Lunes, Disyembre 30, 2019
Kagandahan (Miss U 2017) - Repost
Balik na naman tayo sa usapang kagandahan. Quickie lang to. Naisip ko lang habang nanonood ng Miss Universe, bakit yung pinaka magagandang babae lang ang sinasali sa contest na ito? Bakit wala na namang contest para sa mga average looking na mga babae lang, pwede naman diba? Miss Moderate, Miss Tolerable or Miss Usual. Kung sa local pwede din naman yung Binibining Sakto, Mutyang Pwede Na di kaya Binibining Katamtaman. Yung nga lang kapag natalo ka pa sa Binibining Katamtaman, ano ka??? Alam na.. Hindi naman matatalino ang mga napili sa Top 5 sa Miss U ngayong gabi. Ang eengot nga ng mga sagot.. pero OK lang magaganda sila eh. They can get away with it ika nga.. Advantage talaga sa babae kung may taglay kang kagandahan. Maramirami na rin akong napanood na "beaucon" na ang nananalo yung magaganda lang kahit utak munggo. Yung mas malaki pa ang boobs kesa sa utak nila. Bouncing baby girl ang peg kapag rumarampa sa entablado. Maganda. Sexy. Pero kapag tinanong mo ng 'What is your best feature?" Ang sagot "My best feature is black and white, it was taken when I was in grade 2 with my mom and dad. Thank you." Ang tanga lang di ba? Pero OK lang maganda eh.. Buhay nga naman.. Marami din akong na-meet na magaganda sa buhay ko. May nakatrabaho akong maganda noon na palaging nagrereklamo "Ay wala na naman fafer ang frinter!" Fafer? Frinter? Pero maganda sya eh.. Ok lang baka na "sleyp of the tongue" lang. Sige na nga ako na maglalagay ng fafer sa frinter. Kaya ayun, na turn-off ako kaya di ko na siya sinayaw nung Christmas Farty namin. Meron din akong kaopisinang laging nangungulit pag uwian na... "Hoy may barya ka ba sa tweynty?" Tweynty? Tweynty? English ba ng beynte yun??? Twenty di ba? Minsan pati sarili mo kinukwestiyon mo na rin..Tama ba sila? Mali ba ako? Mali ba ang pagpalaki ng mga magulang ko sa akin? Mali ba lahat ng mga naging titser ko? Lugi ba ang mga magulang ko sa lahat ng binayad nila para sa edukasyon ko? Kung edukasyon lang ang pwede nilang ipapa-mana sa akin, naisahan ba ako?Haayyy naku ewan ko ba. Haba na neto wala namang saysay. Gotta go.. Feace! Fost!
✌️ #akosimiyo
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento