Lunes, Disyembre 30, 2019

Kagandahan (Miss U 2017) - Repost

Balik na naman tayo sa usapang kagandahan. Quickie lang to. Naisip ko lang habang nanonood ng Miss Universe, bakit yung pinaka magagandang babae lang ang sinasali sa contest na ito? Bakit wala na namang contest para sa mga average looking na mga babae lang, pwede naman diba? Miss Moderate, Miss Tolerable or Miss Usual. Kung sa local pwede din naman yung Binibining Sakto, Mutyang Pwede Na di kaya Binibining Katamtaman. Yung nga lang kapag natalo ka pa sa Binibining Katamtaman, ano ka??? Alam na.. Hindi naman matatalino ang mga napili sa Top 5 sa Miss U ngayong gabi. Ang eengot nga ng mga sagot.. pero OK lang magaganda sila eh. They can get away with it ika nga.. Advantage talaga sa babae kung may taglay kang kagandahan. Maramirami na rin akong napanood na "beaucon" na ang nananalo yung magaganda lang kahit utak munggo. Yung mas malaki pa ang boobs kesa sa utak nila. Bouncing baby girl ang peg kapag rumarampa sa entablado. Maganda. Sexy. Pero kapag tinanong mo ng 'What is your best feature?" Ang sagot "My best feature is black and white, it was taken when I was in grade 2 with my mom and dad. Thank you." Ang tanga lang di ba? Pero OK lang maganda eh.. Buhay nga naman.. Marami din akong na-meet na magaganda sa buhay ko. May nakatrabaho akong maganda noon na palaging nagrereklamo "Ay wala na naman fafer ang frinter!" Fafer? Frinter? Pero maganda sya eh.. Ok lang baka na "sleyp of the tongue" lang. Sige na nga ako na maglalagay ng fafer sa frinter. Kaya ayun, na turn-off ako kaya di ko na siya sinayaw nung Christmas Farty namin. Meron din akong kaopisinang laging nangungulit pag uwian na... "Hoy may barya ka ba sa tweynty?" Tweynty? Tweynty? English ba ng beynte yun??? Twenty di ba? Minsan pati sarili mo kinukwestiyon mo na rin..Tama ba sila? Mali ba ako? Mali ba ang pagpalaki ng mga magulang ko sa akin? Mali ba lahat ng mga naging titser ko? Lugi ba ang mga magulang ko sa lahat ng binayad nila para sa edukasyon ko? Kung edukasyon lang ang pwede nilang ipapa-mana sa akin, naisahan ba ako?Haayyy naku ewan ko ba. Haba na neto wala namang saysay. Gotta go.. Feace! Fost!✌️ #akosimiyo

Linggo, Nobyembre 26, 2017

SELFIE

Nakaka-asar din minsan tong FB ano? Unfair para sa mga average looking guys tulad ko at karamihan sa atin.. Buti pa yung mga magaganda at pogi kahit na yung mga pangit, habang nag scro-scroll ka ng feed talagang teka.. wait.. oops babalikan mo pa.. ganda nun ah?! di kaya putcha ampangit ni gago kapal ng mukha oh! Sabay like 👍Pero kapag mukhang karaniwan ka lang, hay naku wala talagang papansin sayo.. Kahit mag selfie ka pa maghapon, siguro mga tatlong likes lang makukuha mo, yung isa sayo tapos yung dalawa mga kamag-anak mo pa! Hahaha! Pero pansin nyo ba yung magaganda nyong friends, kahit simpleng selfie "Bored at work" lang.. putcha 300 likes?! yung lang?! bored? 300 likes??? Eh ako nga mas maraminpang likes yung picture ng lechon na pinost ko kesa selfie ko!!! Ano kaya yun?! Siguro nga may mga tao talagang sadyang camera-friendly.. ganda at pogi lang sa selfie. Kahit anong angulo photogenic. Yun yung mga friends natin na may mga album na ang title "Jazz Meh" o di kaya "Meh, Mah self and I". Oh di ba? Yung tipong pawang mga propesyonal lamang ang may kakayanang gumagawa nyan... Yung mga taong kahit simpleng "Woke up like this" lang hindi bumababa sa 357 likes kahit gulong gulong pa ang buhok, may muta at may natuyong laway pa sa gilid ng bibig. Pero kapag average ka lang.. wala! Pusang gala! comment lang ang aabutin mo! Ti-nry ko rin yan minsan.. gising, selfie.. "Woke up like this"..post. Pusa..tatlong likes, as usual mga kamag-anak ko na naman.. tapos may nag-iisang comment: "Matulog ka na lang ulit". Nakaka-bwisit di ba?! Hayop ka.. nag-comment ka pa?! Syet ang sakit! Hindi ko na inulit. Kaya payo ko sa mga average looking friends ko.. puro acievements nyo na lang sa buhay ang i-post nyo.. tulad ng mga travel pics ganun.. graduation, bagong kasal, bagong gupit, bagong tuli, bagong gadget, kotse o bahay, mga anak na nagkakarate, piano, violin.. nanalo ka sa singing contest kahit pa 3rd runner-up ka lang, nagbake ka ng pandesal, napromote ka sa work, natapos mo yung marathon, nag-aaral kang mag-golf, umattend ka ng mga class o family reunions, at syempre yung mga mamahaling pagkain natikman para sabihin naman ng ibang tao asensado at nakaka luwag-luwag ka na sa buhay. Sabay lagyan mo na lang ng #Blessed. Sigurado yun aani ka din ng mga 300 likes unless di ka talagang kalike-like na uri ng tao.. Huwag ka ng umasa pa sa selfie. Pag may nag-comment sasama pa loob mo.. Matulog ka na lang uli. 😜😜😜 #BLESSED #akosimiyo#kinakalawangexblogger #walangpraktis #bloggersblock #suboklang

Biyernes, Hunyo 5, 2015

Adoo run run - (3/2007)

wew!!! kelangan na talagang magbawas ng timbang... lumalaki na naman ang baby fats ko. medyo yucky na tingnan, nakakabawas ng sex.... appeal. gosh, ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa aking mga tanga-hanga??? pano na lang yung mga product endorsements ko??? di ko na pwedeng ibalik yung perang ibinayad sa akin ng mga advertisers. napagawa ko na ang aking ilong, kilay at dibdib.

kaya back to the gym uli. nagpa-member ako sa sports facilities sa opisina. nagbayad pa ako ng SR400 para dun. ok na rin cguro pag ganito kasi motivated akong bawiin ang binayad ko. sayang din kung di magamit in 1-year, binili ko na lang sana ng lobo.

matagal-tagal na rin akong niyayaya ng aking kaibigan magpa-member kaso nga lang medyo busy ako. pero ngayong inadjust na yung office hours namin, medyo libre na ang sked pagtapat ng alas singko ng hapon. kesa puro double-click sa mouse lang ang pinagkakaabalahan ko, minabuti ko na lang na magbuhat ng bakal, magbisekleta at tumakbo ng tila walang paroroonan. nakaka-dalawang beses pa lang akong bumisita sa gym. nung una, naramdaman ko talaga na kinakalawang na yung mga strong bones and yummy muscles ko. streching pa lang parang matigas na. natutong na siguro ang aking kalamnan sa kaka-upo maghapon sa opisina kaharap ang aking mahiwagang computer at sa kakapanood lang ng tv pag-uwi sa gabi. kala ko kasi sapat na yung magdamag kong pagpupuyat mag-basketbol sa playstation. hindi pala...

ang sarap tumakbo sa treadmill. nung una, medyo tatanga-tanga pa akong sumampa sa machine. hi-tech kasi; ang daming pinipindot bago umandar ang loko. kelangan mo pang i-input yung age, weigth, time, speed at kung ano-ano pa. ano to slum book??? sarap sipain! tatakbo na lang eh ang dami pang palaisipan. parang playstation din, daming controller at in-game settings. wala bang ready get-set go lang? sa ngayon, medyo walking pace lang muna ang sini-set ko. pinapakiramdaman ko pa ang aking katawan at resistensya. lately kasi hinihingal na ako kakaakyat sa opisina. tuwing umaga kasi, naghahagdan lang kami paakyat sa 3rd floor kung saan kami nakapwesto sa building. buti sana kung ground, 2nd at 3rd floor na. kaso dito sa saudi palaging may 1st floor pa pagkatapos ng ground. yun lang ang pinaka exercise ko araw-araw. lang kakwenta-kwenta! walang kachallenge-challenge...

maraming pinoy din dun sa sports club. kaso palaging maaga silang natatapos dahil maaga rin ang time-off nila sa hapon. kami ng kaibigan ko alas-singko pa natatapos sa trabaho. kaya yung amoy sibuyas na lang nila ang nadadatnan namin. pagdating namin, nagpapahinga na sila o di kaya nagkukuwentuhan tungkol sa trabaho, babae, mga ibat-ibang klase ng sakit, pampatigas, paano mameke ng mga papeles at gaano katagal bago magpalit ng panty ang mga arabiana. yung isang kabayan nga eh nagbibida pa tungkol sa asawa nyang nars nagpaanak daw ng arabianang puno ng buhagin ang peks. yung mga taga desyerto daw kasi buhangin ang pinapangpunas nila pagkatapos umihi o umebs. hmmmm sarap ng usapan... very intelectual at informative ang discussion. usapang lalake, usapang pinoy... usapang henyo!!!

ang kagandahan lang nung sked ay maluwag na ang gym kapag ganong oras. kaso kahapon kasabay namin yung mga indiano sa gym. yung mga tipong nerds siguro ang mga yun nung nasa school pa sila. yung tipong inaapi at binu-bully ng mga tigasing tulad ko. pero may mabilis ding tumakbo na kasama nila. parang ayaw nga bumaba sa treadmill. siguro yun yung tipong hinuhubaran at pinapahabol sa leon mula nung bata pa siya. yun din yata ang sekreto ng mga taga-africa kaya marami silang gold medal sa track & field tuwing olympics.

sana nga tuloy-tuloy tong kahibangan ko. sana di ako mawalan ng ganang mag-ehersisyo hanggat masulit ko yung pinambayad ko. sabi pa nga ng isa pang kabayan kasabay namin na medyo may edad na, ang pag-exercise daw ang pinaka mahirap na trabaho. sabi ko pa, hindi ka pa binabayaran para gawin yun. sagot naman niya, ang bayad daw nun ay ang kalusugan at haba ng buhay. tama nga siya... sa kanya na lang ako makikinig sa susunod kong bisita sa gym. pero totoo kaya talaga yung may buhangin sa peks???

Miyerkules, Hunyo 3, 2015

Blog na ba to??? (Ang unang Blog) - 04/2006

Ano ba tong blog na tinatawag? sa tanang buhay ko dito sa mundo, ni minsan di ko pa na experience to... hihihi first time mo? oo kaya pala mahirap, masakit at nakakapagod... pero sabi nga nila pagnasanay na daw ako, masarap na to at di na ako mapapagod masyado. BLOG?! parang ansakit sa pwet ano? cno kayang tarantadong nagisip netong name? pwede namang BLAG o PLOP...o WOOSH at KABLAM ni superman. ah ewan basta un na un...

Eto yata ang mga naiisip ng walang maisip... BLOG!...
pag walang magawa, BLOG!
pagnaiinis, BLOG!
pag in-luv, BLOG!
pag madrama ang buhay, BLOG!

hahahahahah asan kaya ako dun?! basta eto na daw ang umpisa... masakit na masarap... pedeng sabihin ang di kayang ipagsigawan... 'Tang ina, pede bang magmura dito? tanong ko kaya sa friend ko... oh, blog na ba to??? kung ganun , ganap na blogger na ako....

Wahahahahahahahaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh...... BLOG!!!

Basta Driver Sweet Lover... 03/2007

March 04, 2007

HA-HA-HA! tagumpay!!! at last nakuha ko na rin ang Saudi driver’s license ko!!! mabrouk toto!!!

Buong umaga rin kanina ang inaksaya ko sa driving school dito sa riyadh. ngayon lang kasi ako medyo nakaluwag-luwag sa trabaho. isa pa sawa na ako maki-amoy sa baho ng mga taxi driver tuwing umaga pagpasok ng opisina at yung mga kasama ko sa opisina ay may mga lisensya na kaya dala na rin ng inggit siguro naglakas-loob na rin akong kumuha kahit sikat ang notion dito na sobrang hirap ipasa ang driving exam sa kaharian. marami pa ring daw sumasablay pareho sa computer exam pati sa actual drive test. nag-praktis pa nga ako nung weekend kasi daw pahirapan ang actual exam lalo sa pag-parking ng paatras. hmmm...meron ba?

maaga pa akong pumanta sa driving school kanina bitbit ang mga requirements at ang natitira kong lakas ng loob. bahala na sabi ko, kung pumasa eh di ok. pero sa tingin ko naman kakayanin ko eh. una, bumili pa ako ng file folder para paglayan ng mga requirements na dala ko. syempre green na naman ang folder ba tinitinda doon, tanda ng ka berdehan ng mga utak ng arabo (kung meron man). tapos ayon pila kaagad sa tanggapan kung saan titingnan kung kumpleto ang dala mong papeles. ayos naman yung sa akin kaya pina-silip ako ng pulis para ma-check yung mata ko. nabasa ko yung number 1 eh pero nung tinuro nya yung 5 parang hindi ko pa mabasa dala na rin siguro ng kaliitan ng numero at ng namumuong muta sa aking mga mata dahil sa paggising ng maaga. pero 5 yun sure ako kasi 6 ang kasanod eh. sentido komon ika nga. tapos ok na daw sabay stamp ng pulis na nakakatakot. siguro kung dito ako sa saudi pinanganak at sinabi ng nanay na kukunin ako ng pulis ‘pag pasaway ako, siguro bata pa lang, naglaslas na ako ng pulso. nakakakilabot ang mga mukha nila para bang si sta. claus na naka type-A uniform sa ROTC at ang bawat tanong nila ay nag-aantay ng SIR-YES-SIR!!! lang na sagot.

ok naman daw yung eyes ko kahit may muta pa kaya pinaderetso na ako sa initial driving session. doon titingnan ng instructor kung marunong ka talaga magmaneho, basic ika nga wlang ka-challenge challenge.... pinaupo lang ako ng mama at pina-ikot sa parang rotonda tapos kalas na, tapos! kaso nung tiningnan nya yung lisensya ko sa pinas eh expired, patay! dapat daw mag-schooling pa ako ng 4 na araw. putcha apat na araw? utot mo! ano ka tange? tumakas nga lng ako sa trabaho eh. isa pa last, week lang nag-expire yan nung bday ko. kaya todo paliwanag na naman ako sa arabo na i-consider yung application ko kasi di ko narenew yung lisensya kasi nandito ako sa saudi. pilit kong nilakihan ang mata ko, baka matakot sya kaso nga may muta parin yata at ayaw bumuka ng todo kaya tiger look na lang ang binigay ko. ayun pumayag naman sabay himas sa hita ko.... hehehehe joke! maglalas-las ako dun ora mismo kung ginawa nya yun.

da best part yung dreaded computerized exam. pero bago nun eh seminar muna kung saan ituturo yung lalabas sa exam mismo. bale 1-10 dapat perfect mo. kung hindi, bagsak automatic yun. yun ang pagkakaintindi ko sa arabo na instructor na pilit mag-english ng baluktot. “wan tu ten anser gud, ok. wan mistake wan tu ten, no gud. down” sabay turo ng hinlalaki pababa.” ay ‘sya tinuro nga yung lalabas sa exam na 1-10 tapos yung 11-20 kahit lima lng ang tama, ok na. “eleben tu twenti, onli payb answer ok, good” sabay turo uli ng hinlalaki pataas. naku eh 5 lang kukunin pala eh, sisiw!!! kelangan lang kabisaduhin yung unang sampu. buti na lang gumagana ang pornographic memory ko kahit inaantok-antok pa ako at may muta.

ang dali ng exam, basa-pindot... basa-pindot... basa-pindot... kayang-kaya ng sinomang matalinong nilalang... 1-10 ayos. nasa number 15 na ako ng nag-automatic stop yung computer at nag-flash ng “you passed the exam”. 15? eh may lima pa eh... sige pa! bring it on! no deal!!! pero kahit ganun kadali ang exam, ang daming bumagsak. yung dalawang pinoy na kasabay ko ay iilan lang sa mga hindi binalik yung papel. success!!!

pagkatapos nun diretso na sa final driving exam kung saan iikot-ikot ka dun sa driving range. eh kung marunong ka naman eh kahit nakapikit siguro kayang-kaya mong ipasa yun. kaya ayon pumasa na naman??? no-brainer ba?! kaso bwisit eh kinulang pa yung dala kong id pics. ewan ko ba kung sino ang nagnakaw ng iba nun hehehe kaya tumakbo pa ako sa labas para mag pa picture. pawis na pawis, inaantok pero di hamak na super-kyut pa rin ako sa picture. wala pang ngiti yun kasi ayaw ng indiano na photographer na ngumiti ako. "NO TEETH!!!"... eh di no teeth... ewan ko baka na-insecure sa taglay kong kagwapuhan. di nga... asan???

tapos bayad insurance na... pila at antay ng lisensya... nakapagod, nakakatawa, nakakaboryo at nakakabwisit minsan pero ok na rin enjoy ako kanina. da best!!!

Certified Saudi Driver and OFW na talaga ako! hahahahaha...

Congrats to me!!!

Ang pagbabalik ng amoy panday...

August 20, 2007

totot... totot... ayan na sila. teks ng teks, tok ng tok! may ka-teks na, may
katok pa! dumating ka na ba? ano dala mo? musta bakasyon? oo, sa kasamaang
palad bumalik pa ako! kelangan eh...

salamat sa mga nagtatanong at nangamusta. hayaan niyo, ipagdadasal ko kayo...
hahahaha. wala me kasi gaanong dala. mini sari-sari store lang ang nabitbit ko
at hindi isang buong sm hypermarket. mabigat kaya.

ok naman ang pinas. umulan ng malakas bago ako lumipad. as usual baha ang metro
manila pati cavite. ngayon alam ko na kung bakit "buhay na tubig" ang pangalan
ng barangay namin. ilang buwan din inantay ng pinas ang ulan. maraming
probinsiya na ang nag-declare ng state of calamity dahil sa tag-tuyot. 8 meters
below critical level na ang tubig sa angat dam. wala ng tubig sa ilang lugar sa
metro manila. dumating nga ang ulan, sobra naman. si chedeng at dodong ba naman
ang magharutan. dalawang bagyo sabay. onli in da pilipins.

ok naman ang byahe galing manila. badtrip lang kasi dumaan pa ng dammam.
namanhid tuloy ang tumbong ko. boring ang flights ngayon via saudia airlines.
mga lumang eroplano ang gamit. ni video screens wala. kahit mga lumang pelikula
ni sharon o ni nora anunor man lang sana papatulan ko na. suplado pa naman ako.
di ako mahilig makipag-usap sa mga taong di ko kakilala. pero wala akong magawa
kaya kinausap ko na lang yung babaeng katabi ko. papunta pala siya ng france
via riyadh. kaya pala englis ng englis. "we're late" daw sabi niya bago kami
mag-take off. "ha?" sabi ko. "what time is it?". "ha?"... "kabayan, pilipino ka
diba?". akala ko kasi di siya pinay o baka naman napagkamalan niya lang akong
british o australian. pero ok naman ang naging kwentuhan namin. 18 years daw
siya sa france, di niya lang masabi na DH siya. "sa bahay" daw work niya.
nandun na rin asawat mga anak niya. halata naman na di siya galing saudi eh.
wala siyang mga alahas gaya ng mga ibang pasaherong akala mo mga rappers na may
mga bling-blings. say what?!

ako nga eh nahulaan ng babaeng checker ng mga hand-carry sa airport ng bacolod.
binulatlat ba naman ang hand-carried bag ko... mga halaman (bawal), binalot na
nilutong alimago at hipon (bawal uli i-hand carry) rayban, gold seiko watch...
"sir galing ka ng saudi?" ayoko sanang sagutin kaso sabi niya ganun na ganun
din daw yung isang relong dala ng asawa niya galing saudi. kaya chinika ko na
lang para makalusot ang halaman, alimango at hipon. ang haba ng kwento niya
pati kung ilang taong nagtrabaho ang asawa niya dito bago lumipat ng qatar,
saan siya ng elementary, hiskul at kolehiyo. sabi daw ng mister niya na ang
saudi daw ang "impyerno sa lupa". sa haba ng nobela niya, humaba tuloy ang pila
sa likuran ko. salamat na rin at pinalusot niya ako. salamat sa saudi!
wala na akong makwento. medyo may hang-over pa ako ng pinas. mahirap na buhay
doon ngayon. sobrang mahal ng bilihin, P45 ang dollar. bwesit! unfair sa isang
certified ofw tulad ko. pero ok lang yun, pinas eh... masarap pa rin sa pinas
kahit bumagyo at bumaha pa man.
x