noong nasa kolehiyo pa ako, kadalasan na pinagtatalunan namin ng barkada habang nag-iinuman ay kung ang buhay ba ng tao ay naka depende sa nakalaang tadhana o di kaya siya mismo ang may layang gumawa neto; destiny or by choice? isang debateng kahalintulad ng “ano bang nauna, itlog o manok?” isang debateng tila walang katapusan... hanggat may itatagay pa, hala sige sigawan lang ng sigawan, hanggat pwede pang magdagdag sa listahan ng utang sa tindahan, sige tuloy ang bangayan. at kahit ubos na ang yelo at medyo mukhasim kana habang tumatagay, sige debate!!! sugod mga kapatid!!!
ilang bote din ng gilbey’s, redhorse, pilsen, tanduay at ginebra kung wlang wala na, ang naubos namin sa kubo nina pareng ensyong, isa sa mga kabarkada. ganun lang buhay dati. “group study” linggo-linggo... biyernes... ambag-ambag, bili, deretso sa kubo, pa-sounds ng pang-adik, luto ng hapunan at pulutan, crack ng yelo, tagay, debate... SUKA. may kulang ba? kung meron man, di ko na matandaan. lasheng na ikaw ehh hik! haayyyy... ang mahiwagang kubo, parang kelan lang tsk3! yung kubo pa man din yun ay nasa backyard nila, tapos nakapwesto malapit sa cyclone na pader. sa kabila ng pader ay bahay na ng titser namin sa PE na bading. ilang beses din nagmakaawa yung bading na kung mag-inuman daw kaming magbabarkada, sana man lang abisuhan namin sya para makalipat daw sya sa sala nila at doon matulog. huh?! bintana pala ng kwarto nya yun??? putcha, eh di ilang beses pala nya kaming nabosohan habang kami’y umiihi sa pader paminsan-minsan! pangit pa naman ng itsura ng birdie ko kapag lasing; lupaypay at matamlay--- sadyang pang-ihi lng talaga ang gamit.
pero iba na ang takbo ng buhay ngayon... “decisions, decisions, decisions....”. dati iniisip mo lang kung kaya mo pa bang umuwi o sa kubo na lang matutulog. sabado naman kinaumagahan eh. pa good-boy epek na lang paguwi sa bahay. konting linis, mop ng sahig at hugas ng kotse at mag-volunteer magmaneho at sumundo sa mga mahjong players. ngayon iba na ang buhay, kaibigan. hindi lang sarili mo ang iniintindi mo sa bawat desisyon mo. paano kung ganito? paano pag ganyan? ano ba ang mga posibleng mangyari.... ano ba ang kahihinatnan ng lahat ng to??? baril ba o bulaklak? patayo ba o patuwad? si irish o si rosita??? blue o baby pink? ay! red na lang...
kaso minsan, huli na ang lahat nang ma-realize mo na mali pala ang naging desisyon, maging sa napiling kurso man, trabaho, negosyo, pag-ibig at iba pa. minsan naman, nagsisisi ka sa mga bagay na dapat sana ginawa mo dati pa. minsan din, kahit anong pilit mo sa isang bagay na napagdesisyunan mo na sadyang napakamagpaglaro ang tadhana at pilit rin itong inililihis sa iyong landas. sabi nga, may mga bagay talaga sa mundo na dapat tanggapin na lng ng buong puso. “follow your heart” na lang daw. letche, kaso minsan yang bwisit na puso rin ang dahilan kung bakit nagugulo ang buhay natin.
ewan, ang gulo ng buhay no?! pero kung tutuusin yan din ang nagbibigay kulay at kabuluhan sa ating pagkatao, ang makaroon ng kalayaang magmaneho ng sarili nating barko sa malawak at magpagbirong dagat ng buhay. ang lalim pre ah, lasheng ka na ba??? huh? di kita marinig pre, sa tenga na kasi ako imiinom hik! puno na eh....