao? sa isang kaibigan? sa minahal mo? mas mahirap yun di ba? para ka rin nabalahaw sa gitna ng desyerto at walang signal. may signal man, lobat ka na o di kaya may signal at batteries ka man, wala ka namang load. tsk tsk tsk, kawawa ka naman... mag-unlimitxt ka na kaya?!



ako kaya? saan na naman kaya ako dadalhin ng tadhana? kahit saan pa man, handa na rin akong hamunin ang aking mundo. tuloy pa rin ako... ding, ang bato!

Alohamora!!!

ano ba ang magic? totoo kaya ito?

ayun sa webster dictionary 2007 edition:

Main Entry: 1mag•ic Pronunciation: 'ma-jik Function: noun Etymology: Middle English magique, from Middle French, from Latin magice, from Greek magikE, feminine of magikos Magian, magical, from magos magus, sorcerer, of Iranian origin; akin to Old Persian magus sorcerer 1 a : the use of means (as charms or spells) believed to have supernatural power over natural forces b : magic rites or incantations 2 a : an extraordinary power or influence seemingly from a supernatural source b : something that seems to cast a spell : ENCHANTMENT 3 : the art of producing illusions by sleight of hand


“an extraordinary power or influence seemingly from a supernatural source”. naks! grabeeeeeh... ay gali? ma-o ba? ganun pala un? importante daw kasi ang “magic” sabi ng kaibigan ko. kelangan talagang meron nun kung kasama mo ang isang tao. may rapport, chemistry, vibes at kung ano-ano pang ka-ekekan sa buhay. sabi ko nga napaka vague ng explanation nya. sabagay may mga bagay sa mundo na di kailangan ipaliwanag pa. gaya ng “magic”. kung kaya mo nang ipaliwanag ito, mawawala na ang magic. gulo no?! kaso para sa akin tila overused and abused na rin word na yan. “MAGIC”. syet! kahit sabong panlaba yata meron na nun.... haahahaha not to mention the world-reknowned most-sought-after all-in-one mercury-enriched MAGIC CREAM! may cream ka na, may magic ka pa! puputi kahit singit mo... gaganda, kahit mukhang singit. subukan... mabibili sa mga suking tindahan. gumamit lamang ng orig. mag-ingat sa mga imitations baka tuluyang maging isang ganap na singit...

back to our regular program; pano mo nga ba mararamdaman yung magic? nagugulo pa rin ang utak ko. “i’m flattered!” sabi pa ni roderick paulate dati sa isang tv show. nalito kasi sya noon sa names ng mga guests nya. flattered? ay tanga... flatter lang!

oo nga no? kung sabagay para ka naman talagang lumulutang sa ere gaya ni david copperfield at david blaine kung katabi mo ang iyong pinakamamahal. parang kaya mong tumulay sa alambre, lumamon ng apoy at espada. cool. khit magtitigan lang kayo maghapon ayos na! konting buka-buka lang ng butas ng ilong, taas-baba ng makabilang kilay, beautiful eyes at pabilog-bilog ng nguso maghapon solb na. mas effective kung kaya mong sabay-sabay gawin ang mga ‘to. iwasan lang ilapat ang mga labi at ipikit ang mga mata. baka kasi biglang hugutin ni lalaki ang magic wand nya at tusukin ka. manyari man, umilag na lang ng bahagya para sa singit ka lang tamaan ng magic cream.

nalalabuan pa rin ako... basta daw ”yun na yun”. para kang sisinukin gaya ni claudine... got to believe in magic. oh di ba, title pa lang parang galit na. wala ka ng magagawa kundi lunukin na lang at maniwala. oo na, cge na sya.. sya.. sya. matigil ka lang!


Na-magic ka na ba???

"FOR FRIENDSHIP" - 4/'07


“FOR FRIENDSHIP”. eto ngaun ang usong linya naming magkakaibigan sa opisina. nakuha lang namin sa isang nakaka-praning na pangyayari nung nakaraang linggo. di ko matandaan kng anong araw pero pagkatapos ng trabaho, nagkayayaan kaming tatlong itlog na kumain ng hapunan sa labas. kung kaya’t dumiretso kami sa thahalia street dito sa riyadh kung saan nakapwesto ang maraming kainan at open coffee shops. ito ang pinakatambayan ng mga aswang at di makatulog na mga saudis, ng mga expats na medyo sosyal at ng mga nakukunwaring pasosyal tulad namin. di naman kami madalas tumambay dun. last time kasi kinawayan kami ng mga mutawa habang kami’y lumalamon ng shawarma at sarado na ang lahat ng shops para sa salah (prayer time). “%*^&^*%%^_*^!@$##^%??””!!! muslim salah... salah..” putcha, malay ba namin kung ano ang pinagsisigaw nya sa megaphone.... pumunta kami dun para lumamon, wala ng iba. pero wala rin kaming nagawa kundi ang tumayo na lang at sabay lunok ng di pa masyadong nanguyang manok.

galing opisina hinabol namin na di uli maabutan ng salah para di mabitin ang lamon. binilisan ko ang pagmamaneho at swerte namang nakahanap ng parking kaagad, sabay tanggal seatbelts, labas ng kotse at pindot ng remote auto-lock. tot-tooot!!! kasabay din naming pumarada ang isang bagong-bagong armada na suv. iilang hakbang pa lang kami mula sa kotse ng marining naming bumubusina ang driver ng armada. sabi ng kasama ko, balikan namin daw kasi baka importante o bukas pa yung kotse namin. lumabas ang driver, di ko alam kung anong lahi sya basta arabo siya. bata, malamang nsa 20’s niya. hawak-hawak nya ang kanyang cellphone at biglang tanong, “you have your telephone numbers?”. sagot naman ng kasama ko na,”why???!!!”.... dun na ako napraning sa sagot nyang.... “FOR FRIENDSHIP”. hahahahaha putang inang badung bading! agad na lang sumagot ang kasama ko ng, “NO!” sabay alis kaming dalawa. ganun din, inabutan kami ng salah. bwisit!

“FOR FRIENDSHIP”, “FOR FRIENDSHIP”, “FOR FRIENDSHIP”... sarap ulit-ulitin.

di naman kami kagwapuhan, ma-appeal oo inaamin ko. baka wala naman sigurong malisya yun. baka naman “FOR FRIENDSHIP” lang talaga. hahahahaha... pero hindi eh. marami rin akong nakilalang mga babaeng “FOR FRIENDSHIP” lang daw ang hangad kaso tinikman lang din ako at iniwan. sobrang sakit sa kalooban kapag naaalala ko. yung tipong magigising sa kama na hubo’t-hubad at nakamedyas lang. ang tanging magagawa mo na lang ay umiyak at sumigaw, “ang tanga ko, naisahan na naman akooo huhuhuhuhu”.

Kaya doble ingat kayo sa mga taong Interesred in: Friends. yan ang mga dapat nyong iwasan kapag nag-invite o add ng friends. Putcha, teka lang... mapalitan nga muna ng Interesred in: Just Looking Around yung profile ko... saglit ha.

BABALA: Hindi lahat ng nakasulat at pawang katotohanan... maliban sa “FOR FRIENDSHIP”.

Maarteng survey

^^What if someone (STRANGER) insults you or tells you this...

01. ang arte mo!
:: Exactliiiieeeeee!!!!

02. mas matalino naman ako sayo?
:: Ows??? How there you said that to me?!!! Wears your proop?

03. crush ako ng crush mo?
:: Congrats!

04. ang bobo mo pala sa math!
:: Abah ang bruha... i-divide ko kya ilong mo?!

05 . bilisan mo naman
:: Kadyot lang!

06. ang sungit mo!
:: Roooaaaarrrrr!!!!

07 . gusto mo ng away?
:: Sige bumunot ka na!

08 . takot ka ata sakin eh?
:: Tanga nilalamig lang ako kaya ako nanginginig!

09 . mas mahal niya ko!
:: Magsama kayo!

10 . ang bababa naman ng mga grades mo!
:: Ay, pataasan ba?

^^What if sinabi ito sa'yo ng CRUSH mo?

01. crush kita..
:: Sakay na!

02 . hindi kita mahal.
:: Di na importante yun. Sakay na!

03. mahal na kita.
:: Pasakay...

04 . pakopya naman ng assignment.
:: Kiss muna...

05. crush ko un friend mo.
:: Bading yan!

06. pwedeng patabi sa upuan?
:: Ayaw! Kandong pwede.

07.pwede mo ba akong isayaw?
:: Boom tarat-tarat!

08 . feeling ko may gusto ka sakin.
:: Ano ka?! Nagpabunot kasi ako kaya ako naglalaway...

09. ang cute mong mag-smile.
:: Hihihihihi...

10 . bakit ang bait mo sakin?
:: Malisyosa ka!

^^Eh kapag parents mo nagsabi sa'yo nito?

01 .umuwi ka ng maaga.
:: Indaayyyy!!! Gusto mo ng ice cream?

02 . magaling ka palang sumayaw.
:: Di naman, hobby ko lang yan...

03 . hindi ka na pwedeng pumasok sa klase.
:: YES!!!

04. bawal ka pang mag boyfriend/girlfriend
:: But mommy, nagmamahalan kami ni Rodrigo...

05. mag aral kang mabuti.
:: Hwag na! kokopyahan din lang ako.

^^Eh kapag teacher mo nagsabisa'yo nito?

01 . kailangan kong makausap ang magulang mo.
:: Samahan pa kita!

02 .ang makita kong mangopya mamatay na!
:: OK lang ma'am... isa akong mahiwagang pusa, siyam ang buhay ko... MEEOOOOWWWWW!!!!

January 19, 2008 | Permalink | Comments (0)
Wat if ur EX says...
You have to answer the survey with an honest heart. An honest heart will give you good luck for the entire year. You may imagine of one people or maybe some people not only one. Answer
it, "What if your most recent ex says"

????????????????????

Why did you let me go?
? Baliw! Ambigat mo kasi!

I still love you.
? Kiss my Pwet!!!

When did we last talk?
? We did?!

Will you go out with me?
? Not now! Malamig sa labas!!!

Hey, can i give/ask you for a ride?
? Sure, hop on!

Were you able to move on when I have not?
? Naman!

I cannot keep my promise to you.
? At least we have something in common.

My parents do not like you.
? Siyempre, tao ako.

My friends say we don't look good together.
? Mine too... even my enemies say so.

You have changed.
? Hindi. Ano ka ba? Ako pa rin to. Sandali uupo lang ako.... "Sumakay sa lungkot ng buhay. Harapin ang mundo’t bigyang kulay. Marami nang nangyayari 'pag kasama ka ang buhay natin… parang sine."

See??? Ako 'to! (Piolo Pascual doing the Cinema One jingle)

Can we get back together?
? Di siguro.

Oh, I knew what this is all about. You found someone else.
? Ay, nagets mo din???

Don't you realize? You are the one who hurt me!
? Sya sya ako na...

How can you forget our memories?
? Bwesit! nakalimutan na nga eh binabalik pa!

I will always love you.
? I KNOW.

And I will always wait for you.
? Goodluck!

Hiwalay kung hiwalay!!!... ang puti sa decolor


"Letting go is just another way to say I always love you so…." Akala ko pa naman minsan lang ako magsusulat dito tungkol sa bwisit na pag-ibig na yan! Letche, ngunit eto di ko mawari kung bakit bigla kong naisip gawin to. Sa totoo lang ang dami kong naisip kanina isulat: ang nakakaboryo kong buhay dito sa saudi, ang mga nakakabwisit na "americanize" pinoyz sa wowowee, ang mga bopols kong kasamang borabs sa opisina, ung indianong nagtitinda ng indian mangoes sa Batha at ung mga ibat-ibang taxi drivers na nami-meet ko dito araw2. Not that I am in love at the moment nor something significant happened, pero ewan ko ba… cguro nga tama sila. Love needs no reason nor logic at all, it just flows as my good friend always say. Pero when it comes to loving someone, when do we say that enough is enough? Na tapos na? Tama na! Palitan na! NOW na!!! Kelan nga ba natin masasabi na dapat ng mag hiwalay ng landas o magsulian na ng kandila.. na mas nararapat na gawin yun kesa magsisisi habang buhay. "Honey, im really sory pero kelangan mo nang ibalik ung bra at panty ko." "Heh! Tumigil ka nga Rodrigo!" Masakit man ngunit subalit minsan dapat handa tayong tanggapin ang mga ganitong panyayari. Ano-ano bang mga pangitain sa paghihiwalay ng magsing-irog?

Mga possibleng sinyales:

- may bago ng gustong pugad si lalake; may bago ng gustong bird si babae

- masyadong busy sa trabaho si babae; may tinatrabaho naman si lalake

- "you don’t deserve me" pa epek ni lalake; "matagal na! Punyeta ka!" sagot ni babae

- "I don’t desrve you" pa epek uli ni lalake; "aba syempre, ang talino at ang ganda-ganda ko kaya.. gunggong!" sumbat naman ni babae

- "ako na lang palagi ang mali.." daing ni lalake; "di naman naman sa ganun hon, nasa tama lang kasi ako palagi" sagot ni babae

- "ni minsan wala akong ginawang mali!"pilit ni babae; "akala mo lang wala, pero there is! There is! There is!!!!" the man answers

- "alam mo, kung tayo talaga magkakatuluyan, kahit anong manyari… tayo't tayo pa rin." Pasakalye ni lalake; "Eh ungas ka pala eh, di lang ikaw ang lalake sa mundo no?! kung si papa piols ka baka hahanapin pa kita kahit sang lupalop ng mundo!. Kaso hindi eh! Si budoy kaaa waaaahhhhhh bakit nga ba inibig pa kita hayop ka!!!"

- "di mo na ako naaalala…" reklamo ni babae; "busy ako hon sa opis, napromote ako eh…" sagot ni lalake

- "di ka naman ganyan dati ah, di ba swit ka at malambing nung nanliligaw ka pa lang? Lagi mo pa ako binubuhat at kinakandong" daing ni babae; "hon, si marcos pa presidente noon eh at di pa uso ang viagra"

- "I need space!"pinakamatinding linya ni lalake; "Punyetang space na yan! Ha?! Gusto mong lumipad sa space?! Sige LABA!!!

Tsaka na ung iba, wala na akong maisip… maglalaba pa ako...I need space.

Bad trip!!! - 7/'06


'Tang ina! Bad trip ako ngayon, ang pinaka ayoko sa lahat ay pinapaki-alaman ang buhay ko… masayanhin akong tao, topakin, mahaba ang pasensya pero pagbawat kilos at pag-utot ko ay pupunahin, pakikinggan, aamuyin at babantayan mo, ewan ko lang… baka di kita mtantiya. Diyos mio, pati ba naman mga taong nakakapaligid sa akin ginagambala mo? Sino ka ba at ano ang karapatan mo sa buhay ng may buhay??? Aber???!!! Sumagot ka Diego!!! Hwag ka ng mag maang-maangan pa!!! Sumuko ka na, nandito ang iyong inay!!!... huhuhu Diego anak, parang awa mo na sumuko ka na… alang-alang man lang sa akin…

GGGRRRR… ang sarap mang-away ngayon. Matagal-tagal na rin akong walang inaaway… sino kya pwedeng hamunin mamaya?Parang ayoko na tuloy mamasayal pagkatapos ng trabaho. Miyerkules pa naman… walng pasok bukas sarap gumala sa Batha… sana may makasalubong akong maliit o patpatin lang na Indiano o Pako para mabatukan ko. Ewan ko ba, matagal na rin siguro tong suppressed emotion ko; simply a disaster waiting to happen. Tahimik lang kasi akong nilalang… I'm simply living up the motto me and my good old friends had back in our colleg years  "We don't keep grudges, but thou shall not forget……" Sarap mangaway talaga kaso dapat kasi justified ang revenge ko, parang pelikulang pilipino.

Dapat mapatay muna ng kalaban ang asawa at pamilya ko…habang hawak-hawak ko sila sa aking kandungan iiyak ako ng naaaaapakalakas sabay zoom-out ng camera pataas… mas ok pag umuulan pa aaaaaahhhhhhhhh!!!!! Pag babayran niyo itoooooooooo!!!!!!!!!! di kaya babarilin ang partner kong pulis habang kami nagiinuman sa sari-sari store o beerhaws… o di kaya kikidnapin ang syota ko ng karibal kong kasali pala sa isang sindikato tapos ililigtas namin sila. syempre dapat kasama ko ang mga katropang may bitbit na dos por dos na pamalo…

kahit alin dun sa tatlong sitwasyon sigurado akong sa warehouse din ang tagpuan at ang final encounter ko with the hudlooms… lulusob kami habang sila ay nag-iinuman o naglalaro ng baraha… ung iihi syempre laging unang mapapalo yun sa ulo … den ayun na.. habulan.. iiko-ikot... tatago-tago sa drum.. at barilan to the max na hanggang maubos silang lahat… barartatatatatatatattatattat!!!! and as usual pag patapos na ang laban darating ang mga pulis na may mga taling puting "good morning" towels sa ulo … at habang tinututukan ko na ng baril ang lider ng sindikato… Reyes!!! (dapat kasi last-name basis kasi pulis ako) hwag mong ilagay ang batas sa iyong mga kamay..may..may..maaayyyy… Sasagot naman ako ng… Sarge.. wala na akong tiwala sa sistema ng hustisyaaa yaaa yaaa.. hayaan mo ng ako at si satanas ang huhusga sa demonyong ito..to..to..to… hanggang sa makumbinse nga ako ng sarhento na ibaba na ang bitbit kong baril kasi yan ang nakasulat sa script.

Pero jas wen u thot na tapos na ang lahat… there's that ever-generic twist: (all in slowmo) buhay pala ang ung isang kalaban… unti-unting babangon, aagawin ang baril ng isang ka-foolishan… buti na lang mabilis ang aking reflexes at naka-inom ako ng milo energy drink bago kami lumusob… da-dive ako and take note in slowmo pa rin ha… sabay bagsak, ikot, tumbling at konting facial expression na kunwari galit pero kyut pa rin… then.. BANG!!! Patay kang bata ka…

Hay naku kung di lang krimen ang pumatay, marami-rami na rin ako sigurong naging biktima… tatalunin ko sina ted bundy, jack the ripper, boston strangler, buffalo bill at hannibal lecter…

GRRRR galit pa rin ako… pero ayoko pumatay… ano kaya contact number ng Davao Death Squad???


Success ni Hudas - 7/'06


paano nga ba nasusukat ang tagumpay? paano mo nga ba malalaman na nandoon ka na nga sa rurok ng ng ika-pitong bundok?... sa tugatog na iyong inaasam-asam at wala ka ng hihilingin pa… meron ba talaga noon? marahil karamihan sa atin ang isasagot ay: kapag marami na akong pera! korek kayo dyan, pero bakit nga ba natin pilit na pinaghahambing yung dalawa, pera at tagumpay. kelangan ba talagang maging mega super-duper rich para tawaging isang matagumpay na nilalang? kelangan ba natin ng malapalasyong bahay, magagarang mga sasakyan at mga damit, retokadong ilong dibdib tiyan at pwet, hi-tech cellphones, mag kape sa Starbucks o sa gitna ng Electron Batha dito sa Riyadh (at sasakay lang sa bus pauwi kasi SR2 lang), at magsuot ng bluetooth headphone na parang tangang kinakausap ang sarili upang matawag na isang ganap na "successful individual"??? yeah right!

ngayong araw lang, nasa news na ang second richest man at age 75 nag donate ng 85% ng kanyang yaman kay Bill Gates para sa Gates Foundation para itulong sa mga mahihirap. putcha, biyones yun! gaya din ni Gates na bilyong dolyar pag nag donate sa Africa. kya nga siguro naging people of the year sila ni mrs niya kasama ni Bono ng U2. Siguro wala na talagang magawa sa perang gabundok, kaya pinamudmud na lang. instead na i-invest sa companya nila, pinamigay ang pera. mayaman si fafa… siguro yun ang tagumpay para sa kanila.

marami na akong nasaksihan na mga taong mayayaman nga at matagumpay pero nakikita mo sa kanilang mata ang kalungkutan. sa mga artista lang sa pinas marami ka ng mabibilang di ba? ang Superstar: dating dinudumog, mayaman, ang daming awards, hiwalay… ngayon adik!; ang Star for All Seasons: ka-level ni Superstar, kasing yaman, kasing daming awards, mayor na, hiwalay… nag-asawa ng senador! masaya kaya sya?, ang Diamond Star: ganun din…, ang Mega Star hiniwalayan din… nag-asawa din ng senador, hapi daw???! ang Falling Star: inanakan, naging syota ni tsong, nagka STD, kumapit sa basketbolista kaya ngayon panay palakpak kada shoot!!! Oooohhh… may tama akooohhhh aaaahhhhhhh, isa na lang… pasok ka naaaahhhhh….masaya nga kaya sila? nasa kanila na ang lahat pero ilang beses ko na silang napanood na humahagulgol habang iniinterview.

ngunit bakit ba talaga natin pilit na pinapatay ang ating mga sarili para lang maging mayaman at successful??? importante ba talaga yun? bakit ba pag nagpakilala tayo sa ibang tao, kelangan natin sabihin kung anong trabaho natin? kelangan ba talaga??? "Hi ako si Mokong… Senior engineer ako sa Ek-Ek international, kaw ano work mo"??? Tang na loob, bat ganun?! dahil ba pinalaki tayo sa ganyang mentalidad ng ating mga magulang? possible. "Anak, paglaki mo magiging sundalo ka ha…" "Opo itay. ..Tay, pwede bang magbitbit ng pink na baril na may balang kalachuchi???" naku, patay tayo dyan… "Anak, gayahin mo na lang ung anak ng kapitbahay natin. Kakabalik lang galing Saudi, maraming dalang imported lotion, sabon at magic cream… dati maitim yun, ngayon ang kinis at ang puti ng mukha… ang seksi nang maglakad, kumekembot pa… ano nga bang pangalan nun?"… "Si Rodrigo po inay".

yan na siguro ang pinakamalaking kasalanan natin sa ating mga sarili: ang i-kumpara ang ating mga sarili sa ibang tao. iba ka, iba ako… hindi ko kailangan gayahin o lampasan ang ginagawa mo. may mga bagay na kaya kong gawin din na hindi mo rin kaya. ung basura mo maaring ginto para sa akin. di mo na kelangan ipagyabang kung anong meron ka dahil marami ring tulad mo na tahimik lang sa isang tabi ngunit may tinatagong mas higit pa kesa sa iyo. marami sa atin gusto lang maging pogi sa mata ng iba na kahit pilit ay ginagawa natin para lang punahin at purihin ng ibang tao. defense mechanisn na lng yun para maitago natin ang ating mga insecurities sa buhay. "Man's greatest desire is to be appreciated"sabi nga ni kumpareng Dale. Tama sya dun, yan lang naman siguro ang dahilan kung bakit tayo gustong magtagumpay. ang ibang dahilan, circumstancial na lang yun.

sampung taon na rin akong kumakayod. palipat lipat ng trabaho… sa pinas at sa ibang bansa. sa ngayon maganda naman ang trabaho ko dito sa kaharian. sapat naman ang kinikita ko, nakakaipon nag konti at unti-unti nang nabubuo ang palasyo ko. para sa akin, nagtagumpay na ako. hindi dahil sa saganang natatanggap ko kundi sa tulong at ginhawang naiibahagi ko sa nanay, mga kapatid at mga pamangkin ko. iba ang pakiramdam pag nakakatulong sa iba. bukod sa napasaya mo sila, ma rerealize mo rin kung gaano ka kaswerte sa buhay, na hindi ikaw ang humihingi, na hindi ikaw ang nangangalimos. kahit naman sa pinas lang at kapirangot ung sweldo ko enjoy at fulfilled naman ako dati dun eh. pasyal ng konti, nood ng sine at konting kain sa labas ayos na. pag may konting sobra, abot sa pamilya.

basta ako, secured ako sa kakayahan ko. di ko na kelangan ipagsigwan sa mundo kung sino at ano ako. cool yun!!!… di ba sapat na tagumpay na yun?

My thoughts (survey pa rin!)

1. What is a question that people always ask you?
? "hu u?"

2. What is the 6th text in your inbox?
? super secret yun.

3. What's the last thing you said to someone & to whom?
? "kyut ka talaga!" sa sarili ko.

4. Name something you have to do tomorrow?
? wake up... enshallah!

5. Do any of your friends have children?
? naman.

6. Do you prefer regular or chocolate milk?
? depende sa source

7. Has anyone told you a secret this week?
? nah! maxadong malihim ang mga tao ngayon.

8. When was the last time you had Starbucks?
? matagal na. masarap naman yung kape ng bading na teaboy sa opisina eh

9. Can you whistle?
? only after...

10. Are you currently wanting any piercings or tattoos?
? magpapalaki pa nga ako ng katawan bago magpa-tatoo ng hello kitty. si fullah kaya???

11. Do you get along better with boys or girls?
? kung ma-appeal ka gaya ko, alam mo na sagot ko dyan.

12. what are you listening to right now?
? Nirvana Unplugged

13. What does the song remind you of?
? ang bahay-kubo ng barakada ko kung saan kami naghehead-bang dati.

14. What did you do yesterday?
? isa pang super secret yun!

15. What's bothering you right now?
? nothin'... no point crying over spilled milk.

16. Next vacation you're going on?
? pinas! enshallah next month, yes!!!

17. What did you dream about last night?
? nagshoo-shoot kami ni angel ng "LOBO". siya ang tali ako ang lobo.

18. Does your phone ring in the middle of the night often?
? ako pa?! hoy kung mabasa nyo 'to please lang....

19. What gets in your way of your sleep?
? someone out there really thinks of me... tantanan!

20. What is something you recently learned about yourself?
? matagal ko ng alam yun! (sabay pormang dat's my boy)

21. Do you like anyone?
? are u gonna ask me that just once???

22. What's your favorite number?
? dati 69; ngayon 88 na!!! i-8-u-u-8-me.

23. What is one thing you miss about your past?
? wala. kyut pa rin nga ako, kulit!

24. Are you jealous of anyone?
? ano pa hihilingin ko???

25. Is anyone jealous of you?
? sinabi mo pa! hahahhahahahaha at ha!!!

26. Has anyone recently told you that they like you?
? see #21

27. Who was the last person you rode with?
? with? di kaya mali ang preposition mo???

28. What are you looking forward to?
? wala! linggo ngayon. walang wowowee! binabalakubak ako kapag si ruffa napapanood ko!

29. How are you feeling today?
? never been better!

30. How many things in your past do you regret?
? sumpa 'tong appeal at talino ko!

31. Do you have a best friend?
? wala nga para walang tampuhan.

Same-same lang yan (another survey)

1.What's worse? Liars or cheaters?
- Same-same lang yan!

2. Is it easier to forgive than to
forget?
- Syempre lalo pa kung malaki utang sa 'yo!

3. Can men and women be just friends?
- NEVER! Period.


4. How do you feel about dating Co-Workers?
- Kadiri!!! Puro lalake kami sa opisina!!! Yuck!!!

5. All expense paid vacation to anywhere. Where?
- Dito na lang ako sa Riyadh... perahin ko na lang.

6. What was your last meal?
- Manok. Ano pa?!

8. When you are "in love" do you notice other people?
- Wala na! nakapikit na ako eh...

9. Is flirting cheating?
- Only in the same area code.

10. Would you rather have 1 great friend or 5 pals?
- 5 pals na lang para maraming airplanes.

11. If someone called you a bitch would you be offended?
- Bitch ka rin!!!

12. Are you okay with your boyfriend/girlfriend being friends with an ex?
- Bitch ka talaga!!!

13. Would you live with someone without marrying them?
- Uso na yan!

14 . Favorite sport?
- Bed-minton & Pennis.

15 . Do you like diet soda?
- 'pag libre.

16. Do you squeeze toothpaste from the middle or end of the tube?
- depende yan sa laman. kung paubos na eh di sa end talaga... hanggang butas pa nga eh. minsan ginugupit pa sa gilid!

17. How do you feel about tanning booths?
- not my type. mas gusto ko yung black na booths, bagay sa maong!

18. Friends with benefits?
- FF ba? game ako dyan ala Boston Legal style.

19. Do you believe in angels?
- naman! wish ko nga eh humiga sa ulap at pinapaypayan ng mga anghel at kinakantahan ng mga kerubin...

20. Would you rather take pictures or be in pictures?
- kung photogenic ka tulad ko, alam mo na ang sagot ko dyan!

22. Ever kissed a random person and then walked away?
- NO! She walked away!!!

Alta-presyon, turukan, bunutan atbp. - 4/2007


inaantot ato... nasa opisina ako ngaun. 1:51 ng hapon. nakatitig sa monitor pero blanko ang utak. eto na siguro ang mid-life crisis na sinasabi nila. pero hindi pa naman cguro kasi kung tatagal ako ng 100 yrs old, eh di dapat on my 50th birthday pa yun dba? pero ewan ko ba. magulo ang utak ko pero di ko alam kung ano ang gumugulo nito. siguro nga epekto lang ito ng panahon na unti-unti ng nagbabago. maiinit na kagabi kaya napilitan na akong mag-burlesk at mag aircon. hmmm sarap... damang-dama ng likod ko ang kama habang ako’y nakahilata at damang-dama din ako ng kama kapag ako’y nakadapa... ouch daw! ok naman ang tulog ko, medyo bitin pero nasanay na rin akong konti lang ang tulog. sabi pa nga ng kasama ko sa bahay, habang tumatanda daw ang tao pakonti ng pakonti daw ang oras na kelangan para matulog. cguro nga tama siya. naalala ko tuloy si lola dati nung buhay pa siya. alas tres pa lang ng madaling-araw ay gising na at nakikinig na ng am radyo. ganun din ang nasira kong ama, yun naman eh sounds ang trip, kaya kahit maaga pa ay maririnig mo na sina pareng frank at pareng perry na umuungol sa bahay pati na ang naiipit na mga chipmunks tuwing kapaskuhan. siyempre pa dumadagungdong ito mula sa sansui components na pasalubong sa kanya ng asawa ng pinsan kong galing saudi.

pero ako? ni wala na nga akong masyadong oras para makinig ng sounds. bitin pa rin ang anim na oras na tulog para akin. pumapasok akong parang bangag sa kape tuwing umaga at medyo suplado akong nagmaneho lalo na kung may mutang nakaharang pa sa peripheral vision ko. ¼-life crisis pa lang cguro ‘to. pero handa na rin akong harapin kung sakaling dumating man ang araw na yun. 50? baka that time pang-ihi na lang talaga ang gamit ng bird ko. kaya ngaun,  tuloy pa rin ang bisita ko sa gym, kaso lately mas regular pa ang dalaw namin sa kruathai resto kung saan msg-enriched/fortified ang lahat ng pagkain. yung kaopisina ko nga eh nagka hiblood na. batang-bata pero may alta-presyon. sinamahan ko pa ngang magpa-checkup sa hospital. mataas daw ang serum triglycerides at cholesterol ayun sa medical exam nya. sabi naman ng doktor eh nakuha daw nya yun sa kakakain sa labas. at nung inereklamo nya na nahihilo at inaatok sya sa “light medicine” na nireseta sa kanya, sumagot si dok na eh di hatiin na lang daw ang tableta at inumin sa gabi. galing mo dok, sana marami ka pang matulungan at maisalbang buhay!!!

naalala ko din dati nung nagpatingin ako sa sa isang hospital dito sa riyadh. trip lang para magamit ang libreng medical insurance. sinamahan ko kasi yung dalawang kaopisina kong nagpatingin din. naiinip ako sa kakaantay kaya nagpa-checkup din ako. trip ko lang pasilip ang tonsils ko kung may infection. konting silip lang ni dok sa lalamunan ko ayos na, pamatay oras habang naghihintay sa dalawang mokong. akala ko nga panadol – “the wonder drug” na naman ang ibibgay sa akin eh. pero hindi?! ang daming nireseta na libreng gamot pipick-upin sa pharmacy. nagulat lang ako ng sinabi nya na bumalik sa clinic nya after makuha yung gamot, sabay ngiti. bakit kaya? pumunta at pumila ako para kunin yung mga gamot. laking gulat ko ng inabot ni kabayan ang isang maliit na vial. anak ng.... tuturukan ako! pero sabi ko ok lang di naman ako natatakot at dati din naman akong adik. bumalik at dinala ako ng nars sa separate room kung saan dalawa lang kami at may isang upuaan sa gitna ng kuwarto. naturn-on ako sa amoy casino rubbing alchohol na silid kaya marami akong naisip nung oras na yun pero sa akin na lng yun. diretso upo na lang ako sabay itinaas ko yung long-sleeves ng polo ko. hindi sya pinay, ewan ko kung anong lahi pero mukha naman syang malinis at amoy albatross. sa isip-isip ko,pwede na ‘to. bahala na si allah. lalo pa akong uminit ng sinabi nyang... “dont sit, stand.....” eto na.... “pull down your pants”. ok na sana sa akin kung hanggang dun lang, kaso dagdag pa nya... “turn around”. putcha sa tumbong pala ako tuturukan! letche, nag-antay na lang sana ako sa lobby at ngpakyut sa mga pilipina nurses o kahit na lang sa mga feeling-pilipina na mga pilipino nurses. susmaryosep! isa na namang pinagpalang nilalang tuloy ang nagkaroon ng pagkakataong masilayan ang pwet ko. hindi na ako bumalik sa hospital na yun...

minsan din nagpabunot ako ng ngipin sa isa pang hospital na itatago nating sa pangalang “riyadh national hospital”. doon nama’y nakaupo na ako, nakanganga na parang buwaya nang tinanong ako ni dok kung bubunutin na ba o hindi pa ang ngipin. anak ng naman... ikaw tong dentista tapos opinion ko ang tatanungin mo. pero sa wakas nagkasundo rin kaming bunutin na lang kasi yun naman talaga ang pakay ko dok diba?! --- magpa-bunot ng ngipin! nung nabunot na, tumayo na ako at lumapit sa table ni dok at inantay ko yung reseta para sa sakit at pamamaga. parang nagulat pa syang nagtanong, “ u still need medicine?”. sus ginoo! kung di lang ako bagong bunot gusto ko sana syang kagatin.

kalusugan... kelangang alagaan ng mabuti para sa magandang kinabukasan. til here muna... lalamon pa kami.



Adoo Run Run - 3/2007

wew!!! kelangan na talagang magbawas ng timbang... lumalaki na naman ang baby fats ko. medyo yucky na tingnan, nakakabawas ng sex.... appeal. gosh, ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa aking mga tanga-hanga??? pano na lang yung mga product endorsements ko??? di ko na pwedeng ibalik yung perang ibinayad sa akin ng mga advirtisers. pinagawa ko na ang aking ilong, kilay at dibdib.

kaya back to the gym uli. nagpa-member ako sa sports facilities sa opisina. nagbayad pa ako ng SR400 para dun. ok na rin cguro pag ganito kasi motivated akong bawiin ang binayad ko. sayang din kung di magamit in 1-year, binili ko na lang sana ng lobo.

matagal-tagal na rin akong niyayaya ng aking kaibigan magpa-member kaso nga lang medyo busy ako. pero ngayong inadjust na yung office hours namin, medyo libre na ang sked pagtapat ng alas singko ng hapon. kesa puro double-click sa mouse lang ang pinagkakaabalahan ko, minabuti ko na lang na magbuhat ng bakal, magbisekleta at tumakbo ng tila walang paroroonan. nakaka-dalawang beses pa lang akong bumisita sa gym. nung una, naramdaman ko talaga na kinakalawang na yung mga strong bones and yummy muscles ko. streching pa lang parang matigas na. natutong na siguro ang aking kalamnan sa kaka-upo maghapon sa opisina kaharap ang aking mahiwagang computer at sa kakapanood lang ng tv pag-uwi sa gabi. kala ko kasi sapat na yung magdamag kong pagpupuyat mag-basketbol sa playstation. hindi pala...

ang sarap tumakbo sa treadmill. nung una, medyo tatanga-tanga pa akong sumampa sa machine. hi-tech kasi; ang daming pinipindot bago umandar ang loko. kelangan mo pang i-input yung age, weigth, time, speed at kung ano-ano pa. sarap sipain! tatakbo na lang eh ang dami pang palaisipan. parang playstation din, daming controller at in-game settings. wala bang ready get-set go lang? sa ngayon, medyo walking pace lang muna ang sini-set ko. pinapakiramdaman ko pa ang aking katawan at resistensya. lately kasi hinihingal na ako kakaakyat sa opisina. tuwing umaga kasi, naghahagdan lang kami paakyat sa 3rd floor kung saan kami nakapwesto sa building. buti sana kung ground, 2nd at 3rd floor na. kaso dito sa saudi palaging may 1st floor pa pagkatapos ng ground. yun lang ang pinaka exercise ko araw-araw. lang kakwenta-kwenta! walang challenge...

maraming pinoy din dun sa sports club. kaso palaging maaga silang natatapos dahil maaga rin ang time-off nila sa hapon. kami ng kaibigan ko alas-singko pa natatapos sa trabaho. kaya yung amoy sibuyas na lang nila ang nadadatnan namin. pagdating namin, nagpapahinga na sila o di kaya nagkukuwentuhan tungkol sa trabaho, babae, mga ibat-ibang klase ng sakit, pampatigas, paano mameke ng mga papeles at gaano katagal bago magpalit ng panty ang mga arabiana. yung isang kabayan nga eh nagbibida pa tungkol sa asawa nyang nars nagpaanak daw ng arabianang puno ng buhagin ang peks. yung mga taga desyerto daw kasi buhangin ang pinapangpunas nila pagkatapos umihi o umebs. hmmmm sarap ng usapan... very intelectual at informative ang discussion. usapang lalake, usapang pinoy... usapang henyo!!!

ang kagandahan lang nung sked ay maluwag na ang gym kapag ganong oras. kaso kahapon kasabay namin yung mga indiano sa gym. yung mga tipong nerds siguro ang mga yun nung nasa school pa sila. yung tipong inaapi at binu-bully ng mga tigasin tulad ko. pero may mabilis ding tumakbo na kasama nila. parang ayaw nga bumaba sa treadmill. siguro yun yung tipong hinuhubaran at pinapahabol sa leonmula nung bata pa siya. yun din yata ang sekreto ng mga taga-africa kaya marami silang gold medal sa track & field tuwing olympics.

sana nga tuloy-tuloy tong kahibangan ko. sana di ako mawalan ng ganang mag-ehersisyo hanggat masulit ko yung pinambayad ko. sabi pa nga ng isa pang kabayan kasabay namin na medyo may edad na, ang pag-exercise daw ang pinaka mahirap na trabaho. sabi ko pa, hindi ka pa binabayaran para gawin yun. sagot naman niya, ang bayad daw nun ay ang kalusugan at haba ng buhay. tama nga siya... sa kanya na lang ako makikinig sa susunod kong bisita sa gym. pero totoo kaya talaga yung may buhangin sa peks???