Linggo, Nobyembre 26, 2017
SELFIE
Nakaka-asar din minsan tong FB ano? Unfair para sa mga average looking guys tulad ko at karamihan sa atin.. Buti pa yung mga magaganda at pogi kahit na yung mga pangit, habang nag scro-scroll ka ng feed talagang teka.. wait.. oops babalikan mo pa.. ganda nun ah?! di kaya putcha ampangit ni gago kapal ng mukha oh! Sabay like
👍Pero kapag mukhang karaniwan ka lang, hay naku wala talagang papansin sayo.. Kahit mag selfie ka pa maghapon, siguro mga tatlong likes lang makukuha mo, yung isa sayo tapos yung dalawa mga kamag-anak mo pa! Hahaha! Pero pansin nyo ba yung magaganda nyong friends, kahit simpleng selfie "Bored at work" lang.. putcha 300 likes?! yung lang?! bored? 300 likes??? Eh ako nga mas maraminpang likes yung picture ng lechon na pinost ko kesa selfie ko!!! Ano kaya yun?! Siguro nga may mga tao talagang sadyang camera-friendly.. ganda at pogi lang sa selfie. Kahit anong angulo photogenic. Yun yung mga friends natin na may mga album na ang title "Jazz Meh" o di kaya "Meh, Mah self and I". Oh di ba? Yung tipong pawang mga propesyonal lamang ang may kakayanang gumagawa nyan... Yung mga taong kahit simpleng "Woke up like this" lang hindi bumababa sa 357 likes kahit gulong gulong pa ang buhok, may muta at may natuyong laway pa sa gilid ng bibig. Pero kapag average ka lang.. wala! Pusang gala! comment lang ang aabutin mo! Ti-nry ko rin yan minsan.. gising, selfie.. "Woke up like this"..post. Pusa..tatlong likes, as usual mga kamag-anak ko na naman.. tapos may nag-iisang comment: "Matulog ka na lang ulit". Nakaka-bwisit di ba?! Hayop ka.. nag-comment ka pa?! Syet ang sakit! Hindi ko na inulit. Kaya payo ko sa mga average looking friends ko.. puro acievements nyo na lang sa buhay ang i-post nyo.. tulad ng mga travel pics ganun.. graduation, bagong kasal, bagong gupit, bagong tuli, bagong gadget, kotse o bahay, mga anak na nagkakarate, piano, violin.. nanalo ka sa singing contest kahit pa 3rd runner-up ka lang, nagbake ka ng pandesal, napromote ka sa work, natapos mo yung marathon, nag-aaral kang mag-golf, umattend ka ng mga class o family reunions, at syempre yung mga mamahaling pagkain natikman para sabihin naman ng ibang tao asensado at nakaka luwag-luwag ka na sa buhay. Sabay lagyan mo na lang ng #Blessed. Sigurado yun aani ka din ng mga 300 likes unless di ka talagang kalike-like na uri ng tao.. Huwag ka ng umasa pa sa selfie. Pag may nag-comment sasama pa loob mo.. Matulog ka na lang uli.
😜
😜
😜 #BLESSED #akosimiyo#kinakalawangexblogger #walangpraktis #bloggersblock #suboklang
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento